chapter 39

110 16 15
                                    

Warning: mature content, strictly for 21 years old. Read at your own risk.








KAAGAD kumilos si Lucien nang dumapo ang tingin kay Vladimyr. Ang katawan nito ay halos nakalantad. Bahagyang umawang ang labi ni Lucien at ang mga mata niyang humagod sa balingkinitang katawan ni Vladimyr. Pakiramdam niya nanunuyo ang lalamunan niya dahil sa makapigil hiningang kurba ng katawan ni Vladimyr kahit nakatikod.

Ngunit ang nagpabalik sa kaniya sa reyalidad, ay ang braso ni Vladimyr na puno ng dugo at umaagos hanggang sa dulo ng kaniyang daliri.

"Vladimyr! W-what happen to you?!" Nag-aalalang usisa ni Lucien saka bumaling kay Don Sevilla.

"Anong gunagawa mo dito, Mr. Ezquillon? Sinusundan mo ba ako?"

"Of course!"

"Tsk! Mali 'tong ginawa mo, Mr. Ezquillon! Hindi mo ako dapat sinundan—"

"You have no right to tell me what to do. Lalo na at nasa ganitong sitwasyon ka. You need me—"

"—i don't need anyone, Mr. Ezquillon. I can handle it myself."

"Yourself? Look at you? You're bleeding—"

"Sino bang hindi magbi-bleeding kapag tinamaan ka ng bala? Anong tingin mo sa'kin, robot?"

"—vladimyr!"

Nauubusan ng pasensya na saway ni Lucien. Walang silbi ang pakikipag-usap kay Vladimyr. Matigas ang ulo nito at hindi siya mananalo 

"Who are you?!" The old man, Don Sevilla questioned. Eyeing Lucien dangerously as the gun still aimed towards Vladimyr. Lucien quickly pulled Vladimyr behind him protecting the latter.

"Drop your gun Mr!"

"Dare you! I will kill you both!" Singhal ni Don Sevilla.

Itinutok ng Don ang baril kay Lucien. Gumalaw ang daliri nito upang kalabitin ang gatilyo ngunit kaagad kumilos si Lucien. Mabilis niyang naagaw ang baril sa kamay ng Don. Kinalas ang baril sa isang iglap, naglaglagan ang lahat ng bahagi ng baril sa sahig.

Napanganga ang Don sa ginawa ni Lucien. Hindi ito makapaniwalang napakabilis nitong nakuha ang baril sa kamay niya at nakalas ng ganoon kabilis.

"I-ikaw!" Nanginginig ang tinig ng Don na singhal.

"Huwag mong itutok ang baril kung hindi mo agad kakalibitin ang gatilyo..."

Hinubad ni Lucien ang suot niyang jacket at mabilis pa sa isang minuto niyang naitakip iyon sa nakalantad na katawan ni Vladimyr; na ngayon ay walang paglagyan ang pagkamangha at gulat sa mga mata nito.

"Can you walk?"

"Kaya kong maglakad."

Hindi makapaniwala si Lucien pagpasok niya ng silid na iyon nang pwersahan nilang buksan ang nakakandadong pinto matapos makarinig ng sunod-sunod na putok ng baril mula sa loob.

Halos malaglag ang puso niya at agad sumikdo ang nag-aalab na galit niya pagakakita niya sa babae. Walang ibang suot kundi ang munting panloob nitong halos wala nang tinakpan. 

The Crazy, Rich Madame Where stories live. Discover now