Ang maaliwalas kapaligiran sa airport at mangilan-ngilang travellers, iyon agad ang napansin ng lalaking naka designer suit mula sa kilalang fashion designer, pagbungad niya ng arrivals area.
Ang kanyang malapad at maayos na kabuuan ay nagpapahiwatig ng kanyang dignidad at matigas na personalidad. Nakakaakit sa atensyon ng bawat babae upang ilingon ang kanilang mga ulo at makita ang diyos na parang napakarilag na lalaking naglalakad sa lobby ng airport. Sa tabi niya ay ang kanyang Kanang kamay at ang katuwang na si Mr. Jasper ay sumunod sa lalaki.
Siya si Lucien Esquillon. Isang 32 taong gulang na bachelor, isang self built Billionaire, ang may-ari ng EZ Cuisine na kumalat ilang bahagi Spain. Ito ay naghahain ng iba't ibang uri ng Asian Delicacies, at isang Ex. Military captain; sa loob ng ilang taon sa serbisyo.
"Sir, didiretso na ba tayo sa Mansion mo?" Tanong ni Jasper, ang kanyang assistant. Pagpasok ni Lucien sa itim na Maybach, Naglalabas siya ng malamig at madilim na aura na parang demonyong bumangon mula sa impiyerno. Pinananatili ng lalaki ang mga kalmadong katangian habang siya ay tahimik na nakaupo sa backseat habang matiyagang naghihintay na parang isang kataas-taasang nilalang na umaasa ng mapayapang katahimikan mula sa karamihan.
"Oo." Tipid nitong sagot na may malamig at pagod na tono. Napansin din ni Jasper ang pag-tuon ni Mr. Ezquillone ng kanyang atensyon sa labas ng kotse habang malalim na nag-iisip. Sa layo ng tingin nito na parang tumatagos sa lahat ng bagay sa paligid, parang nahuhulaan na niya kung sino ang nasa isip nito.
'Ang kapatid niyang si late Sir Luvien na pumanaw sampung na taon na ang nakalipas.'
Napabuntong hininga si Jasper bago binuhay ang makina ng kotse saka pina-andar.
Hindi nasaksihan ni jasper ang samahan ng Young Master niya sa kakambal nito. Pero base sa mga kwento nito sa kaniya, mukhang maganda ang samahan nilang magkapatid.
Ayon sa dito, napakabait ni Young Master Luvien at napaka-mapagbigay. Wala siyang hiniling na hindi nito ibinigay sa kaniya dahil mahal na mahal siya ni late Master Luvien. Kaya naman ganun na lang ang pagdadalamhati ng Young Master Lucien nang pumanaw ang late Master Luvien na hindi man lang sila nagkaka-usap ng personal.
Sinimulan ni Jasper ang kanyang makinis na pagmamaneho habang patungo sila sa Mansion ng kanyang amo, ilang Kilometro ang layo mula sa ingay at magulo na City of Southland. May sariwang hangin na may halong damo at mabangong amoy ng mga bulaklak mula sa kapatagan, Malapit sa mansion.
"WELCOME home, master Lucien!" kaagad na bati ng mga maid sabay yuko,na pinangunahan ni Mrs. Vito. Ang mayordoma ng Mansion ni Lucien, Kasama ang anim pang maids at cook nang pumasok siya sa loob ng bahay. Bakas sa kilos ni Lucien ang pagod at lungkot na agad napansin ng Mayordoma pero nanatili na lang itong tahimik ukol doon.
"Thank you, Mama Rose" Magalang na din na bati ni Lucien sa mga ito at binigyan sila ng tipid na ngiti.
Si Mama Rose ang nag-alaga kay Lucien noong mga bata pa sila ng kapatid niyang si Luvien. Dahil busy sa negosyo ang mga magulang nila, halos wala nang oras ang mga ito sa kanilang magkapatid at naiwan lamang sa kanila ang mga maids. Mabuting tao si Mama Rose kaya. Kahit paano, natutong maging humble si Lucien kahit na anak siya ng isa sa mga kinikilalang bilyonaryo sa bansa.
"Nakahanda na po ang pagkain, alam kong nagutom ka sa biyahe." Wika ni Mama Rose na may matamis na ngiti sa labi.
"Niluto ko ang paborito mong kare-kareng baka at biko na may latik" excited na sinamahan ng ginang ang amo na noon ay di maitago ang kislap ng galak sa mga mata.
