Biglang binitawan ni Vladimyr ang kamay ni Morgana at tumingin sa manager nila at ngumiti ng matamis.
"No. Ma'am. " masiglang sagot ni Vladimyr. "Binabati niya lang ako ..."
"Oh! Yeah that's great! Support each other. " natutuwang pagsang-ayon ng manager. Lihim na tumawa si Vladimyr at iniwan ang pigil na kumakapit na Morgana.
"Ikaw! Ano nga ulit pangalan mo?" baling ng manager gay kay Vlad.
"Angel. Ako si Angel, ma'am." Magalang ngunit bakas ang buo na tiwala sa sarili.
"Angel, Bagay ang pangalan mo sa mala-anghel mong mukha. Mukha kang inosente at fresh. Siguradong mapapansin ka ng bigboss, kaya pumunta ka dito."
Palihim na tumatawa, sumunod naman si Vlad.
"You will lead the girls okay. Mauuna ka sa formation."
"Yes ma'am."
Inalis ng manager ang feather hat ni Vladimyr at pinalitan ito ng led light halo. Nakasuot din siya ng maliit na pakpak ng anghel na gawa sa pekeng balahibo. Sinalubong ng mga mata ng Manager ang pigura ni Vlad na may hindi maipaliwanag na pagkamangha. Ang puting pares ng bikini ay nagbibigay-katwiran sa buong kurba ng nakakaakit na kabuuan ni Vladimyr.
"Nakakamangha!" bulalas ng manager. Ang pananabik na sumasayaw sa boses nito at ang mga mata nito ay kumikinang sa kasiyahan. "Ikaw ang magiging pinakasexy, bootiest at bustiest anghel ng palabas, Angel. Stand by!"
DALAWANG linggo na lumipas, ginawa ni Vladimyr at ng kanyang team ang plano.
''Magkakaroon ng grand auction ng underground business ng Lutherfords. Sa casino ng kanyang mansyon, nalaman ko na bawat babae na nabebenta ay may token sa mga kilalang negosyante na dumalo. Kailangan mong makapasok sa eksklusibong silid ng Lutherford na iyon. Tutulungan ka namin mula rito." 'Sinabi ni Noah kay Vladimyr. Bago sila umalis sa kanilang quarters para salakayin ang engrandeng mansyon ni Lutherford noong araw na iyon, mahigpit nilang inihanda ang lahat.
"Hindi maaaring magkamali kahit na kaunti. Tuso at matalino si Trojan Lutherford. Base sa nababasa kong kilos niya, madali niyang nahuhulaan ang maaring iniisip ng mga kalaban niya." Dagdag pa ni Vladimyr. Habang nakasandal sa kaniyang swivel chair at nakadekwatro.
"Walang naglalakas loob na kalabanin siya sa bansang ito dahil sa antas ng kapangyarihan niya. Tulad ko, marami rin siyang mga elite fighters kaya mag-iingat kayong mabuti. Malia, Lisa, Arcadius at Sebastian."
Sa kabila ng tensyon na namamayani sa buong silid, hindi nagpakita ng pagkabahala si Vladimyr. Kalmado pang siyang nakaupo sa swivel chair habang nilalaro ang ballpen sa kaniyang mga daliri.
"Madame, nasa paligid na ng mansyon ang mga lalaki at mga sniper. Pumasok na rin ang ibang mga lalaki bilang katulong. Kailangan lang namin ng signal mo. " Pakli ni Lisa na siyang bumasag sa katahimikan. Tumango si Vladimyr.
"Suriin niyo muna ng mabuti ang lugar bago kayo pumuwesto. Yung ibang team, hanapin yung exact location ng mga bihag sa mansyon. Sigurado akong nasa paligid lang ang mga biktimang iyon. Tiyaking maililigtas natin sila. ' Sabi ni Vladimyr pagkatapos sabihin sa kanyang grupo kung ano ang gagawin.
Hinati ni Vladimyr ang mga tauhan sa apat na grupo. Pinangunahan nina Lisa, Malia, Arcadius at Sebastian. Habang hinihintay ni Leon ang mga gagamiting sasakyan. Si Noah at ang kanyang mga tauhan, ang mga hacker, na tinuruan niya ay maingat na magbabantay sa paligid.
"Oo, madam."
"Kumilos na kayo..."
Si SI TROJAN LUTHERFORD ay kilala sa kanyang underground na negosyo. Mga smuggled na matataas na kalibre ng baril, human trafficking at drug trafficking. Kilala siyang walang puso at halimaw. Hindi siya magdadalawang isip na lipulin ang mga laban sa kanya o sa kanyang mga alituntunin. Marami siyang koneksyon sa mga matataas na opisyal at mayayamang pamilya sa kanilang bansa.
YOU ARE READING
The Crazy, Rich Madame
ActionAfter being betrayed and abandoned by those she loved and trusted, Vladimyr transformed into an unstoppable force. With her newfound bottomless wealth, she became incredibly rich and powerful, evolving into a formidable adversary no one would dare t...