Tatlong family bucket meal ang binili ni Lucien sa dinaanan nilang fastfood para sa mga anak ni Vladimyr. Di niya unang nakasama ang mga batang iyon kumain may anim na buwan na rin ang lumipas. Pinili niya ang lahat ng natatandaan niyang paborito ng mga ito na kainin. Lalo na ang kambal na si Drak at Drakaina.
Napansin ni Lucien na paborito ng kambal ang cheesy chicken sandwich, manggo pie at floats.
"Let's go..." Utos ni Lucien matapos maiayos lahat ng mga supot sa backseat. Inipit niya ang mga ito ng seatbelt para hindi matapon, bago siya umupo sa passenger seat at pinag drive si Casper.
"Ang dami nyan Sir ah?" Nakangiting puna ni Casper sabay sulyap sa mga supot na nasa likod.
"It's for my niece," he simply answered with a small smile. "And the other kids of Vlad." He added after lacking the seatbelt.
Magdrive si Casper papunta sa villa ni Vladimyr ilang kilometro din ang layo nito mula sa S City.
Pagdating nila sa main gate ng villa, agad silang pinapasok ng guard matapos makita ang valid ID nila.
Sa gilid ng malaki at mahabang gate ng villa ni Vladimyr, apat na guard ang nag babantay na sumalubong sa kanila bago sila pinayagan pumasok sa loob. Nang makilala ng mga ito si Luvien, yumuko muna ang mga ito saka binuksan ang gate paraakapasom sina Lucien.
"Hanggang ngayon sir, kapag pumupunta tayo dito, hindi ko mapigilan ang mamamgha sa kakayahan ni ma'am Vladimyr.."
Nilingon ni Lucien si Casper at napailing na ngumiti.
"Me too..."
"Kahit na halos hindi naman kayo nagkakalayo ng antas sa buhay, tuwing nagpupunta tayo dito. Kinakabahan ako sa mga tauhan niya."
Nangunot ang noo ni Lucien na nakatingin kay Casper. Naiintindihan niya ang nararamdaman nito dahil ang mga tauhan ni Vladimyr halos lahat yan skilled men at karamihan mga awol na officers. Mga resigned at mga undergraduate.
Naiiling na tinawanan ni Lucien si Casper na noon ay focus sa pag da drive papunta sa malaking parking ni Vladimyr. Kung saan nakahilera ang mga mamahaling kotse nito.
"She needs those men Casper, she has to keep her childrens safety."
"Kung sa bagay nga Sir, sa ganyan ka yaman, siguradong maraming threats na natatanggap 'yan si Ma'am Vladimyr..."
Napatango si Lucien savtinuran no Casper.
"Indeed she is, Casper. Countless of threats keeps coming in her life. " He answered with concern in a low tone. 'if you only knew...'
'kahit ako, hindi ko alam kung ano ba talaga si Vladimyr bukod sa pagiging female business tycoon ng Southland at overseas, pagiging mabuting tao, pagiging matapang at pagiging impulsive. Bukod sa mga alam kong iyon, wala na.' Malalim na napabuntong hininga si Lucien habang nakatinhin sa labas ng sasakyan. "Gusto kong alamin. Gusto kong malaman..."
'But I'm not brave enough to know of what she really is. Hindi ko alam kung matatanggap ko anuman ang ginagawa niya bukod sa mga negosyong meron siya.'
Huminto ang kotse ni Lucien sa tapat ng malaking pinto ng mansyon ni Vladimyr, sinalubong agad sila ng mga bantay at valet upang i-park ang dasakyan sa tamang lugar. Iniwan ang susi upang ito na mismo ang magpark ng kotse nila matapos kunin ni Lucien ang mga pinamili.
Nakita ni Lucien ang mga bata sa front yard kung saan maraming mga tanim na bulaklak.
"Hey guys!" Nakangiti niyang tawag sa mga ito at itunaas ang mga supot ng pagkain na binili niya sa isang fastfood.
YOU ARE READING
The Crazy, Rich Madame
ActionAfter being betrayed and abandoned by those she loved and trusted, Vladimyr transformed into an unstoppable force. With her newfound bottomless wealth, she became incredibly rich and powerful, evolving into a formidable adversary no one would dare t...