chapter 52

36 9 0
                                    

Naiinip na sumandal si Lucien sa  backrest., Ipinikit ang pagod na mga mata mula sa mahabang oras ng pag sipat sa lahat ng mga dokumento na dinala ng kanang kamay niyang si Casper, mula nang madaling araw. Kung saan inutos din niya dito dahil sa mga natambak na trabaho na hindi naasikaso ng ilang araw.

Ilang segundo pa lang na nakakapikit si Lucien, nagulantang na siya sa mula sa malakas na ingay ng pagkabasag.

Napabalikwas ng bangon si Lucien at agad nakita ang lalaking bumalandra sa malapit nasasakyan. Dahilan ng pag ingay ng alarm nito at mga taong napatakbo dahil sa sobrang gulat at takot makikita sa mga reaksyon ng mga iyon. Mula ang lalaki sa loob ng salon, kung saan naroon sina Vladimyr at ang anak nito na si Drak.

Nagmamadaling lumabas ng sasakyan si Lucien habang nakatutok ang mga mata sa pinanggagalingan ng nagtalsikang bubog, sinalubong niya ang nagtatakbuhang tao para puntahan sina Vladimyr mula sa loob.

"Vladimyr! Drak!" Nag-aalala niyang tawag sa dalawa.

Natigilan si Lucien pagkakitang may limang lalaking naka suit and jacket at casual attire, na sumusugod kay., Vladimyr na noon ay nagagawa nitong sabayan ang bawat pag-atake ng mga lalaki sa dito ng walang kahirap-hirap.

Napansin din ni Lucien ang swabeng kilos ni Vladimyr sa bawat pag-ilag, sinusundan kaagad nito ng solidong bawi ng mga suntok na di niya masundan ng tingin. Dahil sa bilis ng mga kamao ni Vladimyr.

Puntirya ng bawat tama ng suntok ni Vladimyr sa katawan ng kalaban ay mga bahaging mahina at maaring makaparalisa o kung malas, maaaring magdulot ng pagkamatay sa tatamaan.

Hindi makapaniwala si Lucien sa mga nasasaksihan pero hindi rin niya hahayaan ang babaeng mahal niya na saktan ng kung sino.

Kaagad lumapit si Lucien sa mga lalaking walang tigil sa pag-atake kay Vladimyr. Galit na hinila ni Lucien ang lalaki na susugod dito at walang pag-aalinlangan na binuhat ito gamit ang isang kamay at walang hirap na inihagis palayo ang lalaki kay Vladimyr., na noon ay nagulat sa pagsulpot niya.

"Baby?" Dinig niyang sambit nito kaya kinidatan niya ito at binigyan ng matamis na ngiti.

Muling hinarap ni Lucien ang iba pang lalaking siya naman ang pinupuntirya ng pag-atake habang ang dalawa pa ay si Vladimyr ang sinusugod.

"How dare you touch my woman!" Mababa pero may madilim na banta ang tono ng pananalita Lucien pagkasabi ng mga salitang iyon.

"Hindi ako marahas na tao, hangga't maaari, ayokong gamitin ang kamao ko laban sa kapwa ko. Pero ibang usapan na ang pagkanti niyo sa girlfriend ko!" Aniyang may diin ang pagsasalita.

Hinila ni Lucien ang dalawa pa na papalapit sa kanya, gamit ang mga damit nito, binuhat sabay hagis palabas ng salon ng walang kahirap-hirap. Ganyun din ang ginawa niya sa dalawa pang sinusugod si Vladimyr.

Parang mga basura lang ang mga ito na itinapo ni Lucien sa labas.

Sa tagal niya sa serbisyo bilang sundalo. Sanay siya sa pagbubuhat mabibigat na bagay. Di rin maitatanggi na malakas ang kamao niya dahil madalas siyang makipagtagisan ng pisikal na lakas sa kapwa sundalo niya. Sumali din siya noon sa mga underground battle para may ipangtustos sa pag-aaral.

