chapter 64

49 9 1
                                    

VIP bar. Huminto ang kotse ni Noah matapos mai-park ito ng maayos sa parking area ng Bar. Malapad ito at may mga ilaw sa labas. May dalawang Guard sa magkabilang bahagi ng dobleng pinto. Malalaking tao at may malalaking katawan. Unaapaw ang lakas ng dating. Mapanuri ang tingin at may pagka-maangas.

Kaagad siyang pinapasok ng dalawang Guard na magkasabay pang binuksan ang mga pinto para sa kaniya. Bahagya pa itong tumango bilang paggalang at nginitian naman ni Vladimyr ng tipid.

Hindi gaya ng ibang bar, hindi masyadong maingay ang loob nito. Hindi rin crowded at walang masyadong nagwawala sa pagsasayaw. maliban sa kaunting amoy ng alak at halong pabango ng babae at lalaki na humahalo sa hangin, wala nang iba pa.

Tanging malamyos ng na musika ang pumailanlang sa kabuuan ng buong lugar. Mangilan-ngilan na nag-iinuman sa kani-kanilang mga mesa at eleganteng nagkukwentuhan. May manipis na amoy ng tobacco at halo-halong amoy ng mamahaling pabango ang malalanghap sa paligid. Sa gitnang bahagi ay may malaking hawla kung saan may mga babaeng stripper na naka-micro bikini.

Dumeretso muna ng ladies room si Vladimyr nang sumama ang sikmura niya dahil sa nalanghap niyang matapang na amoy ng panlalaking pabango.

ISINARA ni Lucien ang pinto ng VIP room pagkatapos ng meeting niya sa bagong business partner sa EZ Cuisine, ang CEO ng isang poultry and farm na si Ms. Lily Morgan.

Sa tindig nitong nasa five feet at eight inches, hindi rin maikakaila ang kaakit-akit nitong balingkinitang pigura. Malinis na inayos ang itim nitong buhok sa french neat bun. Formal black dress na hapit sa kaniyang katawan na may one side long sleeve. Halos makita na rin ang pinaumbok nitong cleavage dahil sa push up bra habang matamis ang ngiti at pinapupungay mga mata na nakatingin kay Lucien.

"I'm so happy na pagbibigyan mo ang offer namin Mr. Ezquillon.

"Let's celebrate the beginning of our new collaboration." With her nicely formed brows begging and her scarlet lips smirking seductively, Ms. Morgan is definitely attracted to Lucien and making an effort to entice him. She continued, "I would love to treat you in a fancy dinner."

"Sure, let's have a drink. I still have time." Tugon ni Lucien. Walang mababahid na kahit anong excitement sa tono kahit na malinaw naman na inaakit siya ni Ms. Morgan.

He's not stupid enough to not noticed the woman's actions and gestures. Pero gusto niyang maglibang kahit kaunti. Tapos na ang trabaho kaya magre-relax na muna siya.

Pagkatapos nilang magkasundo at magpirmahan ng kontrata. Dumeretso muna siya sa Bar Counter para uminom. Gusto niya munang magpaka manhid sa alak bago umuwi dahil kung hindi, mababaliw na naman siya sa kakaisip kay Vladimyr. Miss na miss na niya ito kaya lang, natatalo siya ng pride.

Paglabas ni Lucien sa bungad ng hallway. Muli niyang narinig si Ms. Morgan na tinawag siya sa malambing na paraan.

"Mr. Ezquillon! A moment please!" awat ng babae. Matamis ang ngiti nito habang palapit kay Lucien. Sa likuran nito ay ang assistant na lalaki at dalawang bodyguard.

"Hmm? Ms. Morgan? Anything you still want yo discuss?-" pakli ni Lucien saka nilingon ang babae.

Nagulat si Lucien sa hindi inaasahang ginawa ng babae. Naramdaman bna lng niya ang mainit na labi nitong mariin na nakadikit sa labi niya.

Ang mga palad nitong humahagod sa ibabaw ng matipuno niyang dibdib. At ang labing ekspertong inaangkin ang labi niya ng walang pag-aalinlangan. Tila wala itong pakialam kung nasa matao silang lugar.

Sa paningin ng iba, para silang magkasintahan na sabik sa isa't isa.

Napakurap si Lucien habang kunot ang noong nakatingin lang kay Ms. Morgan. Sinusubukan niyang pakiramdaman kung may madarama siyang excitement tulad ng kay Vladimyr kapag hinahalikan siya nito ngunit wala. Maliban sa pagkadismaya wala nang iba pa.

The Crazy, Rich Madame Where stories live. Discover now