chapter 25

126 20 23
                                    

Mataman na pinagmasdan ni Vladimyr habang pinakikiramdaman ang lalaking lumabas mula sa bahay ni Leona. Guwapo din ito at malakas ang dating.

Pero mas guwapo si Luvien. Mas maganda ang ilong, mas perpekyo ang hubog ng labi at mas nakaka akit ang kislap ng mga mata. Kesa sa lalaking 'to na umaapaw ang kayabangan sa hitsura.

Wala sa sarili niyang naikumpara ang dalawa.

Fuck! Bat ko ba pinagko-compare ang dalawang to? Wala naman akong pakialam sa lalaking yon!

Lihim na napa-irap si Vladimyr sa hangin.

Matalim at nanunuri ang mga mata nitong sinalubong ang tingin ni Vladimyr. Ilang segundo ay nagtagisan sila. Pero ang lalaki din ang unang nag-iwas.

Ang mas nakakagulat doon ay biglang yumakap ang kapatid ni Leona sa lalaki na parang asawa niya ito.

"Victor!" dinig ni Vlad na usal ni Leona. Pero 'di ito tinapunan ng tingin ng lalaki.

Nilingon ni Vladimyr si Leona na noon ay nangingilid ang luha.

"I'm Vladimyr, Mr.?"

"Siya si Victor Devera. A-asawa ko."

Halos pa bulong na sabi ni Leona ang huling mga salita. Pero 'di iyon nakatakas sa pandinig ni Vlad.

'Di niya naiwasang mapailing sa pagkadismaya. Andito siya para mag-obserba, hindi niya akalain na mas malala pa makikita niya.

"Asawa mo?"

Tumango si Leona.

"Wow. Mukhang mas close pa ang kapatid mo sa asawa mo kesa sa'yo?" paklang natawa si Vladimyr sa dalawa. Bigla naman kumalas ang babae sa braso ng asawa ni Leona saka inis na inis na umiwas ng tingin.

"So, paano Leona? I have to go now, frenny" aniya kay Leona sabay hagod muli ng nakakaawang tingin sa kapatid at asawa niya sabay ngisi ng nakakaloko.

"Mag-iingat ka Leona."aniya rito. Tumango naman ito.

"Balita ko, ang mga ahas ngayon 'di lang sa gubat nakatira" she chuckled in a mocking manner. Tiningnan niya muli ang kapatid ni Leona mula ulo hanggang paa. "Madalas ang mga ahas ngayon,nasa paligis lang. Nakakasama mo na nakaka-usap mo pa."

"Y-you!!" Asik ng babae sabay duro kay Vladimyr.

"Oops! tinamaan ka ba?" Tinawanan niya ito.

"Paki-alis yang daliri mo sa mukha ko, baka magulat ka,putol na yan." ngisi ni Vlad pero seryoso ang banta niyong umaapaw mula sa kanya.

"If anything happens, my dear friend, don't hesitate to call me." mahigpit niyang bilin sa bagong kaibigan. Marahan itong tumango bilang sagot.

Paatras na lumayo si Vladimyr sa mga ito. Kumaway muna siya kay Leona bago tumalikod.

Pagsakay niya ng Lamborghini agad niyang kinontak si Lisa.

"Madame?"

"Lisa, kamusta na si Aurelius?"

"He's still on the island Madame' he's taking care of the Sunflower Resort."

"Did he leave for atleast a day?"

"Not a chance, Madame. He's hands on for maintaining Your resort."

Napatango si Vladimyr sabay lingon sa lalaking nasa gate pa rin.

"How's the investigation about him, is there any progress?"

"Madame our agent found out that Mr. Aurelius is once a reigning business tycoon in the apparel and jewelry industry after gaining the business from his parents who passed 4 years ago before you found him on the shore. And his real name is Victor Devera. 31 years old, married to Ms. Leona Anilla, has a son, live in Sky Oasis Residences, one of the luxurous real estate in town."

The Crazy, Rich Madame Where stories live. Discover now