chapter 67

48 9 0
                                    

Nagmamadaling tumayo si Lucien matapos ang halos dalawang oras na meeting sa conference room.

Mas lalo siyang nakakaramdam ng pagka-aburido, iritasyon at nakakaubos ng pasensya. Matinding Pagkabagot dahil sa mga reklamo ng mga board members na hindi sumasang-ayon sa mga desisyon niya. Ngunit walang nagawa ang mga ito dahil siya pa rin ang may-ari. Siya pa rin ang pinaka 'Boss' kaya ang salita niya pa rin ang masusunod.

Kasabay ni Jasper at ang sekretarya niyang si Diana, sumakay ng exclusive elevator si Lucien kung saan siya lang ang pwedeng gumamit nito. Bukod sa lahat ng mga empleyado.


Nagmamadaling lumabas ng elevator si Lucien nang bumukas itong muli. Nasa main lobby na sila ng building niya kung saan mas maraming tao sa paligid ang napapahinto at napapatunganga. Dulot ng 'di matatawarang kaguwapuhan niyang tila isang adonis sa itim na business suit, na bumaba sa lupa. Napaka perpekto ng kaniyang mukha.

Kahit saang angulo tingnan, umaapaw sa lakas ng dating ang presensiya ni Lucien. Humahatak ng atensyon ng mga kababaihang naroon.

"Deretso tayo sa ospital. Gusto kong sunduin si Vladimyr ngayon. Gusto ko ako ang mag-aasikaso sa kaniya. At maghahatid sa bahay niya. I want to make sure that she's safe and our baby is safe as well." Kaswal na utos ni Lucien kay Jasper habang naglalakad.

"Yes Boss!" Masiglang sumaludo si Jasper kay Lucien.

Sinenyasan naman niya ang sekretarya na si Diana at agad naman nitong naintintindihan ang gagawin kaya lumihis na agad ito para bumalik sa kaniyang opisina at gawin ang bilin niya.

Malalaki ang lakad ni Lucien habang tinatahak ang landas patungo sa exit. Walang-wala sa isip niya ang babaeng biglang lumapit at walang pag-aalinlangan na ibinuhos ang isang buong laman ng basura sa kabuuan niya pagsalubong nito.

Gulat na gulat si Lucien. Hindi niya agad na iwasan ang mga iyon. Malalaki ang mga mata niya na nag-angat ng tingin sa babaeng naka-itim. Mula ulo hanggang paa, a gothic chic style. Straight black hair na may full bangs. Black shade lipstick and a black smokey eye make up. Kahit ang damit nito ay itim din at ang boots na hanggang tuhod, itim din. Para na siyang isang manika na nabuhay.

Ngunit hindi pa pala tapos ito sa kaniyang ginawa. Marahas na lumapat sa pisngi ni Lucien ang palad nito.

"Boss!"

Napasinghap sa gulat ang mga nakakita at si Jasper na sinubukang pumagitna para protektahan i Lucien.

"Isa kang basura! Bagay ka dyan dahil isa kang walang kwentang basura na pinepeste ang kapatid ko!" Gigil na sigaw nito. Matalim ang mga mata nito na nakapukol kay Lucien. Tila ba nais na siyang tirisin kung hindi lang siya higit na matangkad at may malapat na kabuuan.

"Vraq..."

"Wag mo kong matawag-tawag na Vraq! Hindi tayo close walanghiya ka! Papatayin kita bwisit ka!" Sigaw na naman ni nito at pilit inaabot si Lucien upang saktan pero si Jasper ang inaabot ng pananampal at pangangalmot ng itim at mahahaba nitong kuko.

"Binalaan na kita! Sabi ko sa'yo wag mo siyang sasaktan! Kung hindi mo kaya sana hindi ka na lang nagpakita! Walang hiya ka! Wala kang mabuting dulot para sa ate ko kaya halika dito tuturuan kita ng leksyon bwisit kang lalake ka! Wag kang magtago sa likod ng asungot mong alalay!" sigaw pa nito. Napapangiwi muli si Casper tuwing siya ang nasasampal at nasisipa ni Vraq.

Tila huminto ang oras at lahat ng bagay nang lumagapak ang malutong na sampal sa mukha ni Lucien, dahilan para matigilan siya at mapanganga sa kapatid ni Vladimyr, si Vraq.

Hindi man nakakatinag ang sampal na iyon, namula naman ang pisngi ni Lucien na bumakat ang mga daliri nito sa makinis niyang pisngi.

Malakas na nagpalitan ng kani-kaniyang opinyon ang mga tao sa paligid kasama ang mga empleyado at iba pang mga naroon habang nakanganga na nakatingin sa kanila.

The Crazy, Rich Madame Where stories live. Discover now