'Having this type of life is just too difficult to deal.
There is no safe place for you to live peacefully, nor your family.
Even the air you breathe can be contaminated with poison that may end your life.
But, you can't always hide to be safe.
You need to be wise to deal with these threats,survive and dominate.
Tibayan mo ang sikamura mo at tatagan mo ang loob mo.
Or else you'll end up vanquished, terminated. Dead.'
---------------------------------------------
-
Hindi maitago ni Vladimyr ang maaliwalas na ngiti sa mapula niyang labi matapos maging tagumpay ang pag-alok niya sa dalawang bagong tauhan na sumapi sa kaniyang grupo
'We can't deny that you are talented and have a stand for the word.'
Nang mapagtanto ng dalawa na wala rin silang ibang sasapitin kundi ang ganoong buhay, mas pinili ng dalawa na sumama sa grupo ni Vladimyr kaysa bumalik sa dati nilang amo na walang pakialam sa kanila.
Na sila ay nakikita lamang bilang mga alipin na hindi dapat binibigyan ng halaga kahit na sila ay mamatay para lamang sumunod sa utos sa kanila.
Hindi ganoon ang grupo ni Vladimir. Siya mismo, na amo nila, ay nagmamalasakit sa kanyang mga tauhan.
Nang pumayag sila sa alok ni Vladimyr. Agad silang pinakain, nilinis ng katawan at nilagdaan ang isang kasunduan na kapag nagpasya silang magbitiw sa pamumuno ni Vladimyr, itikom na nila ang kanilang mga bibig sa lahat ng aktibidad na kanilang masasaksihan. At kung hindi, buhay ng kanilang angkan ang magiging kabayaran.
"Simula ngayon, Arcadius at Sebastian. Susundin niyo ng buong puso ang lahat ng ipag-uutos ko." Pormal na paalala ni Vladimyr sa dalawa. Nakatayo ang mga ito sa harap ng desk niya sa kanyang opisina.
"As you wish, Madam." Yumuko ang dalawa at nag-angat din ng tingin habang naghihintay ng utos ni Vlad.
"Nagpahanda ako ng breakfast sa garden. Let's eat breakfast together." Wika ni Vladimyr na may matamis na ngiti sa labi. Bakas ang tuwa sa maliwanag niyang mukha. Tumayo si Vladimyr at lumakad papunta sa pinto.
Behind her were the two new recruit men and the two guarding the office.
Ganito sila tuwing umaga. Sa garden nag-almusal lahat ng mga tauhan na pinahanda ni Vladimyr sa mga cook at helpers. Even her servants, do eat breakfast with her family.
Para kay Vladimyr, lahat ng taong nakatira sa loob ng bahay niya ay kabilang sa pamilya.
Sa isang malawak na hardin na may bulaklak, mayroong isang set ng sampung mahaba, salamin na mesa, upuan at isang set ng mga kagamitan sa mesa, na angkop para sa 20 upuan. Ang hardin ay natatakpan ng kayumangging makapal na salamin. Isang bubong para sa proteksyon mula sa pag-ulan at pagbagsak ng mga tuyong dahon ng isang matanda at malaking puno ng mangga. Na nagbigay ng nakakapreskong halimuyak ng hinog na prutas, at kahit kaunting lilim at kalmadong simoy ng hangin mula sa mahinhing pag-ugoy na mga sanga.
Sa gilid ay isang malaking palanggana na puno ng karne ng baboy. Kinakain ng tatlong dambuhalang tigre. Ito ang mga minamahal na alagang hayop ni Vladimyr.
Sa mga gilid ay may mga nakatanim na mga bulaklak na may iba't ibang kulay. At sa bandang gitna ay mga sunflower na nagniningning ang dilaw nitong mga bulaklak sa ilalim ng malamig na sikat ng araw sa umaga.
YOU ARE READING
The Crazy, Rich Madame
ActionAfter being betrayed and abandoned by those she loved and trusted, Vladimyr transformed into an unstoppable force. With her newfound bottomless wealth, she became incredibly rich and powerful, evolving into a formidable adversary no one would dare t...