chapter 63

48 9 0
                                    


Tahimik na pinagmamasdan ni Jasper ang amo sa ginagawa kahit nag-aalala talaga siya para dito. Pero alam niyang hindi rin siya mananalo kaya pinili niyang manahimik na lang.

Naiiling na tinawanan ni Lucien si Jasper. Wala siyang nararadamang kahit anong kirot mula sa sugat dahil sa epekto ng alak sa katawan niya. Bahagya na nitong napamanhid ang pakiramdam niya. Pero hindi ang puso niyang nangungulila sa pagkalinga ni Vladimyr. At hindi iyon nakaligtas sa paningin ni Jasper.

"Alam mo sir, ang pagmamahal nakakabobo 'yan. Kahit gaano ka pa ka-talino. Kapag mhal mo ang isang tao, tatanggapin mo at yayakapin ang mga bagay na maganda at pangit sa pagkatao niya. Sa madaling salita, tatanggapin mo kahit ano pa siya.

Lalo na kung alam mo na hindi naman talaga siya nakakasama sa'yo. Napapasaya ka niya at hindi ka niya talagang sasadyaing saktan. Kapag puso lang ang ginamit mo, may posibilidad na mapahamak ka lang. Kapag naman puro utak ginamit mo., hindi ka magiging masaya. Kaya dapat balanse ang dalawang iyan." Mahabang wika nito.

"Pero sa kaso niyo, puso ang nangingibabaw sa inyo. Wala naman masama dahil hindi naman ganoon kasama si Ma'am Vladimyr. Mahal ka din niya sir. Nakikita ko iyon sa kislap ng mga mata niya tuwing tinitingnan ka niya ng hindi mo alam."

"At alam kong ganun din kayo sa kaniya. Kaya dapat hangga't kaya niyo pang ayusin, ayusin niyo na. Dahil ito ang tandaan mo sir, kapag ang babae ang sumuko.,kahit lumuha ka ng dugo sa harap niya. Hindi mo na maibabalik ang pagmamahal na nawala."

"Saka isa pa sir, kapag ang babae iniwanan mo. Lalong gumaganda. Maaatim niyo bang may umaaligid na ibang bubuyog sa paborito mong bulaklak?"

"Nagsasawa ka na mabuhay?Sa tingin mo ba hindi ko mahal si Vladimyr? Ako lang ang bubuyog na maaaring umaligid sa kaniya. Wala nang iba." Mariing sambit ni Lucien.

" Hindi ko alam ang pwede kong magawa kung may aaligid sa kaniya maliban sa akin. "

"Naku kayo? Hindi mahal si maam Vladimyr? Kung hindi mo siya mahal eh 'di sana nasa isang bar ka na ngayon at nakikipaglampungan sa sampung babae!"

Nagsalubong ang kilay ni Lucien dahil sa tinuran ni Jasper. Nagtatanong ang mga mata niyang ipinukol dito.

"Kailan ko naman ginawa iyon?" Nagdilim ang mukha ni Lucien. Kinabahan naman si Jasper at napaatras.

"B-biro lang Boss. Pinapatawa lang kita kaya lang mali ang timing ko."

"Silly..." napailing muli si Lucien saka nilagok ang natitirang laman ng beer sa bote.

Muling napatingin si Lucien sa kawalan. Kung saan tanaw ang munting mga ilaw mula sa lungsod ng SouthLand. Kumikislap ang mga ito na tila mga bituing bumaba sa lupa upang aliwin ang pusong napupuno ng kalungkutan, tulad niya.
Hindi maiwasan ni Lucien na isipin kung ano na ang ginagawa ni Vladimyr ngayon. Nalulungkot din kaya ito? Nasasaktan din kaya ito tulad niya?

Malalim ang buntong hininga na pinakawalan ni Lucien. Nang maalala niya ang walang reaksyon na mga mata ni Vladimyr kanina. At ang mga salitang binitawan nito.

'walang kasalanan? Sino bang niloko niya?' inis niyang bulong.

"Bakit parang wala lang sa kaniya ang nangyari? Kung sinubukan niya sana na magpaliwanag, baka nakinig pa ako."
Sa sobrang inis, hindi namalayan ni Lucien na naisatinig niya ang mga salitang iyon.

"Ano naman Boss ang ipapaliwanag niya?" sabat ni Jasper. Nilingon ito ni Lucien saka nagsalita,

"Gusto kong malaman kung sino ang Ethan Smith, Noah Mendoza at Leon Sy na yan sa buhay ni Vladimyr. Alamin mo 'yan bukas." Maotoridad niyang utos.
Kaagad sumaludo si Jasper kay Lucien saka muling lumagok sa bote. Muling napatingin si Lucien sa kawalan habang naalala si Vladimyr.

The Crazy, Rich Madame Where stories live. Discover now