chapter 33

105 23 10
                                    

"A-AH!" Napa-iwas ng kaunti si Vladimyr ng mapadiin ang bulak na may alcohol sa sugat niya sa noo

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"A-AH!" Napa-iwas ng kaunti si Vladimyr ng mapadiin ang bulak na may alcohol sa sugat niya sa noo. ‘Di naman malala ang sugat na natamo niya kanina nang tumalon siya paalis sa kotse bago ito mapitpit ng truck.

Tiningnan niya ng matalim si Lucien na hawak ang cotton ball habang maingat na maingat na dinadampi sa gilid ng sugat niya.

"Tsk!" He hissed as if he was trying to scold her that way.

"You have the guts to jump off that speeding car without a doubt. Without thinking how much it may hurt you, but now whining from the sting of alcohol?"

Natigilan si Vlad dahil sa mga sinabi nito. 

Lakas ng loob manermon?

Sawa na yata mabuhay tong uranggutan na ‘to! Asik niya. 

Hanggang ngayon ‘di pa rin siya maka-move on sa ginawa nito kanina. Hindi inaasahan ni Vlad na gagawin iyon ni Lucien sa kaniya.

Pagkatapos niyang tumalon palabas ng kotse niya bago pa salpukin ng truck ang kotse ni Lucien. Nagpagulong-gulong pa siya sa kalye.pero pinilit niyang tumayo kahit nangangatog at nahihilo siya dahil sa malakas na paghampas ng katawan niya sa semento. ‘Di rin niya nagawang iwasan ang ‘di inaasahang paghampas ng ulo niya kaya may sugat ito. May mga galos rin siya sa braso.

Pagtayo ni Vladimyr, pinilit niyang lumakad papunta sa kotse  ni Lucien. Sumandal siya doon para makatayo ng maayos. Nagsindi siya ng sigarilyo para kalmahin sa isip niya.

"Vladimyr where are you?"

Tiningnan ni Vlad si Lucien sa malayo at napa-iling. Paglingon nito sa kaniya, kaagad humangos si Lucien papunta sa kaniya na may nanlilisik na mga mata.

"What the f*ck you are doing?" Singhal nito sa kaniya paglapit.

"I'm smoking, can't you see?"

"Y-you!" Asik muli nito at bigla na lang nitong tinapon ang sigarilyo niya sabay hila at ikinulong sa maskulado niyong mga braso. Mahigpit. Randam na ramdam ni Vladimyr ang malakas na kabog ng dibdib ni Lucien mang maglapat ang kanilang katawan.

Matagal hindi umiimik si Lucien habang yakap-yakap si Vladimyr. Kahit naisin niyang kumawala sa yakap nito, masyadong malakas ang mga braso nito at ‘di niya matinag kahit konti.

Kaya hinayaan na lang niya. Maka-ilang minuto akala niya ay pakakawalan siya nito pero napa-singhap siya nang bigla na lang nitong angkinin ang labi niya sa mapusok na paraan.

His lips is soft and warm. Dominating. She felt the urge for another time to response but her mind is still shocked.

Nang bitawan siya nito ay agad umigkas ang kamay niya at dumapo iyon sa pisngi ng lalaki.

"How dare you—"

Bigla na naman siya nitong hinalikan. Mas matagal. Halos maubusan siya ng hininga nang bitawan nito ang labi niya pero ang nag-aalab na galit ay naroon pa rin sa mukha nito.

The Crazy, Rich Madame Where stories live. Discover now