Napaiwas ng tingin si Vladimyr dahil sa sinabi ni Lucien. Pakiramdam niya biglang nag-init ang pisngi niya sa tinuran nito at 'di siya sanay sa mga ganitong pakiramdam. Lahat bago para sa kaniya ang mga pinaggaga gawa nito.
Kung ilang ulit siyang napamura dahil sa lakas ng tibok ng puso niya at parang nahulas ang lahat ng tapang na meron siya sa katawan. Nanlambot ang tuhod niya habang pilit kinakalma ang sarili.
Pasimple niyang hinimas ang dibdib niya na para bang may magagawa iyon para kumalma ang puso niya sa pagwawala nito.'bwisit!'
Sinubukan ni Vladimyr na huminga ng malalim nang paulit-ulit para lang pwersahing kumalma.
Ang mga nakakalokong banat ni 'Luvien' nakakabawas ng angas niya sa katawan.
" Pwede 'bang wag ka nang magsalita? Tumahimik ka muna."
Kagat labi na umirap si Vladimyr. Tahimik siyang bumuga ng hangin na para bang doon niya lang kayang kumuha ng buwelo para makatagal sa mga banat ni 'Luvien'.
Lihim na nahigit ni Vladimyr ang paghinga nang maramdaman niyang bahagyang gumalaw ang upuan niya at naramdaman ang init at lambot ng mga daliring lumapat sa baba niya at maingat nitong iniharap ang mukha niya dito.
Nalanghap ni Vladimyr ang mabangong amoy ng bibig ng huli pagharap niya dito. Tila nahihipnotismo siya sa angking karisma nito.
"My sweet~"
Hindi na nakatutol si Vladimyr nang ilapit ni Luvien ang mukha nito sa kanya, ilang sentimetro nalang ang pagitan at magdadampi na ang labi nilang dalawa. Habang tumatagal na ginagawa ito ng lalaki lalo siyang nakakaramdam ng pananabik at pagka-inip. Manipis n espasyo nalang ang pagitan, natigilan si Vladimyr.
"Ang mga basura talaga walang kahihiyan. Kahit saan na lang nagkakalat ng lagim nila. Right sisters?"
"Yeah. Right."
"Agree. Ganyan talaga ang mga basura, mahilig kumalat. Dapat dyan sa mga ganyan, nilalagay sa lugar nila para hindi makaperwisyo."
"Wag kang mag-alala, sis, malapit ko nang ilagay sa lugar niya ang basurang nakakasuka. Masakit kasi sa mata, nakakasira ng paligid."
Tumaas ang kilay ni Vladimyr pagkarinig ng mga salitang iyon mula sa pamilyar na boses ng babae. Kararating lang ng mga ito at may kasama pang dalawang alipores na tila galing din sa upper class. Base sa pananamit, mga alahas at ang designers shoes at bags na dala ng mga ito.
"Gazali"
"Miss,"
Tumaas ang kilay niya nang magbago ng aura nitong mula sa mainit at puno ng pagmamahal hanggang sa malamig at nakakakilabot na para bang isang halimaw na bumangon mula sa kailaliman ng lupa.
Her inner self chuckle as she watch how unhappy 'Luvien' is.
"Watch your words, Miss. Your opinion isn't needed here."
"Aba! Mukhang may nauto ka na namang bagong lalaki sa buhay mo, Vladimyr!" Sabat ni Gazali na may pang-uuyam sa tono.
"Ibang klase ka talaga. Palibhasa hindi mo maagaw sa'kin ang asawa ko, kaya iyan. Namimingwit ka na naman ng bagong mauuto mo."
Tumayo si Vladimyr at kaswal na humalukipkip. Pinanonood niya ang asawa ni Ethan na gumawa ng eksena.
"Tama ba?"
Naguguluhang napatingin si 'Luvien' kay Vladimyr na nagkibit-balikat lang bilang tugon.
"Oh well. Mabuti nga 'yan. Maghanap ka na lang ng ibang lalaking lalandiin mo hindi yung nananahimik na asawa ko ang kinakalantari mo, 'di ba?" Dagdag pa nito sa mas mapang- uyam na tinig.
YOU ARE READING
The Crazy, Rich Madame
ActionAfter being betrayed and abandoned by those she loved and trusted, Vladimyr transformed into an unstoppable force. With her newfound bottomless wealth, she became incredibly rich and powerful, evolving into a formidable adversary no one would dare t...