Tulad ng nakaraan, nagising na naman si Vladimyr sa amoy ng ospital. Nanunuot na ito sa ilong niya at nagdudulot ng pagpintig ng sintido niya. Tahimik ang kabuuan ng silid, pagmulan niya ng mga mata. Purong puti na naman ang nakagisnan niyang paligid.
Dismayadong napabuntong hininga si Vladimyr at sinubukan gumalaw para umupo. Nakasuot siya ng lavender na hospital dress at may IV drip na nakakabit sa kanan niyang kamay.
Sumandal siya sa dalawang malambot na unan na pinagpatong niya saka nababagot na gumala ang paningin sa kabuuan ng silid.Wala siyang kasama ngayon, pero hindi naman patay ang malamlam na ilaw.
"Nandito na naman ako?" napabuntong hininga siya. "Nagiging tambayan ko na yata ang lugar na ito." tumikhim siya saka lumingon sa pinto.
"Nakakaumay na ang lugar na ito..." bulong pa ni Vladimyr.
Inangat niya ang kamay na may naka kabit na swero saka isa-isang tinanggal ang paper tape na nagpapanatili dito sa kamay niya. Saka niya hinugot ang maliit na karayom na nakatusok sa balat niya deretso sa ugat.
Walang gana na tumayo si Vladimyr mula sa kama habang punakikiramdaman ang sarili. Nang walang kakaiba, tumayo siya at tumungo sa maliit na banyo para mag-ayos ng sarili.
Paglabas niya ng banyo, dumeretso siya sa labas ng silid at walang pakialam kung pinagtitinginan siya ng mga nakakasalubong na nurse at pasyente.
Dumretso sa hagdan si Vladimyr, hindi alintana ang mga tao sa paligid niya na naguguluhan. Kaagad siyang sumakay ng taxi paglabas niya ng ospital, noon niya lang nakita na madilim na at walang gaano g tao sa paligid. At nagpahatid sa bahay niya, ilang kilometro ang layo mula sa Southland City.
Wala siyang gana tumagal sa ospital na iyon dahil pakiramdam niya lalo siyang magkakasakit.
Pagbaba niya sa tapat ng gate, sinenyasan niya ang dalawang guard na bayaran ang driver. Hiningi niya ang jacket ng isa at ang extra nitong baril, dahil hindi siya sanay na walang bitbit.
"Anong oras na ba, Danny?"
"alas diyes na po ng gabi, Madame."
"Ganun ba?"
"Opo."
"Pahiram muna ng phone mo."
Binigay agad ng guard na si Damny ang phone niya kay Vladimyr.
Pagkatapos ng ilang pag-ring sa kabilang linya, sinagot agad iyon ni Vlex.
"Andito na ako sa bahay, wag ka na mag-alala." malambing niyang sabi. Natawa na lang siya dahil halos maiyak ang kapatid niya mula sa kabilang linya.
"Ano ka ba? Ayos lang ako. Sige, hintayin ko kayo dito. Bye."
Binalik kaagad ni Vladimyr ang cellphone kay Danny bago dumeretso kaniyang bahay. Napansin niya ang itim na Sedan, ilang metro ang distansya mula sa kanilang gate.
"SIR sigurado ba kayong hindi tayo magpapakita kay Ma'am Vladimyr?"
Makailang ulit nang naitanong iyon ni Jasper. Pagdating nila malpit sa gate ng mansion ni Vladimyr, lumabas si Lucien at tinanaw ang mansion mula sa labas.
Gusto niyang humingi ng tawad kay Vladimyr pero napangungunahan siya ng takot.
"Hindi pa ako pwedeng magpakita sa kaniya. Galit siya sa'kin at ayokong ma-stress siya kung makikita niya ako dito."
Napabuntong hininga na lang si Jasper sa sagot ng amo. Nauunawaan niya ito dahil maselan ang kondisyon ni Vladimyr.
" Okay sir."
YOU ARE READING
The Crazy, Rich Madame
AksiAfter being betrayed and abandoned by those she loved and trusted, Vladimyr transformed into an unstoppable force. With her newfound bottomless wealth, she became incredibly rich and powerful, evolving into a formidable adversary no one would dare t...