Chapter 01

859 65 139
                                    

"Kumpleto na ba ang lahat?"


Nag-angat ng tingin si Vladimyr sa lalaking naka kulay gray na suit. Naka-salamin ito at may dalang briefcase na sa tantiya niya ay mga dokumento ang laman ng mga iyon. Siya ang abogado ni Madame Luz. Si Atty. Jeus Enriquez. At nandito siya para i-declare ang last will of testament ng Late Madame.


Mag-iisang buwan na mula ng pumanaw ang kaisa-isang taong kumupkop at nagmalasakit sa kaniya kahit di naman sila magkakilala kahit konti. Si Late Madame Luz, o si Donya Luzviminda Dela Claire. Isang matandang dalaga na kabilang sa mga pinaka mayaman na tao sa Southland. Ang may-ari ng Emerald Commercial Center, Emerald Real Estate at Marami pang ibang mga negosyo na di niya pa alam. At wala siyang balak alamin dahil wala siyang karapatan. Isa lang siyang estranghero sa pamilya nito. Pero ang pagmamahal at pagmamalasakit niya para sa donya ay tunay. Napamahal na siya dito kahit sa maikling panahon lang na magkasama sila. Para na itong tumayong ina sa kaniya na sumuporta at tumulong para makabangon siya. Kaya ang pagdadalamhati niya ay tunay.


Taliwas sa mga sinasabi ng mga ka-anak ng Late Madame na pakitang tao lang ang kanyang ginagawa para magpa-awa o makakuha ng simpatya sa iba. Pero alam ni Vladimyr na kahit anong paliwanag niya ay walang maniniwala sa kaniya tanging si Donya Luz lang ang nakakaalam. Na totoong nasasaktan siya sa pagkawala nito.


Muling pinahid ni Vladimyr ang mga luhang ayaw tumigil sa pag tulo. Namamaga na ang mga mata niya dahil sa kakaiyak tuwing naaalala niya ang Donya. Ang mga ngiti at yakap nito na parang isang ina. Miss na miss na niya ito kaya di niya mapigilang maiyak ng sobra.


Nagbaba ng tingin si Vladimyr. Ayaw niyang makigulo sa pamilya ni Madame Luz pero nagtataka siya bakit pinatawag din siya sa pribadong meeting na ito ng pamilya. Naroon si Don Gregorio Dela Claire at ang pamilya nito na may matamis na ngiti sa labi. Naroon din ang ikalawang kapatid na babae ni Donya Luz na si Madame Herminia at ang asawa nitong si Mr. Manolo Aguas at ang anak na si Miya.


"Kung nandito na lahat, magsisimula na akong gawin ang trabaho na iniatang sa akin ni Donya Luz." Binuksan ni atty. Enriquez ang brief case at mula doon ay nilabas nito ang isang white envelope. May nakasulat dito pero di nakita ni Vladimyr. Nanatili lang siyang nakababa ng tingin at wala siyang balak na intindindihin ang sasabihin ng abogado.


Tanggap niya sa sarili niya na oras na ma-declare na ang mga tagapagmana. Wala siyang magagawa kundi ang umalis dito sa mansyon na naging tahanan niya kahit sa maikling panahon. Nakakalungkot lang dahil nasanay na siya dito pero ganun talaga ang buhay, walang nanatiling nandiyan para sa'yo.


"Teka, bakit nandito ang sampid na yan?" Galit na asik ng anak ni Madame Herminia sabay duro kay Vladimyr. "Wala siyang karapatan na marinig ang mga habilin ni Tita Luz dahil di naman siya kapamilya dito!" Dagdag pa nito bago hinarap si Vladimyr na may mapanuri at pandidiring tingin. Sinang-ayunan naman ng ibang ka-anak ng Late Madame ang panghahamak ng pamangkin nitong si Miya sa kaniya kaya lalo siyang nahihiya.


Pakiramdam niya gusto na niyang umalis sa meeting room na iyon pero mahigpit siyang binilinan ni atty. Enriquez na wag na wag aalis dahil iyon ang bilin ng Donya bago pumanaw.


"Kailangan ka pa bang kaladkarin pa-labas ng bahay na 'to, Vladimyr para lang umalis ka?" Matalim nitong tingin sa kaniya. "Kung ganyan ka-kapal ang mukha mo ako ang kakaladkad sayo paalis!" Singhal nito sa kaniya sabay lapit at tangkang hahablutin siya.


"The late madame ordered me to make sure that Ms. Ramirez is here. So you better let her be, Ms. Aguas." Matigas ang tono ng pananalita ni atty. Enriquez dahilan para tumigil si Miya na paalisin si Vlad. Pero ang matalim nitong tingin ay nananatili kay Vladimyr.


