Chapter 58

38 10 0
                                    


Hindi makapaniwala si Vladimyr sa mga narinig niya mula kay ' Luvien '.

Lahat ng mga binibitawang salita nito ay parang mga kutsilyong isa isang itinatarak sa puso niya ng dahan dahan at paulit-ulit.

Daig niya pang dinibdiban ng buong pwersa na halos ikatigil na ng paghinga niya sa bawat buwelo.

Mapaklang natawa si Vladimyr at naiiling na huminga ng malalim. Gusto niyang kalmahin ang sarili mula sa masakit na nararamdaman.

Hindi niya alam kung bakit nagagalit si 'Luvien' na may anak siya, gayung alam naman nito na may anak na talaga siya sa iba't-ibang ama.

'Abnormal talaga..' aniya sa sarili habang nakatingin sa papalayong bulto ni 'Luvien'. At nasasaktan ng sobra. Ngayon lang ulit niya naramdaman ang ganito kasakit sa puso. Higit pa sa pinipiga ng matindi ang puso niya habang nakikitang papalayo ang lalaking mahal niya dahil sa hindi pagkakaintindihan.

'hindi manlang niya ako sinubukang pakinggan...' Mahinang napailing si Vladimyr sa pagkadismaya. 'bakit hindi mo manlang ako sinubukan pakinggan? Akala ko ba mahal mo ko, Luvien? Akala ko tanggap mo na ako...hindi pala.' Punonng pait niyang naibulong sa sarili. Napalunok ng paulit ulit si Vladimyr dahil sa kung anong bagay na bumabara sa lalamunan niya. Kasabay ang mga lihang nais tumulo dulot ng hindi inaasahang pagkadurog ng puso.

Sumisikip ang dibdib niya kahit na maluwag naman ang suot niyang damit. Pasimpleng hinimas ni Vladimyr ang kaniyang dibdib nang hindi siya makahinga ng normal. Para bang may mabigat na nakabara sa puso niya at lalamunan niya ng mga oras na iyon.

Ang sakit ng mga salitang binitawan ni 'Luvien' at hindi naman siya manhid para di maapektuhan.

Lalo na ang mga salitang binitawan nito sa kaniya.

'I can't believe that I fallen in love to a wicked slut like you. Pinagsisisihan kong nagtiwala ako sa isang tulad mo, Vladimyr. Hindi ko dapat hinayaan na mahalin ka ng sobra-sobra dahil hindi ka karapat-dapat sa pagmamahal ko...mapaglaro ka.'

Halos manlambot ang tuhod niya matapos marinig ang mga katagang iyon mula sa lalaking pinagkatiwalaan din niya ng puso niya.

Kinailangan niyang panatilihin ang balanse dahil kung hindi, baka kanina pa siya nawalan ng malay. Lalo na at tumitindi ang kirot sa puson niya na para bang hinihiwa iyon mula sa loob.

Ilang ulit napalulunok at kumurap si Vladimyr para pigilan ang luhang nagbabadya na tumulo.

Sinubukan niya rin huminga ng malalim para kumalma.

'akala yata ng ungas na yon,
hahabulin ko siya.' aniya saka tumingala at pumikit ng mariin. Pinilit niyang iwaksi ang mga luhang nagkukumahog malaglag.

'manigas siya...pero hinding hindi ako mag hahabol...hindi ko siya kailangan..hindi...'

'kung hindi niya ako kayang tanggapin, eh di wag! Asa siyang maghahabol ako...'

'Nakaya ko ng mag-isa. Makakayanan ko pa rin kahit wala siya...'

Malalim na bumuntong hininga si Vladimyr saka nilingon ang tatlong lalaki.

She needs to breathe. She needs some air cuz she felt extremely exhausted that moment. She needs to stay her calm facade and hid what she truly feels. That she is terribly broken.

Hinawakan ni Vladimyr ang batok niya at hinimas iyon sabay tingin sa tatlong lalaki na kanina pa nakatayo sa likuran niya habang nag kakasagutan na sila ni 'Luvien'. Nagbabantay lang ang mga ito at handang alalayan siya oras na lumala ang sitwasyon. Tulad ng nagawa ni Leon at Noah kanina. Nang hindi na nito matiis ang hindi magandang sinasabi ni 'Luvien'.

Bahagya siyang natigilan pagkakita sa simpatyang nasa mga mata ng mga ito. Napangiti si Vladimyr. Ngiting mula sa puso niya dahil sa nakikita niyang suporta sa tatlong ama ng anak niya. Mga kaibigan at kasangga sa laban ng buhay niya.

These men didn't leave her side no matter what she deals. And kept staying whenever they can even implicated by her serious problems.

Kahit hindi niya iyon sabihin, she made sure that these men feels it every minute.

"Wag niyo nga akong tingnan ng ganyan." She paused and chuckles "Hindi pa naman katapusan ng mundo kung mawala siya sa landas ko." Puna niya sa mga ito sabay iwas ng tingin.

Ayaw niyang makita nina Noah, Ethan at Leon kung ano ang tunay niyang nararamdaman. Na durog na durog siya sa mga oras na iyon. "Hindi ko kailangan ng taong huhusgahan lang ako. At di kayang tanggapin ang nakaraan ko." Kaswal niyang sabi.

Ito ang isa sa mga bagay na itinuro sa kaniya ni Lisa noon sa training. Sinanay siya mabuti para itago ang tunay na nararamdaman mula sa lahat ng tao. Para sa ikabubuti. Kaya gamay na gamay na niya ang ganito.

And she didn't chose the cold and intimidating aura to be feared by enemies and other people.

She choose to smile no matter how she truly feel. For her, she doesn't wnat to feared by anyone. Gusto niyang makita ng lahat na madali siyang lapitan. Pakisamahan at isipin na isa siyang walang alam.

But her smile is her greatest mask.

"Vladimyr it's okay to show us." Ethan said full of sincerity.

"Hindi mo kailangan itago ang nararamdaman mo Vlad, mga kaibigan mo rin kami." Leon said and sigh.

"You can be with who you really are, Vladimyr, no need to hide your pain to us." Si Noah sabay lapit at hinagod ng likod niya.

Mahinang natawa si Vladimyr sa sinabi ng tatlo. Masaya siya dahil nandito ang tatlong ama ng mga anak niya na naging kasangga niya sa lahat ng problemang hinaharap niya sa buhay.

"Ang OA ninyong tatlo..." Nakangisi niyang sabi. "Lilipas din ito, wag kayong mag-alala sa'kin..." Aniya sabay ngisi. "Sa kwarto muna ako, gusto kong magpahinga." Aniya sa tatlo at bumuntong hininga. "Nakaka-stress mga pangyayari ngayong umaga na 'to." She added with a forced grin.

Sinubukan ni Vladimyr itago ang bigat ng nararamdaman niya sa likod ng malapad na ngiti. Pero alam ng tatlong lalaki na pinipilit niya lang gawin iyon. Bagay na kinaiinis din nila sa pag uugali ni Vladimyr.

Dismayadong napailing si Ethan at nag-angat ng tingin kina Noah at Leon.

"Why does she have to hide it?" Inis na sambit ni Leon at naikuyom ang kamao.

"That idiot." Ani Noah.

"That's enough for now, bro. Let's take care of Vlad first—Vladimyr!" Kalmadong sabi ni Ethan ngunit napasigaw nang makta si Vladimyr na bumulagta. Kaagad napatakbo ang tatlong lalaki sa kinatatayuan ni Vladimyr nang bigla itong mawalan ng malay.











The Crazy, Rich Madame Where stories live. Discover now