"I miss your cooking Mama Rose, but let me have a quick shower first, I'm salivating now, I can't wait to eat." He said with a smile then immediately rushed to the second floor, to his room.
Natawa si Mama Rose sa sinabi ni Lucien pero di na niya ito inawat. Sinensyasan na lang niya na mag handa ng pagkain ang mga katulong nila sa hapag bago bumalik ang Young Master nila para kumain.
Sa loob ng banyo.
"Kuya....M-nagmamakaawa ako.....Please I'm begging you....Hanapin mo siya!"
Muling nanariwa sa kanyang alaala ang boses ng kanyang kapatid mula sa kabilang linya. Ang sakit ng mga posibleng negatibong resulta ay bumalik sa kanyang paningin habang nakikinig siya sa mga kahilingan ng kanyang kapatid bago siya namatay.
Hindi mapigilan ni Lucien ang magtagis ang mga ngipin dahil sa galit matapos mag-flash back sa ala-ala niya ang tagpong iyon na nag mamaka awa ang kapatid niya na hanapin ang girlfriend nito kahit nasa bingit na ng kamatayan.
Mula sa kabilang linya ng cellphone, nagmamakaawa ang kapatid niyang hanapin ang babae. That was the time that his brother is on his way of heart surgery. His parents told him that his twin brother is too weak to survive the risky surgery. That there's a possibility that his brother can't survive.
Kaya naman natatakot siya sa kalalabasan ng surgery nito. At hanggang sa malagutan ito ng hininga, iyon pa rin ang bukambibig ng kapatid niya. Ang hanapin ang girlfriend nito.
'l will make her pay for what she caused my brother!'
Gigil niyang sambit sa sarili dahil sa sobrang galit na lumulukob sa pagkatao niya pagkatapos niyang maalala ulit ang tagpong iyon.
'kung hindi dahil sa kataksilan niya, hindi masasaktan at hindi aatakihin si Luvien sa puso para kailanganin siyang magpa heart surgery!'
Kumuyom ng mahigpit ang kamao ni Lucien dahil sa sobrang paghihimagsik sa galit ng puso niya para sa Ex. Girlfriend ng kapatid niya.
'buhay pa sana ang kapatid ko hanggang ngayon kung hindi dahil sayo! You filthy b*tch! I will make you pay for it! I promise to make you pay for it!' nagtatagis ang bagang niyang sigaw habang nakatitig sa sariling repleksyon sa salamin.
Di napigilan ni Lucien ang pag-agos ng mga luha niya mula sa mga mata dulot ng kalungkutan at panghihinayang na nararamdaman.
Miss na miss na niya si Luvien. Noong mga panahon na wala siyang kaibigan o kakampi at pakiramdam niya walang nagmamalasakit sa kaniya, laging nandyan si Luvien para damayan siya sa lahat ng lungkot at saya. Si Luvien ang nagturo sa kaniya ng mga bagay-bagay na di niya nakikita at nalalaman, dahil di siya pinapayagan lumabas at makapag aral.
Luvien even sacrifice his own identity to let him out and see the world outside the concrete walls of their mansion. Nakikipag-palit din si Luvien ng pwesto para makapag-aral siya hanggang sa payagan siya ng magulang niya pero sa ibang bansa. Kung saan walang nakakakilala sa kaniya. But they didn't gave him any financial assistance for his studies.
He work to survive and also Luvien helps him pay for his tuition. Kaya halos di sila nagka sama magkapatid o sabay na lumaki. Gayunpaman, di siya pinabayaan ng kakambal niya. Noong birthday nilang dalawa; sila muling nagkita at pagkatapos ng huli nilang pag-uusap sa phone, nalaman na lang niyang wala na ang kakambal niya.
Wala na ang kaisa-isa niyang kakampi.
At iyon ay dahil sa walang pusong babae na yon!
Ang Ex- girlfriend ni Luvien!
Pinilit ni Lucien na iwaksi nalang muna ang pagluluksa at maging malakas. Kaya siya bumalik sa bansa, ay para hanapin ang ex-girlfriend ni Luvien at gantihan ito.
YOU ARE READING
The Crazy, Rich Madame
ActionAfter being betrayed and abandoned by those she loved and trusted, Vladimyr transformed into an unstoppable force. With her newfound bottomless wealth, she became incredibly rich and powerful, evolving into a formidable adversary no one would dare t...