Chapter 16

135 29 34
                                    

Hindi porket mabait ka ibig sabihin okay lang sa'yo na tapak tapakan ka.

‘Di ibig sabihin lahat ng foul na bagay palalampasin mo.

‘Di ibig sabihin, ignorante ka at hahayaan mo lang sila na magpatuloy na saktan ka.

There's always limitations to everything. 

Hindi bottomless ang pasensya. 

- Vladimyr





"ANG SABI ko naman sa'yo Sir Lucien kaya ko na magpunta dito mag-isa." nahihiyang sabi ni Mama Rose pagkalabas nila ni Luvien ng ospital. Maingat itong nakahawak sa braso ni Lucien habang inaalalayan na lumakad upang maiwasan na matalisod. 

Tirik na tirik na ang sikat ng araw. May konting hapdi na rin ito sa balat kung ilang minuto kang mabibilad. Ngunit maganda at magaan pa rin ang dulot nito sa pakiramdam kung hindi naman masyadong magtatagal sa init ng araw. Tamang-tama lang ang temperatura nito para sa sensitibong balat ng isang may edad tulad ni Mama Rose. Ang mayordoma ng mansion ni Lucien.

Si Mama Rose, dahil may edad na nga ay marami na itong nararamdaman sa katawan. 

Mga natural na sakit dala ng edad. High Blood pressure, cholesterol, mataas na blood sugar at mga ang panlalabo ng kanyang mata. 

Matamis na napangiti si Lucien. Gusto niyang alagaan si Mama Rose tulad ng pag-aalaga nito sa kanila noong mga bata pa sila ni Luvien. Dahil para na itong ina at lola sa kaniya.

Siya ang nag-aalaga sa kanilang dalawa, noong nabubuhay pa ang kanyang kapatid.

Marahan niyang hinaplos ang likod ng matandang ginang habang inihatid pa ito sa kanilang sasakyan.

"Ayos lang po Mama Rose, mahal na mahal kita, dahil inalagaan mo naman kami noon pa." Matamis niyang sagot na umani ng nakakabigay-puri na ngiti mula sa matandang babae.

Masaya silang naglalakad na magkasama patungo sa sasakyan. Para silang sweet na mag ina na naglalakad palabas ng hospital.
Masaya si Lucien na alagaan ang matandang mayordoma na parang isang ina. Para sa kanya, isa ito sa mga fulfillment na ginagawa niya as a person. Bagay na di niya magawa para sa parents niya na walang ibang inaatupag kundi ang mga negosyo nila sa iba't ibang bansa. 

As they almost reached the car and Lucien stretched his hand to open the car door, a deafening siren of a speeding ambulance interrupted their ears. With all the people's attention captured by a rushing emergency mobile. 

Naghuhumiyaw ang sirena ng ambulansya na humahawi sa lahat ng mga sasakyang nakaharang sa daraanan nito, gayundin ang mga tao ay napatakbo sa pagmamadaling umiwas. 

Natigilan na lang at napa atras sina Lucien habang hawak si Mama Rose, na noon ay bahagyang nabahala. Gayundin ang ibang mga naroroon. 

Mula sa emergency entrance ng hospital, humahangos ang ilang stretcher na ibinaba mula sa ambulansya. 

"Mama Rose sumakay kana." Magalang niyang utos dito. Napansin niya kasi ang pagka bahala sa itsura nito. Ayaw naman niyang mag cause ito ng takot sa matanda at baka atakihin ng highblood. Inalalayan niya pa itong makapasok sa kotse saka isinara ang pinto. 

Ano kaya ang nangyari?" Nag-angat ng tingin si Mama Rose kay Lucien na para bang nagtatanong. 

Saglit na sinulyapan ni Lucien ang matanda.

‘Di niya rin masabi. Isa pa, di naman siya interesado na malaman. 

"I don't know," he is uninterestedly said. "go ahead Mama Rose." 

Sinubukan ni Lucien na wag nang intindihin ang mga nangyayari sa paligid, pero nanlaki ang mga mata niya nang makita ang babaeng nakahiga sa unang stretcher na ibinaba. 

The Crazy, Rich Madame Where stories live. Discover now