Pagkatapos maihagis ni Lucien lahat ng mga lalaki sa labas ng salon, isang grupo ng pulis ang agad dumating at dinampot ang mga ito saka mabilis na isinakay sa mobile na walang palatandaan ng pulis.

"Wag po kayong mag-alala ma'am, sir, kami na po ang bahala sa mga magnanakaw na ito." Anang lalaking mataba. Naka-uniform ito ng pulis saka tumalikod. Pero natigilan ito nang biglang awatin ni Vladimyr habang nakahalukipkip.

"Subukan niyong umalis, at hindi kayo makakalampas ng parking lot na yan..."

Halos sabay-sabay na napatingin sina Lucien kay Vladimyr na may pagtataka sa mukha.

"Kung inaakala niyo na maloloko niyo lahat dito, pwes, ibahin niyo ako mga ungas..."

Nangunot ang noo ni Lucien sa tinuran ni Vladimyr at napalunok matapos masaksihan ang kislap ng nag aapoy sa galit ang mga mata ni Vladimyr. Hindi man ito mapapansin ng iba dahil sa tinatago ito sa mapanlinlang nitong ngiti. Ang ngiti ng banta ng malupit na kaparusahan.

"Vladimyr..." Mahinang usal ni Lucien.

Kinakabahang napapalunok si Lucien habang nakatingin kay Vladimyr at maalala ang parehong reaksyon ni Vladimyr noon sa isang hacienda.

Mukha itong kalmado sa labas at kung di pagmamasdan mabuti, aakalain ng sino man na ayos lang ito.

Pero ang mga nanlilisik na matang nakatago sa ngiti.

Kapareho noon nang muntik na nitong barilin ang pamilya ni Don Gregorio.

Nalaman niya ang pangalan ng mga ito nang pa imbestigahan niya kay Casper ang background ng pamilyanh yon.

At sa paghukay pa nila ng ilang impormaston, napag alaman din ni Lucien na isa ang Don Gregorio na yon sa pinaghihunalaan na nagbabanta sa kaligtasan ni Vladimyr.

Noon lang naintindihan ni Lucien ang pinagmumulan ng galit ni Vladimyr.

Pero sa kabila ng galit ni Vladimyr, pinahanga din siya nito nang malaman din niyang binayaran ni Vladimyr ang pasweldo ng mga magsasaka sa halagang triple ngnsahod nila, sanunang ani, hinayaan ni Vladimyr ang kita ng plantasyon sa lahat ng magsasaka. Binili din niya ang hacienda at plantasyon na iyon.

Sa dami ng mga nasaksihan niyang kabitihang nagawa ni Vladimyr, kahit bato amg puso nito para sa mga kalaban niya. Kasing lambot naman ng bulak ang puso nito para sa mga nangangailangan.

"She has the heart for those who needs, and she has the gun full for those who deserves it."

Lihim na natawa si Lucien matapos niyang mapag isip isip ang bagay na iyon.

"I'm so lucky to have a wicked devil with a heart."

Muli niyang bulong sa sarili at di maawat ang tuwa na nararamdaman.

TINANGKA ni Lucien na lapitan si Vladimyr upang mag
bakasakali na mapapakalma niya ito. Ngunit napnganga siya nang biglang sumibat si Vladimyr at dinaanan lang siya nito habang lalong nag aapoy sa galit. Oara itong bombang malapit nang sumabog anumang oras.

Nagulantang ang lahat ng marining ang malakas na lagabog mula sa labas kasabay ang singhap ng mga taong nakasaksi sa mga nangyayari.

"Vladimyr! No!"

Gulat na naoasigaw si Lucien sa mga sunod na nsakasihang pangyayari.

Lumakas ang kabog ng dibdib niya at tangkang hahabulin si Vladimyr para mapigilan ang sunod na magaganap.

"Stop!"

The Crazy, Rich Madame Where stories live. Discover now