"MA'AM tapos na po."Nagmulat ng mata si Vladimyr matapos marinig ang magalang na sabi ng dalawang nail tech. Attendant na nag ayos ng kuko niya.
Inangat ni Vladimyr ang mga kamay at sinipat ang kuko na para bang may kung ano siyang nais masigurong talagang pulido ang pagkakagawa, at napangiti naman siya dahil napaka pulido nito.
Pati na ang paglalagay ng nail extension na may light shade of tan color at sa dulo ay may maliliit na swarovski stones na nagmistulang diamond sa dulo ng mga kuko niya.
Sa gitna naman nito ay paint ng flower arts at may munting mga white diamond like stones pero alam naman niyang palamuti lang iyon pero natuwa pa rin siya. Ganun din ang design at color ng nasa paa niya pero di niya pinalagyan ng stones dahil lagi siyang naka sapatos.
"Thank you guys." Vladimyr said with a wide smile at the two woman who is smiling gleefully at her.
Dahil tuyo na ang mga polish sa kuko ni Vladimyr at ramdam na niya ang pagblower sa buhok niya. Dumukot si Vladimyr ng pera sa wallet at ibinigay agad iyon sa dalawang attendant.
"Ate ito oh para sa inyong dalawa." Sabay abot ng pera sa dalawa na agad ikinabilog ng mga mata nito at nakatulala sa kaniya.
It was 10 thousands bill. Na basta nalang dinukot ni Vladimyr sa kaniyang wallet na di na binibilang at basta nalang inabot sa dalawa.
Halos pambayad na sa isang buong service sa kaniya.
"M-madame! Ang laki po nito!" Hindi makapaniwalang sambit ng may katabaang babae na mahaba din ang buhok pero bakas ang pamumutla at pagod sa itsura. Halata sa mga mata nito ang hinaharap na problema.
Umiling si Vladimyr at nakangiting sinabi. "Nah, it's okay ate since maganda naman ang gawa niyo sa kuko ko."
She show them her lovely nails. Sparkling with white tiny gems on it's tips. "Super fabulous 'di ba? I really love it!" She said wearing a cheeky grin while staring at her pretty shade and designed nails.
"P-pero-"
"-nako ate Tabs tanggapin mo na 'yan at baka nagbago pa isip nitong si Madam V! Jusko blessing yan di dapat tinatanggihan." Salo ng baklang hair stylist na umaayos sa buhok ni Vladimyr kaya natawa naman siya.
"She's right, ate. Take it. Hati na lang kayo ha?"
"O "di ba, tinawag niya akong 'she'?" The gay giggles.
"Thank you ma'am thank you! Malaking tulong ito sa pamilya ko." Mangiyak ngiyak na sabi ng babae na umaliwalas ang mukha.
"It's okay ate. You're welcome, mukhang may naka line up na susunod na ia-assist niyo." Awat ni Vladimyr sabay tutok sa babaeng pumasok pero natigilan din siya kaagad at napapailing na nakangisi pero di na niya pinansin at mukhang di din siya nito nakita. Dahil kung nakita siya nito, baka mag eskandalo na naman ito. Nakakahiya.
Ang liit talaga ng S City para magkita ulit sila dito.
"Alam mo Madam, yan si ate Tabs naku ang daming problema niyan...paano ba naman kase yung mga anak niyan jusko walang mga pasaway." Panimulang pagkukwento ng bakla habang maingat na pinaplantsa ang buhok niya.
"Talaga? Hayst baka kase hirap lang talaga makahanap?" Simpatya naman niya.
"Anong hirap jusko Madam! Ewan nalang ah." Sabi pa nito habang kumakampay ang kamay sa bawat kwento.
Natatawang inabot ni Vladimyr ang magazine sa ilalim ng maliit na mesa sa gilid at binuklat iyon.
"So, anong nangyari Baks?" Tanong niya habang naka tingin sa mga magazine. Gusto niyang malibang habang naghihintay matapos ang ginagawa ng bakla sa buhok niya.
YOU ARE READING
The Crazy, Rich Madame
ActionAfter being betrayed and abandoned by those she loved and trusted, Vladimyr transformed into an unstoppable force. With her newfound bottomless wealth, she became incredibly rich and powerful, evolving into a formidable adversary no one would dare t...