chapter 38

82 15 13
                                    

Napalingon si Vladimyr sa malakas na ingay ng pintong nawasak dahil sa paulit-ulit na pag-sipa dito. Desperado ang mga tauhan ni Don Sevilla na makapasok sa kwarto nang marinig ng mga ito ang hiyaw ng Don.

Iniluwa ng nawasak na pinto ang dalawang bulto ng maskuladong lalaki na may hawak na latigo. Sa taas nitong anim na talampakan at may malalaking pangangatawan.

Natigilan ang mga ito nang makita ang kalunos-lunos na sitwasyon ni Don Sevilla. Namimilipt at nagsusumiksik sa sulok na parang takot na tuta. Habang napupuno ng sariling dugo ang mukha at harap.

"Don Sevilla!" Bulalas ng isa.  Puno ng pagkagimbal sa mga mata, bumaling ang tingin nito kay Vladimyr.

"Anong ginawa mo sa kaniya!"

"Wag kayong tumatayo-tayo lang diyan mga inutil! Hulihin niyo ang babaeng 'yan!" Halos pumiyok sa galit na sigaw ng Don sa mga tauhan.

Kaagad na kumilos ang mga ito at sinugod si Vladimyr, tinaas ng isa ang latigo at buong pwersang pinuntirya si Vladimyr.

Tinapunan ni Vladimyr ng mapanganib na tingin ang mga lalaki.

Mabilis siyang tumalon palayo pwesto; suwabe ang kaniyang paggalaw at eksakto ang paglapat ng kaniyang mga paa sa sahig. Tila siya at ang hangin ay nagkakaisa.

Nang muling hampasin ng lalaki si Vladimyr, humakbang siya palayo sapat upang eksaktong maiwasan pagtama ng latigo sa katawan niya. Habang matalim ang mga tinging nakamasid sa lalaking may hawak na latigo.

Hiyaw ni Don Sevilla ang pumailanlang,

"Mga bobo! Papatayin ko kayo!" Sigaw ng Don matapos tamaan ng latigo sa mukha at katawan; kaagad lumatay marka ng latigo sa balat nito at dumugo ang nilikhang sugat.

Nanginginig si Don Sevilla dulot ng kilabot at 'di masukat na kirot mula sa sinaksak ni Vladimyr ng ballpen; na pagkalalake ng Don at ang tama ng latigong ubod ng lakas na dapat ay para kay Vladimyr, sa kaniya tumama.

"B-boss!" Kabadong saad ng tauhan bago hinagilap si Vladimyr sa loob ng silid.

"Asan na ang babaeng yon?"

Umikot sa paligid ang tingin ng mga lalaki ngunit walang anino ni Vladimyr ang nakita nila.

"Nasan na siya?!"

"Bwisit ang bilis magtago ng babaeng 'yon!"

"Andyan lang 'yon sa paligid hanapin niyo!"

Nanlaki ang mga mata nito sa gulat kasunod ang kilabot na agad lumukob dito pagkakita kay Vladimyr na naroon sa harapan nito ng di man lang napapansin.

"H-ha!"

Matalim na tingin ni Vladimyr ay nakapukol sa lalaki. Madilim at puno ng nakamamatay na banta.

"Paanong—"

Tila napako sa kinatatayuan ang lalaki pagkakita kay Vladimyr.

Ang mabangis na mukhang nakikita niya sa magandang babae. Ramdam sa paligid ang panganib na hatid ng madilim at nalilisik ng mga mata niya. Isang banta ng tiyak na katapusan ang hatid ng nag-aapoy sa galit na pares ng mga matang iyon.

"A-arghh!"

Makapanindig balahibong hiyaw ang kumawala sa bibig lalaki nang marmadaman ang pagkapunit ng kaniyang balat.  Kasunod ang pag-agos ng dugo mula sa leeg, gimbal na natumba ang lalaking sinaksak ni Vladimyr ng ballpen sa leeg.

"T-tama na!" Hiyaw muli ng lalaking nagkukumahog umatras palayo kay Vladimyr.

Bakas ang takot na nakatingin kay Vladimyr na noon ay nag-aalab ang madilim at nakapangingilabot na aurang nagmumula sa kaniya. Para silang nakakakita ng isang mabangis na halimaw mula sa kadiliman.

The Crazy, Rich Madame Where stories live. Discover now