BRITANNY
“U-Uhm Jerome, pwede bang malaman kung s-san tayo pupunta?”
Medyo di mapakaling tanong ko.Nakalabas na kasi kami ng bar ng hindi ko man lang nasabihan sina Devy. Sabi kong magpapaalam muna ako pero sabi nya nagawa na nya daw.
Hindi man ako kumbinsido nung una dahil hindi ko sya nakitang bumalik sa loob kanina pero pinagkatiwalaan ko sya. Hindi naman siguro totoo ang sinasabi ni freak kanina diba?
“A place.”
He replied smiling.That smile. That's so innocent and fragile. Malayong-malayo sa binibintang sa kanya.
Hindi ko alam kung saang 'place' ito specifically pero hahayaan ko nalang syang dalhin ako kung saan nya gusto. Bahala na.
Pinagbuksan nya'ko ng pinto ng passenger's seat at papasok na sana kaya lang may tumawag sa'kin.
“Brynn?”
Tumingin ako dito.
“Pat? Anong ginagawa mo dito?”
I'm really surprised. Hindi naman namin sya nakitang lumabas kanina ah.“Wala. Sumuka lang hahahah!”
Tawa nya. Sira talaga.
“Eh teka, ako dapat nagtatanong nyan sa'yo eh. Anong ginagawa mo dito? At sino yang kasama mo?”
Tukoy nya kay Jerome.“Uhm...”
“Hi! I'm Jerome, Brynn's new friend.”
Pakilala nya sa sarili nya at kumaway.Hindi sumagot si Pat pero tumingin sya sa'kin ng nagtatanong.
“Ah y-yes. This is Jerome.”
I motioned him.
“And Jerome, this is Patricia, one of my best friend.”“Nice meeting you Patricia!”
Masigla nitong bati sa kanya.'How can he be so hype despite of having heavy drinks earlier?'
“Likewise...”
Sabi nya.
“Wait, saan kayo pupunta? Bakit pasakay ka sa kotse nya Brynn?”“Ha? U-Uhm, wala lang. M-May pupuntahan daw kami. R-Right Jerome?”
“Yeah. Don't worry, ako ng bahala sa kanya.”
Then he smiled.Hindi na naman ulit sumagot si Pat pero matiim lang na nakatitig sa lalaking katabi ko. Parang inoobserbahan na ano.
“Brynn, halika nga dito sandali.”
Kinuha nya ang braso ko.
“Uh Jerome, kausapin ko lang sya ha?”
Tumango lang ito at hinila ako ni Pat sa dikalayuang pwesto mula kay Jerome.“Ano sa tingin mong ginagawa mo ha Brynn?!”
Pasigaw nyang bulong.“Ano bang ginagawa ko? Wala naman ah?”
'Hindi ko alam ang pinagsasasabi ng babaeng 'to.'
“Anong ano?! Bakit ka sumasama sa lalaking yun?! Kilala mo ba yun ha?!”
Medyo galit nyang tanong.Sumulyap naman ako kay Jerome at nakita kong nakatingin din pala ito sa'min at ng makita ako ay kinawayan. Ngumiti nalang ako ng bahagya at binalik ulit ang tingin kay Pat na masamang nakatitig kay Jerome.
“May ipapakita daw sya sa'kin. Wala naman akong nakikitang mali dun ah?”
“Anong wala?! Bakit, alam mo ba kung saan ka nya dadalhin ha?!”
Inis nyang tanong.Hindi ako nakasagot gaya ng tinanong ni freak kanina.
“Oh diba hindi! Eh bakit ka pa sumasama sa lalaking yun?! Mukha ngang hindi makakapag-katiwalaan yun eh!”
BINABASA MO ANG
Loving A Her (Intersex) Completed
Roman d'amourI never imagined myself liking someone the same as me, let alone falling in love with them. // "Sinabi ko na sa'yo, hindi kita mahal." "No. You love me! I know it!" "Pa'no mo naman nasabi yan?" "Because you're protecting me!" "Trabaho ko 'yun." "Th...