Dahil sa sinabi ni Vraq, ‘di napigilan ni Vlad na humagalpak ng tawa na para bang iyon na ang pinaka nakakatawang joke na narinig niya sa araw na iyon.
"Seryoso ka?" Natawa ulit siya.
"Tatanggalan ng mana?" Napailing si Vladimyr. Tingin niya sa madrasta ngayon ay isang trying hard na manduhan ang mga kapatid niya.
"Hayst. Okay sister." Vlad smile.
"Siguro ibalot mo na lang 'tong mga niluto mo sister, iuuwi ko na lang." Dumampot si Vlad ng kwek-kwek, sinawsaw sa toyo na may suka at isinubo.
"I will share this to your nieces and nephews I'm sure magugustuhan nila 'to."
Malungkot na tumango ang dalawa saka tumayo para kumuha ng plastic container.
"Kakaiba ka din, tita Pristina." She chuckled. Her tone filled mockery.
"Next time bago mo takutin ang mga kapatid ko, make it more effective. Para ‘di masyadong masakit ang pagkapahiya." she scratch the side of her nose with a grin on her lips.
She is actually smiling, but the smile has a glint of frightening cold aura that made her stepmother gulp. As if she sees a demonic, murderous beast that cam devour her in any second.
"And kahit alisan mo sila ng 'MANA'. I can take care of them. I can give them ten times the worth of your properties."
Never in her fantastic life, she would turn her back against her beloved sisters. That won't happen even in their wildest dream!
Sina Vraq at Vlex lang ang tumulong sa kaniya noong mabubuhay pa ang mama niya at nakaratay sa ospital, dulot sa sakit na severe kidney infection. Dahil sa hirap ng buhay nila noon, halos kayod kalabaw ang Mama niya para mapag-aral siya at makatapos ng Secondary level. Huli na nang malaman niyang may kidney infection ito at namamaga na ang kidney niya at hindi na daw nagpa-function ng maayos. Kailangan na alisin ito para maiwasan ang bacteriyang kumalakalat sa katawan ng Mama niya.
Kailangan ng malaking halaga para sa surgery. 200 thousand para masimulan na agad ang surgery bago may lumala ang infection. Sinubukan niyang lumapit sa ama niya pero lagi itong itinatago ni Pristina. Sina Vraq at Vlex lang ang nakatulong sa kaniya nang binenta ng mga ito ang mga alahas nila at ang allowance nila kaya naka buo ng 150 thousand.
Pero bago pa niya maibigay ang pera, huli na. Binawian na ng buhay ang Mama niya.
Pagdating niya sa ospital, nakataklob na ng puting kumot ang Mama niya at hinihintay na lang siyang dumating para sa mga pirmahan ang kung ano-anong papel. Pero dahil minor siya, napilitan siyang makiusap sa ama tungkol dito.
Dahil doon lumawak ang panibugho niya sa ama at sa madrasta nitong walang puso.
Kung hindi lang sa dalawa niyang kapatid na nagbigay ng pagmamahal sa kaniya bilang pamilya, baka unang pagkakataon palang na yumaman siya ay ito na agad ang una niyang ginawa.
Ang Pabagsakin sila!
She is more than willing to do it heartily.
Bago umalis ang pamilya ng papa niya papunta sa Korea., iniwan nila Vraq at Vlex ang pera sa kaniya para daw kahit paano may panggastos siya. That time, may nag-alok sa kaniya na murang bahay. At dahil kailangan niya iyon, agad niyang binayaran. ‘Di pa nakaka-isang linggo, dumating ang tunay na may-ari ay wala siyang nagawa nang palayasin siya ng mga ito sa bahay na ‘yon. Na dapat ay kaniya na dahil binayaran na niya iyon sa mag-asawang nanloko sa kaniya.
Dahil wala pa siyang alam, niloko siya ng broker na nagbenta ng bahay sa kaniya.
Para siyang basang sisiw na nanirahan sa kalye at nagpagala-gala. Naranasan niyang mamalimos para may makain. Lahat, naranasan niya ang hirap dahil tinalikuran siya ng dalawang lalaking pinagkakatiwalaan niya. Ang huli niyang pag-asa.
Dito niya nakilala ang matandang dalaga na si Doña Luzviminda Dela Claire. Ang nagpamana sa kaniya ng ‘di masukat na kayamanan at kapangyarihan.
Pagkatapos niyang matanggap lahat ng yaman ng Donya,hinanap niya ang mag-asawang nanloko sa kaniya, pagkatapos ng limang buwan. Nabalitaan niyang napatay sa isang ingkwentro ang mag-asawa nang subukang tumakas mula sa mga pulis.
Natagpuan ni Vladimyr ang anim na anak ng mga nito sa isang kamag-anak, minamaltrato.
Nang makita ni Vladimyr ang hitsura ng mga bata na may mga pasa. Malnourished at parang mga tutang takot. Naabutan pa nga niya ang pang-gugulpi ng tiyahin sa 8 taong gulang na bata.
Sa galit niya ay nasakal niya ang tiyahin ng mga ito at ilang beses nasampal bago pinahuli sa pulis bilang child abuse.
Kinuha ni Vladimyr ang mga bata legally, inampon, pinag-aral at ngayon ay masipag na nagtatrabaho sa isa sa hotel niya.
Tingin ng mga ito sa kaniya ay isang tagapagligtas nila mula sa impyerno nilang buhay, at dinala sila sa isang paraiso.
"So paano sis, aalis na ko ah." aniya sabay yakap sa mga kapatid.
"Sorry sis, gusto ka pa sana namin makasama ngayon." naluluhang sabi ni Vlex.
"Ano ka ba sis, may ibang araw naman." Lumingon si Vladimyr sa galit na madrasta. "Pwede naman ako bumalik bukas, ‘di ba Auntie?" She taunting her stepmother but only earned a burning glare.
Pagak na natawa si Vladimyr sa hitsura ng madrasta niyang parang sa matalas na tingin nalang na iyon nakasalalay ang buong pagkatao niya kaya ibubuhos na nito lahat sa matalim na tingin na iyon.
Kinuha ni Vladimyr ang ilang storage containers saka umalis.
"Hello, Noah?" Mula sa kabilang linya ay agad sinagot matapos ang ilang pag-ring.
"Vladimyr, i was planning on calling you to inform you about the camera found on your car." Seryoso ang tinig ni Noah. Parang may kung anong inaalala ito.
"Spill it." Tipid niyang sagot. Vladimyr muttered. Her eyes filled with manace and coldness.
YOU ARE READING
The Crazy, Rich Madame
AksiyonAfter being betrayed and abandoned by those she loved and trusted, Vladimyr transformed into an unstoppable force. With her newfound bottomless wealth, she became incredibly rich and powerful, evolving into a formidable adversary no one would dare t...