Isang grupo ng mga holdaper ang binugbog ng isang babae bago nahuli ng mga pulis matapos mai report ng mga customer ng isang salon ang insidente.
Ayon sa mga customer ng naturang salon, bigla na lamang daw pumasok ang mga ito na may maayos na damit. At may ibang naka business suit pa, upang di mahalata ang tunay na pakay ng mga ito-.
"Ang malas ng mga holdaper na yon at natyempuhan ka na naroon..."
Sa malapad na living room ng mansion ni Vladimyr, nakaupo sa pang isahan at pabilog na sofa si Noah. Katabi nito ang asawang si Reika, na kumakain ng hiniwang piraso ng malaking bayabas, na sinasawsaw sa bagoong isda na may sili at kalamansi.
Sa kabilang single na sofa naman ay si Ethan, prenteng nakasandal sa backrest. Hawak ang malamig na lata ng beer. Nakaupo sa hita ang anak nilang babae na si Grusia. Nakikikain din ng hiniwang bayabas.
Sa mahabang sofa naman ay nakaupo sina Leon. Katabi nito si Vraq na katabi si Vlex. Naroon din sina Malia, Lisa, Sebastian na nasa bandang likuran ni Vlex. At Arcadius na alertong nakatayo sa likuran ni Vladimyr.
Ngayong araw, hinayaan ni Vlad na mag day off ang mga tauhan niya, pero halos ilan lang ang umalis, ang mga at karamihan ay nanatili sa Villa para daw bantayan ang amo nilang si Vladimyr.
Sa lamesang pahaba, ilang bowl ng hiniwang bayabas ang nakalagay, may mga dala din na cake at barbeque sina Vraq at Vlex. Habang sina Leon at Ethan nagdala ng beer at pasalubong sa mga anak.
Sina Noah at Reika ang nagdala ng halos isang sako na bayabas mula sa sunflower resort na pinitas ng mag-asawa mula sa tanim ng ilang empleyado ng SF resort ni Vladimyr.
Sila din ang nagdala ng ilang bote ng bagoong isda. Na binili nila mula sa naglalako sa kalye.
Kung noon kahit paano may idea ako kung sino ang nagtatangka sa buhay ko, at alam ko ang rason kung bakit nila ginagawa iyon. Pero nang malaman kong hindi ang kapatid ni Donya
"Anong malas ang sinasabi mo?" Angal ni Vladimyr sabay kuha ng isang hiwa ng bayabas, sinawsaw sa bagoong at isinubo lahat sa bibig.
"Anngg shwerlte ngyah niwla eweh nawnduwon awkwho." Aniya habang puno ang bibig.
Nangunot ang noo ni Vlex at tipid na natawa. "Sis, can't you just finish that food on your mouth before talking?" Mahinhin na sabi ni Vlex.
"Mabuti pa itong kapatid mo na si Vlex mahinhin! Bakit ikaw Vlad di ka manlang naambunan ng konting hinhin?" Ani Noah na naka nakapulupot ang braso sa bewang ni Reika.
"Wala ka nang magagawa Noah, garapal na talaga ako." Sagot ni Vlad. "At kung magiging mahinhin ako, siguradong wala kang Cadiz..."
Kaswal na sagot ni Vlad sabay kindat kay Noah na ikinatawa naman ng mga kasama niya. Kaya natawa na rin siya.
"Kung wala ako doon 'di sila magkakaroon ng privilege na makilala ako, mahawakan ako at higit sa lahat, hindi matatapos ang kalokohan ng grupong iyon. Ako pa talaga ang iisahan nila ah..."
"Akala yata ng mga ungas na 'yon lahat maloloko nila, unang banat pa lang ng pulis kuno, sablay na."
"Sino ba naman ang pulis na pagdating pa lang alam agad na magnanakaw ang mga iyon? Maayos manamit at mukhang may kaya."
"Hindi ba dapat pagdating nila ise-secure agad ang area? Mag-iimbestiga muna ng kaunti. Mag-aanyaya ng mga pwedeng witness? At mag tatanong-tanong sa mga nakasaksi."
"Walang pinakitang chapa. Wala pang posas. Anong ganap nila?"
"Well, tama ka naman dyan Vlad, nmasaya akong di nakatakas ang mga holdaper na iyon dahil sa tulong mo. Mabuti at napansin mo agad ang mga ganoong bagay sa kilos nila." Ani Ethan. Pinatong nito ang basyo ng beer at kumuha ng isa pa sa naka bukas na ice box na puno ng beer at yelo.
