Chapter 32

119 22 37
                                    

AGAW liwanag at dilim na nang makita ni Lucien ang paglabas ng sasakyan ni Vladimyr sa malaking gate ng Village, nang hapong iyon. Hawak ang cellphone nito, tila may seryosong kinakausap base sa realsyon ng mukha nito. Habang ang isang kamay ay nasa manibela.

Mula sa puwesto niya ay mas lalo niyang natitigan nang mabuti ang magandang mukha nito na nag-uumapaw sa lakas ng dating.

Ang kanyang kabuuang hitsura ay nakabibighani at ma-otoridad. Ang kislap ng kanyang mga mata ay nagpapakita ng kanyang panloob na lambing.

Pakiramdam ni Lucien, sa mga oras na iyon ay nahuhulog na naman ang puso niya sa bangin ng nakababaliw na kamandag ng kagandahan ni Vladimyr. Habang tumatagal na tinitingnan niya ang ex ng kapatid niya mula sa malayo, hindi niya na ito maawat.

Ang lakas ng tibok ng puso niya sa loob ng kaniyang dibdib ay  para bang gustong tumalon mula sa kinalalagyan nito.

Pero agad rin sinaway ni Lucien ang sarili. He can't let himself fell under that woman's dangerous charm.

Really? Panunudyo ng kaniyang kunsensya.

Malakas na umiling si Lucien para tanggalin ang mga bagay na iyon sa kanyang isipan. Ngunit sa isang maikling segundo, mahigit isang kilometro na ang pagitan ng sasakyan ni Vladimyr sa kanya. Mabilis niyang pinaandar ang makina sa bilis ng andar ng kotse ni Vladimyr; hanggang sa makalapit siya ng kaunti. Pinagmamasdan siya nito mula sa kanyang sasakyan.

Nakita niya kung paano pagsusuntukin ni Vladimyr ang manibela at galit na umiling na para bang may gusto itong iwaksi.

He felt the urge to stop her car; console her from whatever is bothering her or making her upset that very moment. Pero masyadong mabilis mag-drive si Vladimyr.

All he can do is keep close to her car and observe her to avoid whatever she try to do again. And find something unusual deeds from her.

This woman is kind of impulsive. Hindi nag-iisip. Basta may naisipan gawin, gagawin. Kahit na pwedeng makasama sa kaniya!

Naalala niya ang nangyari sa isang Hacienda, a month ago. Kung ‘di pa ito nawalan ng malay ’di niya pa malalaman na nanganganib na pala ang buhay nito at halos ikamatay dahil sa dugong nauubos.

Naikuyom ni Lucien ang kamao sa manibela dahil sa ala-alang iyon. Nagbalik ang di-maipaliwanag na pag-aalala niya para dito. Habang nakamasid kay Vladimyr na noon ay parang pinupunasan ang mga mata.

Is she crying? He became worried.

He immediately sped more to get a little more closer to her but suddenly, the car turn to a narrow, one way street. At pinabilis pa lalo ang pagpapatakbo. Halos paliparin na ang sasakyan.

Did she sense that I'm tailing her? He gets alarmed and hissed.

Wala siyang mai-sagot sa sariling mga tanong. Paglabas nila ng may kahabaang eskinita. Tumambad sa kaniya ang mahabang kalye na pang dalawahang truck lang ang sukat, tatlo kung private vehicle tulad ng sa kanila ni Vladimyr.

Napalingon siya sa magandang landscape ng paligid. Maraming puno at matataas ang mga talahib. Pero ang pinaka naka-agaw ng pansin niya ay ang fence sa gilid kung saan ilang hakbang lang ang pagitan sa bangin.

It was a fantastic, phenomenal and breathtaking view of the sunset that shading the sky with red and orange while above them was a fading purple on the thick clouds.

Masyadong namangha si Lucien sa magandang view mg kalikasan, hindi niya napansin ang mabilis na pag-atras ng sasakyan ni Vladimyr.

Watch out! He panicked.

The Crazy, Rich Madame Where stories live. Discover now