Chap 0 1 7

6.4K 232 27
                                    

AUGUST

“Here's the food everyone!” Sabay na nilapag namin ni Devyn ang mga pagkaing binili namin kanina para sa kanila. Nagpasalamat naman ang mga ito sa'min ngunit si Devyn lang ang sumagot.

“Thanks for the food August.”
Nakangiting sabi ni Heart.

Tumango lang ako at umupo sa tabi nya. Iisang lamesa lang ang inuupuan naming anim. Kami ang magkatabi nina Cedrick na pinapagitnaan ni Heartley habang ang tatlong mga kaibigan ng bratinella ay sa kabila.

“Tara chibug na!”

“Bibig mo nga sabi Patricia. Ang ingay mo!”

“Eh sa gutom eh. Thanks for the food!”
At nagsimula na ngang kumain ang dalawang maiingay na mukhang nag-uunahan pa.

“Dahan-dahan nga kayo, wala namang kukuha nyang mga pagkain nyo eh.”
Saway ng pinaka-matino sa kanila.

Napapa-iling nalang sya habang ang dalawa ko namang katabi ay ganun din pero may ngiti sa labi.

'Mukhang sanay na sanay sila sa mga ugali nila ah.'

Hindi ko nalang 'yun pinansin at inumpisahan ng kainin ang paborito kong pagkain, pancit palabok. Sininghot ko ang amoy nito at bahagyang nadismaya ng hindi ito kagaya ng luto ni tiya. Sabagay, hindi naman sya ang nagluto.

“You look a bit disappointed there, are you okay?”
Biglang tanong ni Heartley.

“Ayos lang ako.”
At inumpisahan ko ng kumain. Ganun  din ang ginagawa ng mga nasa harapan ko pero hindi talaga mawawala ang pagka-ingay nila.

'Kaya ayokong kumakain ng may kasama eh. Tsk.'

“Okay. But, pwede ba'kong magtanong?”

“Nagtanong ka na.”

“Hahahahahhaha! Roasted Heartley!”
Biglang tuya ni Patricia na tinawanan din ni Dazziel.

“Tss. I mean, ayos lang ba?”

Tumango nalang ako para matapos na. Nag-uusap usap lang din naman sila.

“Paborito mo ba yang pancit?”

Napatingin ako sa kanya ng bahagyang nakakunot ang noo. Nilunok ko muna ang pagkaing nasa bibig ko bago sya sinagot.
“Bakit mo tinatanong?”

“Uhm wala lang. Pansin ko kasi mukhang enjoy na enjoy ka sa pagkain mo eh.”
Nakangiti nyang saad habang hawak ang tinidor.

“Oo.”
Simpleng sagot ko at pinagpatuloy ang pagkain.

'Ang ingay naman nila.'

“Yun nga eh! Kakasimula palang ng taon pero projects na agad binibigay nila! Asan naman hustisya dun? Tsaka mga freshman pa kaya kami! Ced gawan mo nga ng paraan yan!”
Parang batang saad ni Patricia.

“Oo nga! Ang sasama ng ugali nila! Pina-recite pa nga ako ng 1 to 50 ng table of elements eh! Pinag-aralan ko ba yun? Hindi diba?!”
Dagdag pa ni Dazziel.

“Hays, ano ba'ng gagawin ko sa inyong dalawa.”
Iling na sabi ni Cedrick habang sapo-sapo ang noo.

“Pat, Dazz, natural lang yun. Natural lang na bigyan kayo ng projects at paggawan ng recitations ng mga prof because it's their job. At tsaka, hindi na ito pareho nung nasa high school pa kayo. Everything here is taken to the next level. So yeah, I experienced that too when I was in my freshman year but I managed to get through it. See? Kailangan mo lang ng tapang ng loob para makalagpas sa phase na yan.”
Nakangiting sabi ng katabi ko at habang gulat ang dalawa ay ang dalawa naman ay nakangiting nakatutok lang sa mga pagkain.

Loving A Her (Intersex) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon