chapter 06

203 41 49
                                    

"Sabi ko na nga ba, hindi ko lang maisip kung gaano ka tanga si Mrs. Sevilla para maniwala sa panununulsol ng kapatid ni Donya Luz para pabagsakin ako?" Pagal na natawa si Vladimyr habang kausap sina Lisa at Malia. Si Malia ay focus sa pagda-drive pero nakikinig sa kwento niya. Si Lisa naman ay abala sa pagtipa at pagbulong sa earpiece nito. Batid ni Vladimyr na inaayos ni Lisa lahat ng dadaanan nilang lugar para makasigurong ligtas ang mga iyon mula sa banta ng mga kaaway. Paminsan-minsan ay tatango ang dalawa o susulayap kay Vladimyr bilang senyales na nakikinig sila.

Sa loob ng kanyang Red Audi, kumportableng nakaupo sa backseat habang naka-crossed ang kanyang mahahabang balingkinitang mga binti at nakasandal sa malambot at komportableng sandalan.

Matapos magkaroon ng kayamanan at posisyon ni Donya Luz, 'di nagustuhan ng mga kapatid nito ang nangyari. Galit na galit sila kay Vladimyr na naging dahilan ng ilang ulit na pagtatangka sa buhay niya.

'Ayos lang sana kung siya lang ang pinu-puntirya, pero pati kapatid ko na walang kinalaman sa pagpapamana ng Donya sa kanya ng lahat ng kayamanan ay dinadamay pa.'

Isang bagay na hindi niya mapapayagan na mangyari.

'Over my dead sexy body!' she thought.

"Sige, ganyan ang gusto nilang laro? Then let's give them what they ask." nakangisi niyang wika sa dalawa.

"'Di ka nila titigilan, Madame hangga't 'di nila nakukuha sayo ang kayamanan at position ni Madame Luz sa Phoenix Organization."

Ani Malia habang nagmamaneho. Walang gaanong traffic ngayon sa main road dahil patay na oras. Karamihan sa mga tao ay nasa kani-kanilqng mga trabaho.

"Alam ko 'yon. Kinamumuhian nila ako simula nang dumating ako sa mansyon, at labis na kinaiinisan ako nang hayaan ng matandang Madame na mamana ko ang lahat ng kanyang mga ari-arian." Napabuntong-hininga si Vlad at nagpatuloy sa pagsasalita.

"Maging ang posisyon sa Phoenix Organization na pinamumunuan ng iba't ibang mayaman. At tusong mga boss. Gusto nilang makuha. Syempre, you can gain a billion worth of compensation in every service, that's why..." She stated. "Positions depend on networth. And as of the old Madame's Position, the late Doña Luz is in the 4th ranking Boss." Vlad paused for a sec. Kinagat ang ibabang labi at ngumisi. "Ibig sabihin, ang yumaong Madame ang Hawak ang pang-apat na pinakamayaman at pinakamalakas na ranggo. Posisyon sa organisasyon." Sabi niya at humagikgik.

"Yun din ang dahilan kung bakit sa loob ng ilang taon tinuruan nila ako sa lahat ng bagay."

"From changing my surname to Dela Claire, handling business, self-defense, weapon, hand to hand combat, dealing with cruel people and facing investors confidently and others. Even surviving from hell..." She added. And that is true.

All of them, she survived it.

Masaya siya dahil nagtiwala sa kanya ang Donya pero 'di masaya kapag lahat ng ka-anak nito ay kinamumuhian siya.

"Buti nalang, wala akong pakialam." Muli siyang natawa.

Nababasa ni Lisa ang iniisip ni Vladimyr. 'Alam ni Donya Luz kung gaano ka-abusadong tao ang mga kapatid niya. Aigurado siyang aabusuhin ng mga kamag-anak niya ang kayamanan at sasamantalahin ang kapangyarihan niya sa Phoenix Org.'

'Isa pa, hindi nila kayang gawin ang pinagdaanan ni Madam.' Sa isip ni Lisa habang pinakikiramdaman si Vladimyr. Tahimik na ito lng nakapikit pero batid nilang dalawa ni Malia na malalim ang iniisip nito.

"Masaya kaming ikaw ang pinaglilingkuran namin, Madam." Kaswal niyang wika. Hindi kumibo si Vladimyr pero batid ng dalawa na pinapahalagahan sila ni Vladimyr.

"By the way, Lisa, kamusta ang dalawang bihag? buhay pa ba?"

'Di mapigilan ni Vlad ang matawa kapag naaalala niya ang hitsura ni Mrs. Sevilla pagkatapos niyang barilin ng Iron pellet gun.

The Crazy, Rich Madame Where stories live. Discover now