"Sila ang Adonis Gang. Bagong grupo ng magnanakaw na karaniwan na binibiktima ay ang mga exclusive salon at mga babae. Mga convenient store at mga maliliit ng restaurant sa Southland. Ilang buwan ko na rin silang pinapahanap. Pero wala kaming clue na makuha kung saan ang susunod na target ng grupong ito."
"Adonis pa nga! Mga mukha namang tukmol. Sa patay pa yata kinuha yung suot na suit eh, mga batugan ngayon nakakabuwisit ang mga trip sa buhay."
Natawa na naman ang mga kasama niya.
"Mabuti nalang talaga nahuli na ang mga iyon! Thanks to Vladimyr!" Si Reika.
"At mukhang matatagalan pa madadala sa selda ang anim sa kanila." Ani Ethan at natatawang sumulyap kay Vladimyr.
"Ikaw ba naman ang bugbugin ng amasona eh, 'di ka tatagal sa ospital?" Sabat ni Noah na ikinawa na naman nila.
"Well, yeah. The one that's pretending as police really needs to be hospitalized until his bruises and wounds are healed. While the other five men, they got a serious fractures on their limbs. Isa doon muntik nang tumusok sa right side ng lungs yung isang rib na nabali. And he need an urgent surgery para mailigtas pa ang buhay nito." Paliwanag pa ni Ethan.
Mataman na tiningnan ng mga ito si Vladimyr na para bang di makapaniwala sa ginawa niya.
"Hoy, hindi ko pinuntirya ang mga limbs ng mga yon, hindi ako ganun bumanat."
"Kung hindi ikaw, eh sino?" Tanong ni Vraq.
"Hmm... yung time na 'yon, sa pagkaka-alala ko, hinagis sila ni Luvien sa labas ng salon. Then boom para silang mga basura at 'di na makatayo."
"Woah! What do you say by that sissy?" Si Vraq.
"Wait, sis are you dating with that guy again?" Salubong ang kilay na puna ni Vlex. Ang mga mata nitong puno ng pag-aalala at kuryosidad na nakatitig kay Vladimyr.
"Punyemas naman sis! Wala ka bang kadala-dala?"
"Sis, we won't intervene with your lovelife, but sis, we also don't wanna see you broken again because of your ex..."
"Marupok 2.0 belongs to... Vladimyr!" Nanunuksong sambit ni Reika.
Hindi alam ni Vladimyr kung paano ipapaliwanag sa dalawang kapatid ang tunay na namamagitan sa kanila ni Luvien. Tama naman ang mga ito. Pero, mahal na mahal niya pa rin si Luvien sa kabila ng mga nangyari at mga pagbabago nito.
Luvien is always there to save her. Lately, he is the only person coming whenever she need it.
He is sweet ang caring. And also a grumpy and childish. Napaka-aggressive din.
"By the way, we need to talk. Private. Vladimyr only the four of us, please?" Agaw pansin ni Ethan sa seryosong tono.
"Sis, mauwan muna namin kayo. May importante lang ksming pag-uusapan."
"Okay, fine. Pero, hindi pa tayo tapos, Ate! I'm waiting... " Vraq said before leaving with Vlex and Reika.
Pero sina Malia at Lisa ay nanatili sa tabi ni Vladimyr.
"Gosh! Nice timing Ethan. You saved me from interrogation of those two..."
"You can't blame them, Vladimyr. They're just trying to protect you."
"Yeah. I know...and... it's hard..."
"Wala ka nang magagawa, Vladimyr. Mahal mo eh. Matatanggap din nila Vraq at Vlex ang desisyon mo. Iyong dalawa pang iyon? Eh mahal na mahal ka non di ba?" Si Noah.
"And in return, you also should accept your sister's decision..." si Leon.
"I can. I love them with all my heart."
"Okay. About the purpose of this conversation,"
Inilabas ni Ethan ang ilang dokumento na may mga proof of transactions.
YOU ARE READING
The Crazy, Rich Madame
ActieAfter being betrayed and abandoned by those she loved and trusted, Vladimyr transformed into an unstoppable force. With her newfound bottomless wealth, she became incredibly rich and powerful, evolving into a formidable adversary no one would dare t...