Chapter 17

130 29 31
                                    


PILIG sa kaliwa, pilig sa kanan. 

Lahat na yata ng sulok ng king size niyang kama ay naikutan ni Lucien. 

It was almost three am in the morning but still, gising na gising pa ang diwa niya. 

Napalingon si Lucien sa ilang bote ng wine na nainom niya kagabi at isang boteng vodka para antukin pero ang naging ending,pumipintig ang sintido niya at sumakit lang ang ulo niya pero ‘di pa rin siya dalawin ng antok. 

He was worried. 

Worried for the woman he should be hating! 

Pabagsak na muling humiga si Lucien sa kama. Kinuha ang malambot na unan sa tabi at itinakip iyon sa mukha.

Pero ilang segundong lang ang itinagal ay inis na naihagis niya ang unan sa malayo at padabog na bumangon. 

Ilang ulit siyang napapamura dulot ng iritasyong hindi niya malaman kung saan nanggagagling.

Tumayo si Lucien mula sa kama at padabog na pumunta sa banyo para maligo. Binuksan niya ang dutsa sa malamig nitong temperatura, nais sana niyang mahimasmasan at nang sa ganon antukin.

Pagtapat ni Lucien sa shower, napapikit pa siya sa malamig na tubig na agad umakap sa kaniyang balat. Hindi naman siya nabigo, kahit paano ay na preskohan ang pakiramdam niya kaya hinayaan niya munang magbabad ng ilang minuto pa at pumikit.

Ngunit, sa pagpikit niya, ang imahe ng bugbog na mukha ni Vladimyr ay sumilay sa kanyang mga isip. Ang kanyang mga sugat, basang dugo at ilang bumubulwak mula sa kanyang balat. Naging ube ang mga namamagang pasa na naging dahilan ng pamamaga sa kanyang makinis at pinong balat.

Ang kanyang napakarilag at malambot na hitsura ay mukhang kahabag-habag habang walang magawang nakahiga sa stretcher na iyon.

Muli na namang napamura si Lucien. Masyado siyang binabagabag ng sitwasyon ng babaeng ‘yon—na dapat ay kamuhian niya. 

He felt the urge to know what really happened to that woman, why did she look so beaten?

'This is crazy!' he shouts in his mind. 

He is crazy.  

Hindi na kayang tiisin ni Lucien ang napakaraming mga tanong at matinding pag aalala sa babaeng yon. Kay Vladimyr. 

Wala sa sariling lumabas ng kwarto, nagbibihis ng simpleng t-shirt. Black pants at running shoes. Kinuha ang susi ng kotse niya at patakbong tumungo ng car park.

Hindi na niya kayang tiisin ang lahat ng tanong at nakakabaliw na pag-aalala para sa babaeng ‘yon.He wants some answer as if she owes it to him and deserves it!

'I want to know the truth!' he protested in his mind.

RAMDAM ni Vladimyr ang pagdampi ng malamig na hangin sa kaniyang pisngi, dahilan para dahan-dahan niyang imulat ang kanyang mga mata. 

Masakit pa rin ang buo niyang katawan pero ‘di na tulad ng una, konting kilos lang ay halos panawan siya ng malay.

She has a bandage on her head, and on her abdomen. Kinapa niya ang parteng iyon ng katawan niya at doon niya lang nalaman na tinamaan din pala siya ng bala sa tagiliran. Pero wala siyang nararamdamang kirot. ‘Di rin siya nakakaramdam ng panghihina. Para nga'ng na-refresh ang katawan niya. Siguro dahil sa mga gamot na binigay sa kanya habang wala siyang malay.

Those doses of medicine injected to her IV drip are very effective. 

Marahang lumingon si Vlad sa paligid. Wala siyang nakikitang kasama sa loob ng room na yon. 

The Crazy, Rich Madame Where stories live. Discover now