"Let's Proceed, hindi ko na patatagalin pa ito."


Pagbuklat ni Atty. Enriquez ng folder, huminga muna siya ng malalim dahilan para mabalot ng tensyon ang buong meeting room. Lahat ay tahimik na nakinig sa sasabihin ng abogado na para bang takot na may mga salitang di nila marinig nang magsimulang magbasa si Mr. Enriquez.


"I, Luzviminda Dela Claire, of S-City, Southland, being sound mind and body, do hereby declare that this document is my last will and testament." Panimula ng abogado habang tutok ang buong atensyon ng lahat sa pagbabasa.


Ramdam ni Vladimyr ang pagbigat ng atmosphere sa loob ng meeting room. Habang ang magkapatid at mga pamangkin ng Late Madame ay nakangiting nakikinig sa abogado. Hindi na inintindi ni Vladimyr ang iba pang sasabihin nito. Gusto na niyang maka-alis sa lugar na iyon at dahil doon din naman ang bagsak niya, mas mabuti pang mag-impake na. Mabuti nalang at may naipon siyang pera para sa kanilang tatlo ng mga anak niyang kambal. Kahit paano kaya niyang itaguyod ito nang mag-isa.


Pero nagulat siya nang biglang umalingawngaw sa buong silid ang lagabog sa mahabang lamesa nang hampasin ito ni Don Gregorio, kasunod ang pag dagundong ng nagngangalit na tinig ng Don sabay titig ng matalim sa kay Vladimyr na noon ay walang kaalam-alam sa dahilan.


"Hindi ito maari Atty. Enriquez! Paanong nangyari yon?" Galit na tanong ng don sa abogado. Na noon ay kalmadong nakatayo habang inaayos ang mga dokumento nito.


"Ang Late Madame ang humiling ng kanyang testamento, Don Gregorio,wala akong magagawa kundi ang tuparin ito sa ilalim ng pangalan niya." Mahinahong paliwanag ng abogado.


"Pero imposible!" Galit din na sigaw ng anak nito saka humahangos papunta kay Vladimyr. Napa-atras sa kaba si Vladimyr. Hindi niya alam kung bakit nagagalit ang mga ito sa kaniya.


"Wag kayong magtatangkang saktan siya, dahil malinaw na ibinilin ni Late Madame Luz na maho-hold ang iniwan niya para sa inyo oras na saktan niyo siya o ang pamilya niya..." Atty. Enriquez.


"Patay na ang kapatid ko! Ano pang magagawa niya kung pilipitin ko ang leeg ng hampaslupa na babaeng yan?"


"Gawin mo ang gusto mo, Don Gregorio, pero wag mo akong sisisihin kung mawala sa inyo ang iniwan ni Donya Luz, binalaan kita."


Galit na napamura ng paulit-ulit ang Don habang matalim na nakatitig kay Vladimyr na noon ay natutuliro sa mga nagaganap.


"Pero anong mapapala ko sa isang daang milyon? Wala pa yon sa kuko ng ari-arian ng kapatid ko! Tapos ibibigay niya lang lahat ng iyon sa sampid na ito?" Gigil na protesta ng Don.





Hindi makapaniwala si Vladimyr sa narinig. Lahat ng pag-aari ng Late Madame ay pinamana sa kaniya na di niya malaman ang dahilan. Naguguluhan siyang napatingin sa abogado at nabasa naman nito ang nasa isip niya.


"Ikaw ang pinili ni Donya Luz na magmana ng lahat ng properties niya, Vladimyr...pero sa isang kondisyon at kailangan mo munang magawa lahat ng kondisyon niya para makamit mo ang yaman na iyon, naiintindihan mo ba?"


"P-pero... imposible yon sir!"


"Yes it is, but the will is done and we can't do anything about it."


"Hindi ba pwedeng ilipat nalang sa pangalan nila yon? Di ko naman kailangan ito sir! Sobra-sobra ito para sa amin ng mga anak ko."


"We can't, I'm sorry Vladimyr, but if you decline the offer, her properties will be dissolved."


Nagulat si Vladimyr sa tinuran ng abogado. Hindi niya alam kung anong gagawin habang ang mga ka-anak ng late Madame ay naghihimagsik ang kalooban na nakatitig sa kaniya. Gusto niyang humingi ng dispensa pero bago pa siya nakapag-salita, tumayo si Don Gregorio at hinarap siya.


"I don't know what you did to my sister para iwan niya sayo lahat-lahat ng properties niya, but I will tell you this, you filthy, disgusting woman... I'll make sure you will pay for everything you've done to us!"








.....

The Crazy, Rich Madame Where stories live. Discover now