Nagtatagis ang mga ngipin ni Lucien habang pinipilit itago ang sakit na nararamdaman sa puso niya. Ayaw niyang ipakita kay Jasper ang bahaging iyon ng pagkatao niya. Ang pagiging malambot.Hindi pa siya muling nakaramdam ng ganito kasakit na sa puso niya. Mula ng mamatay ang kakambal niyang si Luvien, pero ngayon, mas malala pa itong nararamdaman niya. Para bang triple ang sakit nito nang malaman niyang wala na si Luvien.
Ngayon hindi lang puso niya ang nadudurog, kundi pakiramdam niya pati ang tahimik at maayos niyang mundo na binigyang kulay mismo ng pagdating ni Vladimyr ay nawasak sa isang iglap.
At nahuhulog siya pabalik sa kailaliman ng walang buhay niyang mundo.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko Jas. Mababliw na yata ako." Nanlalambot niyang sabi habang hawak ang isang bote ng beer sa isang kamay at nakatanaw sa malayo.
Tahimik lang na nakikinig si Jasper sa amo niyang naglalabas ng bigat ng damdamin.
Doon niya lang talaga napagtanto na talagang nasasaktan ang amo niya sa mga nangyayari sa kanila ni Vladimyr.
"Ganyan talaga sa pag-ibig sir. Hindi mo maiiwasang masaktan. Nasasaktan ka kasi mahal mo si Ma'am Vladimyr, pero, Hindi kaya, hindi lang kayo nagkakaintindihan ni Ma'am?" ani Jasper na tunog suhestyon. Nakakunot noong nilingon ni Lucien si Jasper.
"Opinion ko lang naman ito sir,kasi tingin ko kay maam Vladimyr, hindi siya yung tipo ng taong hindi magsasabi kung hindi mo tatanungin." Kaagad na bawi ni Jasper. Kinabahan kasi ito dahil matalim na tingin ni Lucien.
" That's what I've been thinking, lately. "Sang-ayon niya.
Napaisip din si Lucien sa sinabi ni Jasper. Alam niya sa sarili niya na kahit kailan hindi siya nagtanong kay Vlad ng tungkol sa sarili nito. Ang alam niya lang ay ang mga naririnig niyang sinsabi ng mga anak nito na hindi rin niya sinusubukang bigyan ng pansin.
Isa pa, hindi rin niya kayang alamin pa lalo na at hindi pa siya handang harapin ang mga pamangkin niya atkapag nalaman ng mga ito na hindi talaga siya si Luvien siguradong masasaktan ang mga bata.
Nang marinig niya ang katotohanan noong magtalo si Vlad at si Mama Rose, doon niya lang naintindihan kung bkit ganoon ang nararamdaman niya tuwing magkasama sila ng mga kambal. Ang 'lukso ng dugo'
"Her eldest child which is a twin, is my brother's child." Pag-amin ni Lucien., sabay tungga sa bote ng beer hanggang sa maubos niya ang laman niyo. Para bang may malaking maitutulong iyon para mabawasan ang prustrasyong nararamdaman niya.
"Tanga ako. Nahulog ako sa ex-girl friend ni Luvien. Pero... Damn it! Hindi ko naiwasan! I didn't see it coming! " Protesta niya.
Ramdam niyang nagulat si Jasper sa sinabi niya pero hindi niya nilingon ito. kumuha pa siya ng isang boteng beer, binuksan iyon at saka nilagok.
"Kung ganun pala sir, pamangkin niyo ang kambal?"
Tipid na tumango si Lucien, "Yes, but…" He said. He shift his gaze to the other direction, "I didn't tell them the truth about me. Theybhave ni idea that me and Luvien are different person. " Malungkot niyang sab. "Hindi ko magawang sabihin sa kanila ang totoo, Jasper… na hindi ako si Luvien…" mabigat ang kalooban niyang sabi.
"Naku paktay tayo d'yan sir! Paano kung malaman nila ang tungkol sa inyo, sir?"
"I don't know what to do..." Naguguluhan niyang ani.
"Siguro Sir hangga't maaga sabihin niyo na. Ayusin niyo na ang problema bago pa lumala ang problema sa pagitan niyo ni ma'am Vladimyr. Mas mabuting sa inyo na manggaling ang totoo kesa sa iba."
YOU ARE READING
The Crazy, Rich Madame
ActionAfter being betrayed and abandoned by those she loved and trusted, Vladimyr transformed into an unstoppable force. With her newfound bottomless wealth, she became incredibly rich and powerful, evolving into a formidable adversary no one would dare t...