Tahimik na nakaupo si Vladimyr sa lpmahabang sofa habang naghihintay kay Ethan na magsalita. Humugod siya ng wet wipes sa box para punasan ang mga kamay bago dinampot ang envelope na inilapag ni Ethan sa tapat niya.Napapaisip na kinuha ni Vladimyr ang envelope at binuksan iyon saka isa isang tiningnan ang mga naka sulat.
Nagtaas siya ng tingin kay Ethan na noon ay nakatayo at nakapamewang habang nakatingin din sa kaniya.
"Mga proof of shipping transaction ito galing sa... Mexico?" Nagtataka niyang tanong kay Ethan. Tumaas ang dalawang kilay ni Ethan bago sumagot sa tanong ni Vladimyr.
"Yeah. And the name of the recipient is from Africa."
"Ang layo ah." Ani Vladimyr na di makapaniwala.
"And look at all the names of the recipients."
"Kay Luvien lahat naka pangalan ang mga 'to." Hindi makapaniwalang usal ni Vladimyr.
"That's right. So we dig more about that information. At may mga nalaman pa kami." Noah, then, intervene.
Muling ibinaling ni Vladimyr ang atensyon sa mga papeles at may napansin siyang ikinagulat at ikinataka niya.
"September 13? Teka kelan lang to ah?" Nakakunot ang noo ni Vladimyr na yumingin kay Ethan. "Imposibleng si Luvien ang umorder nito dahil lagi kaming magkasama nitong September."dagdag niya pa.
"Yeah. At isa lang ibig sabihin niyan," Suddenly Leon said. "That someone is using your ex's name. And it's not really him who is causing threats against you, Vladimyr."
Ibinalik no Vladimyr ang mga papeles sa loob ng brown envelope at napapaisip na sumandal sa backrest.
"Kung sino mang hudas ang gumagamit sa pangalan ni Luvien para mahulog ako sa bitag nila, pwes, ako mismo ang lalapit para 'di na nila pahirapan ang mga sarili nila sa pagtatago." Naiinis niyang sabi habang nakatingala sa kisame.
"Wag kang magpadalos-dalos Vladimyr, baka nasa paligid lang din sila at nagmamasid sa iyo." Ani Leon at tangkang dadampot ng piraso ng bayabas pero tinampal ni Vladimyr ang kamay nito at sinamaan ng tingin.
"Kumuha ka ng sayo. Akin to!" Aniya sabay kuha ng bowl na pianglalagyan ng bayabas. Binuhos ang bagoong at hinalo ng kaniyang daliri.
Napapailing na natawa si Ethan habang si Leon naman at nangunot ang noo sa inasal niya.
"So, posibleng hindi nga ang mga kapatid ni Donya Luz ang nagtatangka sa buhay ko nitong mga nakaraang taon?" Tanong niya kay Ethan.
"They tried, but, according to my source," umupo si Ethan sa isang sofa bago sumagot. "Di natuloy dahil nalaman nila na nalulugi na ang kompanya at plantasyon ni Don Gregorio."
Napataas ang kilay ni Vladimyr.
"Pero may ilan taon na rin akong parang nakapatong ang ulo sa sangkalan. Threats are always coming."
"At ito pa ang nalaman ko, biglaan ang mga nangyayaring pagka-bankrupt ng kompanya ni Don Gregorio."
Sa sinabing iyon ni Ethan, agad na dinampot ni Vladimyr ang cellphone niya at tinawagan si Jill at Atty. Enriquez.
"Jill..."
"Yes, Madam?"
"I need all the financial report of the VLADMOON Company, these passed six years, the vice president background, and other officer's informations. I'm giving you 10 minutes."
"Yes Madam."
Pagkatapos kausapin ang secretarya. Tinawagan naman ni Vladimyr si Atty. Enriquez.
YOU ARE READING
The Crazy, Rich Madame
ActionAfter being betrayed and abandoned by those she loved and trusted, Vladimyr transformed into an unstoppable force. With her newfound bottomless wealth, she became incredibly rich and powerful, evolving into a formidable adversary no one would dare t...