AUGUST
Pumasok ako ng kwarto ko at agad itong ni-lock. Delikado lang baka pumasok na naman si brat. Nitong mga nagdaang araw ang hilig nyang pumasok sa kwarto ko pero wala namang ginagawa. Binubwesit nya lang ako pero hindi ko naman sya pwedeng palabasin dahil sasabihin lang nyang pamamahay nya 'to na kalahati namang totoo.
Araw ngayon ng huwebes, kaka-uwi lang namin sa mansyon nila. Pagkatapos ko syang ihatid ay himalang sinabi nya na didiretso agad sya sa kwarto nya. Natuwa ako na medyo nagtaka. Iba kasi ang awra nya kanina nung umuwi kami. Ayos naman kaninang umaga pero ngayon. . . ewan ko.
Nitong mga nakaraang araw din nag-iba ang pakikitungo nya sa'kin. Naging mabait sya, pasensyahan o kaya naging makulit. Palagi din nya'kong sinasamahan kahit san ako magpunta, binabati ng magandang umaga, hapon o gabi. Pinagluluto din nya'ko ng mga pagkaing sunog naman. Kung hindi naman sunog ay hilaw. 'Yung sinasabi nga nyang cupcake kulang sa timpla eh. Tsk.
Si Heartley. . . pinanindigan din nya ang sinabi nyang panliligaw. Ayaw kong sabihin pero karamihan sa mga katulad nyang gumagawa ng panliligaw ay nagmumukhang tanga pero sya nagmumukhang ganun parin na Heartley. Ang kaibahan nga lang mas naglalaan sya ng maraming oras sa'kin.
At dahil nga rin sa kahibangan ng dalawang babaeng 'to, dahil sa kasikatan nila at etcetera, madaling nakuha nila ang atensyon ng mga estudyante sa eskwelahan. Tsismis dito at tsismis doon. Saan ako magpunta hindi nawawala ang mga parinigan na papansin daw ako, sipsip at ano pang mga insulto dahil aaligid-aligid daw ako sa dalawang pinakamaganda at sikat na babae sa eskwelahan nila.
Pero sino ba naman ako para pag-aksayahan sila ng oras ko? Tss. Kung kaya ko lang din sanang pahintuin sila sa mga kahibangan nila ginawa ko na. Pero mas matigas pa ang ulo nila kesa sa bato. Nakaka-bwesit pero ang tanging ginagawa ko nalang ay hayaan sila pero hindi na pinapansin. Mapapagod din naman siguro sila hindi magtatagal.
Nilagay ko ang bag ko at ilang libro sa lamesa. May exam na gagawin bukas at major pa 'yun, kailangan ko 'yung pag-aralan para hindi makakuha ng mababang marka. Si brat, ewan ko nalang pero sana maalala nya ang exam na idadaos kinabukasan. Ako pa malalagot sa mga magulang nya kung sakali.
'At kung mangyari man, dagdag isipin ulit. Sakit talaga sa ulo ng babaeng 'yun.'
Pagkatapos makapaglinis ng katawan ay kinamusta ko sina Makoy sa pamamagitan ng pagtawag sa kanila. Lagi ko 'tong ginagawa tuwing uuwi galing eskwelahan. Nakagawian ko na'to. Hindi lumilipas ang araw na hindi ko nalalaman kung kamusta ang lagay nila. Pagkatapos na din ng sinabi ni tiyo, mas may dahilan talaga ako para mag-alala lalo.
Nagpakawala ako ng malalim na hininga at sumandal sa pader sa paanan ng kama ko. Sinuksok ang mga kamay sa bulsa at pumikit.
Isa pa 'yun sa mga gumugulo sa isip ko. Anong kailangang gawin ni tiyo? Bakit nya 'yun kailangang gawin? Bakit hindi nya sinasabi sa'kin? Anong kapahamakan ba ang naghihintay kapag nalaman ko? Bakit kailangan nyang itago sa'kin? At sino ba talaga sya?
Naiinis akong puro tanong nalang ang nasa isip ko. Ayoko ng ganun. Gusto ko ng mga sagot. Gusto kong ma-klaro ang isipan ko. Gusto kong maging malinaw sa'kin ang nangyayari. Pero iba ang gusto ni tiyo. Gusto nyang sa kanya na muna ang lahat. Gumawa at kumilos, ayaw nyang may makisali. Pinapalabas nya na hindi nya kailangan ang tulong ko imbes ay gusto nyang pagtuunan ko ng pansin ang mga bagay na nasa harap ko ngayon. Napapamura nalang ako sa isipan ko dahil tangna! Balewala na lahat ng nasa harap ko kung pamilya ko na ang pinag-uusapan dito.
"Tch! Kung bakit ba kasi ayaw nalang nyang magsalita."
*tok*
*tok*
*tok*Pinagbuksan ko ng pinto ang kumakatok ng bahagyang nakakunot ang noo. Isang katulong naman na di-katandaan ang agad na bumungad sa'kin.
"Bakit?" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
Loving A Her (Intersex) Completed
Roman d'amourI never imagined myself liking someone the same as me, let alone falling in love with them. // "Sinabi ko na sa'yo, hindi kita mahal." "No. You love me! I know it!" "Pa'no mo naman nasabi yan?" "Because you're protecting me!" "Trabaho ko 'yun." "Th...