Hindi alam ni Vlad kung darating si Ethan agad. Pero nasisiguro niyang darating ito. Kilala niya ang ugali ni Ethan. Pagdating sa mga importanteng bagay, hindi ito nagdadalawang isip kumilos sa abot ng kaniyang makakaya.
Sinipat ni Vladimyr ang isa pang baril na hawak. May ilan pa itong natitirang bala. Sapat pa para protektahan ang sarili at kasama niya ng sandaling panahon.
Muling ibinalik ni Vladimyr ang magazine ng baril at ikinasa habang alerto na nakamasid ang kaniyang mga mata sa paligid.
Ayaw niyang maupo nalang doon at maghintay sa wala.
Habang tumatakbo ang bawat minuto, lalong nanganganib ang buhay ni Lisa kaya kailangan niyang maka alis sa lugar na ito agad.
Hinubad ni Vladimyr ang kanyang suit saka pinasuot kay Lisa, dinampot niya ang isa sa mga baril at walang pag-aalinlangan lumabas mula sa pinagtataguan nilang tatlo.
"Malia, move!"
Malakas na utos ni Vladimyr kay Malia habang nakatutok ang dalawang baril sa harapan. Agad inakay ni Malia si Lisa na noon ay parang ng kandilang nauupos. Namumuti na rin ang labi nito at halos di na maka galaw.
As Vladimyr trying to protect her ladies, nakita niya kaagad ang biglang paglitaw ng ilang kalaban mula sa kabilang dulo ng pasilyo.
Sunod-sunod na putok ng baril ang umalingawngaw sa buong paligid, dahilan para maka-agaw ng atensyon ng iba pang natitirang kalaban. Kaagad na inalalayan ni Vladimyr si Malia papunta sa hagdan pero biglang sumulpot sa paanan nito ang ilang lalaki at agad silang tinutukan ng baril.
Mabilis na kinalabit ni Vladimyr ang gatilyo ng isang baril na hawak niya. Ngunit wala nang balang lumabas doon kaya wala siyang nagawa kundi ang paatrasin sina Malia habang siya naman ay sinalubong ang mga kalaban.
Vladimyr strode towards the number of men coming, giving an extreme swing of the blade from the tip of her shoe.
Yes, her shoe has a blade attached on it. Enough to cut a flesh. Its one of Noah's gifts for her.
As Vladimyr's blade reached the men coming, few of them yelp in pain after receiving a deep cut from their body. Followed by a thick gush of blood spurting from the wound. While the others stepped back in surprise,Vlad does the swift and unpredictable strikes of her punches aiming the center of the men's chest and the valley of their neck with a brute-fatal blow.
The men instantly fell writhing in pain on the ground, Vlad, then picked the guns and shot their thighs to immobilize them and immediately left.
"Malia!"
Kaagad na humabol si Vladimyr sa dalawa para tulungan ang mga itong maka-alis.
"Lets go!"Utos niya muli. Bahagyang nakahinga ng maluwag si Vladimyr dahil nabawasan na ng marami ang kalaban. Pero batid niyang hindi pa ito tapos. Kaya hindi pa siya pwedeng makampante.
"Doon tayo!" Aya niya habang tinutulungan si Malia na akayin si Lisa.
Kahit mabagal ang kanilang lakad, dahil iniingatan din nina Vladimyr at Malia si Lisa, sinikap nilang makalayo sa mga pinanggagalingan ng mga kalaban.
Handa si Vladimyr na harapin mag-isa ang mga ito tutal sanay siya sa ganito. At alam ni Lisa iyon.
Sa gitna ng pagmamadali nilang tatlo na makalayo, agad na natigilan si Vladimyr matapos makarinig ng matinis na tunog ng bakal na bumagsak sahig at ang tunog ng mabilis na paggulong nito papalapit sa kinatatayuan nila.
Sabay silang napatingin sa matining na tunong ng kung ano ang metal na malapit sa kanila.
"Sh*t!"
Mabilis pa sa segundo ang kilos ni Vladimyr. Dinampot niya ang bagay na iyon at buong pwersang ibinato pabalik sa mga lalaking naghagis nito sa kanila.
YOU ARE READING
The Crazy, Rich Madame
ActionAfter being betrayed and abandoned by those she loved and trusted, Vladimyr transformed into an unstoppable force. With her newfound bottomless wealth, she became incredibly rich and powerful, evolving into a formidable adversary no one would dare t...