chapter 59

35 9 0
                                    


Nanlalambot na sumakay si Lucien sa kotse niya at hinayaan na patakbuhin iyon ni Jasper. Ramdam niya ang bawat pagsulyap ni Jasper habang nagda drive pero hindi niya iyaon pinansin.

Hindi lingid sa kaalalaman ni Lucien na nararamdaman ni Jasper ang hindi magandang pagbabago ng mood niya pero nanatili itong tahimik na nag drive hanggang sa makarating sa mansyon.

Pagdating ni Lucien sa mansyon ay agad siyang dumeretso sa kwarto niya kahit na binati siya ng mga bagong katulong, dahil pinaalis na niya ang mga dati. Lalo na si Mama Rose, dahil pakiramdam niya tinraydor siya nito ng mahabang panahon. Kung hindi niya pa nakilala si Vladimyr, hindi niya pa malalaman ang mga bagay na hindi niya alam. At hindi magbabago ang isip niya na gantihan ito.

Pabagsak na nahiga si Lucien sa kama at nakatulalang nakatitig lang sa kisame.

Damang-dama pa rin niya ang kirot sa puso niya dahil sa nalaman. Pero nakokonsensya siya na pinagsalitaan niya ito ng hindi maganda.

'dapat kasi nagtanong ka muna, hindi yung bigla ka na lang nagalit!'
Panenermon ng konsensya niya.

Galit siyang napamura ng ilang ulit at naikuyom ng mariin ang kamao.

"Niloko niya ako, kitang-kita ko at dinig na dinig ko! Hindi ko na kailangan pang makarinig ng bagong kasinungalingan mula sa babaeng 'yon! Hindi!"

Gigil niyang sambit kasabay ang pag agos ng mga luha niya sa pisngi.

"Ang kapal ng mukha niya para paikutin ako sa palad niya at gawing tanga?" Sabi niya pa na para bang may kausap.

"Ang lakas ng loob niyang sabihin na wala siyang ginagawang masama kahit kitang-kita ko na ang ebidensya? Anong klase siyang babae? Daig niya pang bayaran sa ginagawa niya!"

"Pinagtanggol ko pa naman siya mula sa babaeng nanghiya sa kaniya sa mall, yun pala totoong may affair sila ng lalaking yon!"

"Friendly hug? Bullshit!" He cursed simultaneously.

Tumayo si Lucie mula sa kaniyang kama at dumeretso sa mini bar, sa living room. Kinuha niya ang isang bote ng scotch. Binuksan iyon at walang pag-aalinlangan na tinungga habang nagtatagis ang bagang sa galot at nanlilisik ang mga mata. Na nakatingin sa kadiliman ng buong palapag. Dumeretso siya sa mahabang sofa at pabagsak na naupo doon habang nilulunod ang sarili sa alak.

His tears began to fall as he remembers their moments together. Vladimyr isn't showing affection but makes him feel how she loves him.

She's not cold, but she never fails to shaken his days because of her love.

She is beautiful inside and of course, outside.

Nothing can compare to her unique personality.

"Yeah. Nothing can compare how wicked she is." He shook his head in disappointment. "Pinaikot niya lang ako...damn! At ako naman tanga, sunod lang ng sunod!" He said and chugs from the bottle of scotch.

Ilang ulit na napaubo si Lucien nang masamid siya dahil sa init mg alak na gumuguhit mula sa lalamunan niya pababa sa sikmura sa tiyan. Laagad niya pang sinundan iyon ng ilang pagtungga sa bote kahit nararamdaman na niya ang pamamanhid ng kaniyang katawan at unti-unting pagkahilo.

Hinihila na rin ng antok ang mga mata niya kaya humiga siya sa mahabang sofa.

Dahil sa tama ng alak, nakikita ni Lucien ang imahe ng magandangukha ni Vladimyr na may tusong ngiti habang tinititigan siya na parang isamg katawatawa sa harap niya.

Lucien blinked his drowsy eyes trying to keep his consciousness awake, battling with the effect of alcohol. Until he couldn't handle the intense sleepiness, as his heart still aches by the truth he
just learned.

Lucien was mad and hurt by that truth.

The the fact that he can't do anything to ease those pain is making it more worst.

All he sees is that cunny woman who crushed his heart and pride.

But deep down his heart, he is longing for her presence, touch, kiss and love. All of her. He is longing for her insanely.

Nagtatalo ang puso at isip niya kung ano ba ang dapat niyang naging reaksyon kanina.

May bahagi ng isip niya na inuusig siya dahil hindi siya muna nagtanong bago nagalit. At basta nalang inakusahan si Vladimyr ng kung ano, ayon lang sa kaniyang nakita.

Gayundin ang puso iyang lumuluha dahil sa naging asta niya doon. Ngayon, lahat ng sakit nararamdaman niya sa mga oras na ito, walang ibang dapat sisishin kundi siya lang.

"how stupid, idiot of you Lucien!"

His inner self mocked at him angrily.

"Pwede ba! Lubayan niyo muna ako!" Naiinis niyang usal na para bang may kausap. Habang nakasalampak sa mahabang sofa at umiikot ang oaningin dulot ng sobrang kalasingan.

Hanggang sa mga oras na ito, ang malungkot na mgaagat ni Vladimyr ang kaniyang nakikita. Aaminin niyang nahuli niya ang kislap ng lungkot at sakit sa mga mata nito kanina lang. At halos hindi mapapansin ng iba.

Nakokonsensya siya dahil sa mga salitang binitawan at nasaktan ang babaeng mahal na mahal niya.

Pero nagpatalo siya sa bugso ng galit matapos niyang marinig at makita ang lalaking naka 'friendly hug ni Vladimyr.'

Tapos malalaman niyang ama ito ng isa sa mga anak nito? At yung ibang naroon, sino sa sa dalawa pang batang lalaki ang anak ng mga iyon?

"Masisisi mo ba ako ha? Masisisi mo ba akong magalit sa'yo? Hindi mo manlang sinabi na iba-iba ang tatay ng mga anak mo! Tapos may lakas ng loob kang humarap sa akin na parang balewala lang ang mga iyon sa'yo?" Lasing na lasing niyang sambit habang namumungay ang mga mata na nakatingin sa kisame. Hawak ang isang bote ng alak at halos hindi na makagalaw sa sobrang kalasingan.

"Ikaw ang may kasalanan, nito Vladimyr! Tama lang ang nakita ko na isa kang kaladkaring babae!" Galit niyang usal hanggang sa hilahin na siya ng antok.

The Crazy, Rich Madame Where stories live. Discover now