Chapter 37

99 16 14
                                    

Warning: bed scene ahead, strictly for adult/21 yrs. old only. Minors proceed to the next-next chapters.
------



PAGKARINIG ni Vladimyr sa utos ng Don, itinaas niya ang palad para pahintuin ang dalawang tauhan nito.

Malisyoso ang bawat hagod ng mga tingin ng mga ito kay Vladimyr habang may naglalarong tusong ngisi sa mga labi. Tila ba anomang oras na bigyan sila ng pagkakataon na tumikim ng napakasarap na putaheng nakahain ay ‘di sila magdadalawang isip na lasapin ito hanggang sa walang kahit anong matira.

Pero ang lahat ng mga pinapakitang iyon ng mga tauhan ni Mr. Sevilla ay pabor para kay Vladimyr. Para itong isang napakalinaw na pagkakataon para durugin ang mga taong ito sa isang iglap.

Use their weakness to crush them...

Gumuhit ang makahulugang ngiti sa labi ni Vladimyr.

"Mukhang wala na akong magagawa para ipagtanggol ang sarili ko mula sa inyo." Aniya ng may himig ng pagsuko.

"Pero pwede bang pakawalan niyo na ang dalawang yan? Wala silang kinalaman sa akin. Tutal ako lang naman ang kailangan niyo, pakawalan niyo na sila bilang dati mong mga tauhan."

Bumaling ang nakakaawang tingin sa dalawa niyang tauhan.  Naka-dapa ang mga ito sa sahig. Puno ng mga pasa at mga sugat sa iba't-ibang bahagi ng katawan. Sa hitsura ng mga ito, tila wala nang hiningang natitira.

Tiningnan ni Vladimyr ang Don at nakikiusap ang mga mata na parang ano mang oras ay iiyak na lang na parang isang kaawa-awang babae.

"

Tusong napangiti ang Don. Sinenyasan nito ang dalawang tauhang may malaking katawan, maskulado ang mga ito at halata na batak sa pakikipag buno.

Kahit sinong makakita ay siguradong manginginig ang tuhod sa takot. Bakas din sa hitsura ng mga tauhan ng Don ang walang pag-aalinlangang manakit pag-sinabi ng Don.

"Ilabas niyo ang dalawang yan!" Utos ng Don sa dalawang tauhan. Binitbit ng mga ito ang nanghihinang sina Sebastian at Arcadius papunta sa isang sulok saka marahas na ipinasok sa loob.

Kita ni Vladimyr sa mga mata nila Arc at Seb ang pangamba ng para sa kaniya. Tingin na para bang sinasabing 'trust me'

Lihim na nagmasid si Vlad sa kabuuan ng silid na iyon, nagpa-plano na siya kung paano niya ide-despatiya ang mga ungas na ito na may lakas ng loob banggain siya.

Kung gusto nila maglaro,

'then let's pray.....'

A sly grin formed on Vladimyr's red and luscious lips.

Umatras ng isang hakbang si Vladimyr habang alertong nakamasid sa bawat kilos ng mga tao sa paligid.

Walo ang lahat ng mga taong nasa loob kasama si Mr. Sevilla. Tatlong malalaking tao at limang katamtaman lang. Mas madali niya itong mapapatumba kailangan lang pumasok sa silid na iyon.

'Ang silid kung saan lumabas ang Don.'

Tumalikod si Vladimyr sa mga ito saka hinawakan ang laylayan ng hapit niyang damit at unti-unti iyong itinaas para mahubad. Sinadya niyang gawin iyon para lalong mahulog sa kaniyang patibong ang mga ito.

Unti-unti ay lumalantad sa kanilang mga mata ang makalaglag panga at nakapag lalaway na hubog at makinis na katawan ni Vladimyr. Ramdam ni Vladimyr ang mainit na titig ng mga ito sa kaniya. Sumilay ang tusong ngiti sa labi ni Vladimyr.

Sunod niyang binuksan ang butones ng pantalon saka dahan-dahang ibinababa ang zipper nito. Bawat sentimetrong bumababa ang zipper, dinig ni Vladimyr ang mahinang tunog ng paglunok ng mga kalalakihang nag-aabang sa paligid niya.

The Crazy, Rich Madame Where stories live. Discover now