chapter 65

43 9 2
                                    

Biglang natigilan si Vladimyr  pagkakita sa lalaking nasa harap niya. Pagkatapos magblangko ang isip niya dulot ng bugso matinding galit at selos. Na hindi na niya nagawang pigilan tulad ng madalas niyang gawin, ilang ulit na napakurap si Vladimyr na tila nagising siya mula sa  kadiliman ng puso niya.

“L-Luvien?” naguguluhan niyang sambit. Tila napaso siya mula sa pagkakaupo sa sikmura ni Lucien at agad tumayo.

“Vladimyr!”

Napalingon rin si Vladimyr sa mga lalaking tumawag sa kaniya at nagsalubong ang kilay. Bakas ang pagkagulat sa mga mata ng mga ito ngunit sa isang iglap napalitan ng pagkabahala.

Nagmamadaling lumapit sina Ethan, Leon at Noah kay Vladimyr para ilayo ito kay Lucien. Nag-aalala sila sa kalagayan ni Vladimyr. Hindi ito maaring ma-stress dahil maselan ang kalagayan nito. Natatakot sila na baka maulit na naman ang nangyari noong nakaraang linggo. Gayun pa man naaawa sila kay Lucien sa sitwasyon nito. Nasaksihan niya kung paano magalit si Vladimyr.

Maingat na binuhat ni Noah si Vladimyr paalis sa pagkakaupo sa sikmura ni Lucien at hindi makapaniwala nang makita ang sampung mga lalaking nakabulagta sa sahig. Mariing nakakuyom ang kamao ni Vladimyr na tila gigil na gigil ito sa galit. Malalim at naghahabol ng paghinga ngunit sa pagkakataong iyon, nahimasmasan na si Vlad.

Ang ibang mga costumer ng bar ay nagbubulungan at pinagmamasdan sila. May ibang nagpapakita ng takot at ang iba naman at tila nasisisyahan sa nasaksihang gulo.

“Are you okay, Vlad?”  nag-aalalang tanong ni Ethan. Sinubukan pa nitong sipatin ang mukha niya, pero nanatili siyang tahimik at pilit ikinakalma ang sarili.

“Ano ba ang nangyari? Nag-alala kami sa'yo.” Anas ni Leon. 

Mariing napapikit si Vladimyr nang maramdaman na naman niya ang pag usbong at Sidhi matinding kirot mula sa kaniyang sinapupunan. Nahigit niya ang kaniyang paghinga at kaagad siyang napahawak doon at hindi inaasahang mapahulod dulot ng kirot, kasabay ang pag-aalala. 

“A-ahh!”

Nahihirapan daing ni Vladimyr.

Halos magkakasabay na napasigaw ang apat na lalaki at nang matumba si Vladimyr sa sahig.

Dahil sa matinding pag-aalala, hindi alam ni Lucien kung paano siya nakatayo at ngayon ay nasa mga bisig na niya si Vladimyr habang nagmamadaling tinatahak ang daan palabas ng VIP Bar. Kasunod ang tatlo nitong mga kasama na natataranta rin sa pagsunod sa kanila.

“Jasper!” Malakas na tinawag ni Lucien sa assistant niyang nakatayo sa gilid ng kotse. Kahit nagtataka, mabilis na binuksan nito ang pinto sa backseat para kay Lucien nang makitang buhat nito si Vladimyr.

“Ano po ang nangyari, Boss?” pakli ni casper sa amo.

“What the fck? Wag na kayong magkwentuhan she needs to be taken to hospital!” Leon angrily sneered.

Sinenyasan ni Lucien si Jasper na mag-drive.

Hindi niya maintindihan kung bakit ang lakas ng kabog ng dibdib niya habang nakikitang namimilipit si Vladimyr at nakayakap sa sinapupunan niya.

“Baby? Hey calm down... breathe...” He gently said, caressing her hair softly.

Lalong nag-alala si Lucien dahil sa panlalamig ng katawan ni Vladimyr. Nanginginig ito at pinagpapawisan ng sobra. Hindi na niya alam kung ano ang dapat gawin para matulungan si Vladimyr. Mataas ang tolerance ni Vladimyr sa kirot kaya nagtataka siya at nababahala.

Base sa nakikita niya ngayon, sigurado siyang matindi iyon para magkaganito si Vladimyr.

Mahigpit na niyakap ni Lucien si Vladimyr. Nagbabaka sakaling kahit kaunti maibsan ang nararamdaman nitong kirot. Kahit hindi niya talaga naiintidihan kung ano ang nangyayari.

The Crazy, Rich Madame Where stories live. Discover now