Chapter 08

170 36 50
                                    

(Credits to the owner of the photo

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(Credits to the owner of the photo. Try ko mag edit ulit ng pang book cover. Feel ko yung angas ng pagiging boss niya sa pic na to. Pero aura ng pagiging feminine and soft. And dami kong alam noh? Hahahaha dont forget to vote and comment your opinion about this. Thank you.

(R18-strictly for adult only. Contains a slight intimate scene. Read at your own risk.)

--------------------------------------------


"If you are the mother of these children, what kind of mother are you and you let your children wander in this exclusive restaurant? " The woman scoffed as she raised one of her eyebrows.



" Look! He stuffed his disgusting ice cream on my expensive dress! What are you going to do now? Can you pay for it? " Nanggagalaiti sa galit na singhal ng babae habang diniduro nito si Vlad at ang mga anak niya. Bagay na di niya kinatutuwa. 



"Mamahalin?" Mapaklang natawa si Vladimyr sa sinabi ng babae sabay hagod ng tingin sa kabuuang suot. Napapatango na parang sumasang-ayon siya sa sinabi nito habang hinihimas ang sariling baba. 



"Well, may punto ka dyan." Kalmadong nag-angat ng tingin si Vlad at nagsalita ng pormal.  "Kilala ko ang istilo ng damit na yan. Sigurado akong isa iyan sa mga design ni Lady Cee,tama?" Aniya sa kalamadong tono.  "Isa sa mga kilalang fashion designer sa buong Southland si Lady Cee." Dagdag niya pa. "—At syempre, para sa konting kaalaman para sa'yo, si Lady Cee…ay kaibigan ko…" Sabi niya dito sabay ngisi ng malapad. Habang pinagmamasdan ang babae na ngayon ay bakas ang pagkalito. 



"Impossible! How can you be friends with Lady Cee?" Asik niyong parang bata na nagmamaktol. "Wag ka ngang mag-ambisyon na kakaibiganin ka ng sikat na designer! Masyadong mataas ang pangarap mo!" 

Dahil sikat si Lady Cee, kahit ang isang tulad ni Jasmine mula sa kilalang pamilya ng Montero ay ‘di magawang makalapit sa pamosong fashion designer na tulad ni Lady Cee. 



Pagak na natawa si Vladimyr dahil sa tinuran ng babae. 



"Sigurado ka?" Kalmadong tanong ni Vlad. "Masyado kang...bumabase...sa panlabas na nakikita mo, Miss..." Dagdag niya pa saka napailing. "Nakakaawa yang asal mo...hmm?" 

Humagod muli ang tingin ni Vlad sa suot na dress ng babae. 

Kung di siya nagkakamali ang halaga ng bawat dress na design ni Cee ay 190 thousand to 200 thousand. 



At itong suot ng babaeng to, ung di siya nagkakamali. Naglalaro sa presyong, 93-120 thousand ang isa. 



"Aaminin kong maganda at perpekto ang pagkakasukat ng dress na yan sa katawan mo. Lalong tumingkad ang maganda mong mukha at kurba ng katawan." Kaswal niyang puna. 

"Of course! This dress is expensive! Too much that you trash can't afford!" 

Sarkastikong natawa si Vladimyr sa tinuran ni Jasmine. Hindi siya makapaniwala sa asal nito, sa kabila ng mukha naman itong may pinag-aralan. 

The Crazy, Rich Madame Where stories live. Discover now