chapter 24

115 23 33
                                    

Pagdating sa carpark ay agad na kinuha ni Vladimyr ang susi sa sling bag niyang sa hitsura pa lang nalalaman agad ng sino ma'ng marunong kumilatis na luxury bag iyon. Isang uri ng bag na naglalaro sa five to eight million ang halaga.

Dumeretso sa naka-park na Lamborghini si Vladimyr.

"Saan ang bahay mo? Let me take you home " aniya habang ini-start ang engine.

"Wag na, Madame" iling ng babae. Bakas ang hiya nito sa mukha.

"No. I insist. Gusto kong malaman kung saan nakatira ang bago kong kaibigan." ngumiti si Vladimyr.

Walang nagawa ang si Leona kundi ang pumayag. Baka kase magalit ito. Hindi pa rin nito makalimutan ang Nakakatakot na aurang nagmumula kay Vladimyr kanina lang. Para siyang isang mabangis na halimaw sa likod ng magandang mukha. Handang lumapa kapag nagalit.

Vlad drove her car to Leona's house. They entered a luxury subdivision na may malalaking bahay. May malawak na drive way at maraming guwardiya.

As Vladimyr drove, she remembered what Leona said before the woman gave her, her lost purse.

"You said you saw my purse on a building, am I right?"

"Yes." tumango si Leona.

"What are you doing on that building, then?"

"It happens that, I visit the building two weeks ago, and I saw some broken walls and shattered debris on the second floor, so I tried to look further. I felt bad about it but then, I saw your purse."

"Don't you realize that maybe its dangerous for you to go there?" Tanong niya muli.

"Nope. Not at all. Yung building na yon, sa lolo ko. Gusto niyang ipagawa yon para sa mga apo niya, but. He got sick and after a year, he passed away." malungkot na sabi ni Leona. Ramdam ni Vlad ang nararamdaman ni Leona ngayon. Ganyan din siya kahit matagal nang wala ang mommy niya.

"I see...."

Tanging tugon lang ni Vladimyr.

"Sabi ko na nga ba,mayaman ka."

"What do you mean?"

"I sense it." aniya habang nagda-drive.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Mayaman ka rin, halata sa kilos mo."

"Hindi naman ito sakin, sa asawa ko to."

Tumango si Vlad.

"So, saan ang bahay niyo?"

Tinuro ni Leona ang gilid ng daanan.

"Ibaba mo na ako dito, Madame."

"Diyan na ba bahay niyo?"

Umiling si Leona. "Hindi, Madame pero kase ayokong makita nila na may bago akong kakilala." nag-aalangan na sagot nito.

Nangunot ang noo ni Vlad. Pakiramdam niya may kakaibang pinagdadaanan ang bago niyang kaibigan. Kaya nagpumilit siyang ihatid mismo ito sa talagang bahay nito para alamin ang sitwasyon nito sa bahay nila.

Kung hindi siya nagkakamali, mukhang biktima ng bullying si Leona.

Ayaw ni Vladimyr sa lahat ay yung mga binu-bully. Naranasan na niya iyon sa kamay ng madrasta niyang si Pristina kaya galit siya sa mga abusadong tao.

Habang papasok ng papasok ang sa sasakyan napansin ni Vlad ang pagka balisa ni Leona. Mariing naka kuyom ang kamay nito at bakas ang pag aalala sa hitsura.

"Malapit na ba tayo?" Pakli niya dito pero parang di siya narinig ni Leona.

"Leona?"

Nag-angat ng tingin si Leona pero ang tagusan naman ang tingin ng mga mata nito na para bang may malalim na iniisip.

The Crazy, Rich Madame Where stories live. Discover now