Hindi nakatulog magdamag si Lucien dahil sa mga nangyari nang nakaraang araw.Madaling araw na nang maka-uwi siya mula sa bar na pinuntahan niya para maglibang at makalimutan ang naganap sa salon habang kasama niya si Vladimyr.
Hindi niya inaasahan na mati trigger na naman ang ganoong ugali niya dahil sa mga magnanakaw na yon.
Nang araw na iyon sa salon,
Stop!
Napasigaw sa sobrang gulat si Lucien nang makita ang isa sa mga aramadong lalaki ay dinamapot ang nakakalat na baril sa sahig. Kahit namimilipit na ito sa habang hawak ang sikmura.
Humangos ng takbo at halos talunin ni Lucien ang distansya nila ng lalaki. May ilang hakbang din ang pagitan upang pigilan ang nagbabadyang masama na binabalak nito.
Nanlaki ang mga mata ni Lucien kasabay ang panlalamig ng buo niyang katawan matapos maiputok ng lalaki ang baril bago niya pa ito nahawakan.
No!
Umalingawngaw ang putok ng baril kasunod ang mga sigaw at singhap ng mga tao sa loob ng salon kung saan hindi nila inaasahan ang isa sa mga holdaper ay pupuntiryahin ang batang si Drak na noon ay katabi nina Cheya at ng ina nitong sinusubukang protektahan sila.
Drak!
Halos malaglag ang puso ni Lucien dulot ng sobrang takot at kaba na agad lumukob sa kaniya pagkakitang nakatutok ang baril sa mismong anak ni Vladimyr na si Drak nang kalabitin ng lalaki ang gatilyo, galos liparin niya ang direkson ng mga bata para subukang iligtas ang mga ito, ngunit hindi niya inaasahan ang sunod na magaganap.
Tila ba huminto ang lahat at tanging nakakabinging katahimikan ang lumaganap sa buong lugar-na binasag ng mahinang tunog ng balang walang habas tumagos sa katawan ng ina ng batang si Cheya matapos itulak niyo ang anak ni Vladimyr pago pa tumama ang bala sa bata.
Nag-uumapaw sa galit ang mga mata ni Lucien na sinugod niya ang lalaking bumaril. Hinila ang damit nito at binanatan ng malalakas na suntok mula sa matigas niyang kamao na halos kaya nang dumurog ng mga buto, dahil sa sobramg galit na nararamdaman.
Binuhat ni Lucien ang lalaki sa ere saka buong lakas na inihagis sa pader mg walang pag aalinlangan.
Sa sobrang galit na lumulukob sa katinuan niya, hindi niya alam kung paano siya napakalma. Nakita niya na lang si Vladimyr sa harap niya na napakalapit. Malapit na halos magdilim na ang kanilang mukha at unti-unti niyang nararamdaman ang malabot na bagay na nakalapat sa kaniyang labi na nagpapahupa sa naghuhuramintado niyang galit.
"Hon kalma.."
Paulit-ulit niyang nadidinig na parang isang tinig na nagpapabalik sa kaniya katinuan.
"Babe..."
Tuluyang kumalma si Lucien at nakita ang magandang mukha ni Vladimyr, bugla siyang napaluha at niyakap ng mahigpit ang huli.
"I'm sorry... I'm sorry babe..."
"Ayos lang... ayos lang 'yan babe..."
Nalilitonh napatitig si Lucien kay Vladimyr at agad nanlaki ang mga mata nang maalala ang nanay ng batang si Cheya na tinamaan ng bala. At si Drak.
"Where's Drak?" Kinakabahan niyang tanong kay Vladimyr. "Where's your son?"
"He's fine... he's in the car now."
"F-Fuck!"
"Pero si Ate Thelma ang tinamaan ng bala. Kaya dinala na siya sa ospital ngayon."
"Ano daw ang lagay niya?"
YOU ARE READING
The Crazy, Rich Madame
ActionAfter being betrayed and abandoned by those she loved and trusted, Vladimyr transformed into an unstoppable force. With her newfound bottomless wealth, she became incredibly rich and powerful, evolving into a formidable adversary no one would dare t...