chapter 26

95 22 15
                                    


Kaagad na nagduda si Vladimyr sa nakita niya. Usually si Noah kahit ilang hakbang pa ang pagitan niya sa pintuan ng kahit anong kuwarto. Lilingon agad ito pero ngayon. Andito na mismo siya sa bukana ng computer room ay ‘di ito lumilingon.

Inihanda ni Vladimyr ang sarili at akmang papasok nang biglang sumulpot ang baril na nakatutok sa kaniya. Kasunod ng dalawa pang lalaking ibinunyag ang mga sarili sa kaniya.

Kaya naman pala...

Inip siyang napalatak. Umigkas ang paa ni Vladimyr pataas sa mabilis na kilos. Mabilis niyang sinipa ang kamay ng lalaking may hawak ng baril dahilan para ‘di sinasadyang mabitawan ito ng lalaki. Tumalon Vladimyr para abutin ang baril na humagis sa ere kaya napatalon din ang lalaki pero binigyan niya agad ito ng malakas at mabigat na sipa sa tiyan.

Napahiyaw ng lalaking bumalabag sa mesa ng computer kung saan nakaharap si Noah.

Napansin ni Vladimyr ang pagsugod ng isa pang lalaking Goon na naroon ngunit ‘di niya ito binigyan ng pagkakataon. Pag-abot niya ng baril na malapit nang bumagsak ay agad niyang kinasa at pinaputukan ang mga hita ang lalaki; gayundin ang nakabulagtang isa.

"Ah!" Nangingilabot na hiyaw nito at pilit na lumalayo kay Vladimyr.

" ‘Di ko inaasahan na may naka-abang sa'kin dito." Kaswal niyang sabi.

"Sorry Vladimyr, bigla nalang silang pumasok dito at pinagbantaan kami!" kabadong sabi ni Noah.

"Sige, tawagan mo muna si Ethan at i-report mo na ito ngayon."

"Okay. Vladimyr please my child is in their play room, I'm begging you please save them." maluha-luha sa takot na pagmamaka-awa ni Noah kay Vladimyr. Tumango si Vladimyr at kinuha ang baril ng isa pang lalaki na namimilipit sa kirot ng tama sa hita.

"Dito lang kayo."

Kaagad sumunod si Noah. Kinuha ang phone niya at agad tumawag sa General.

Nagmamadaling umalis si Vladimyr papunta sa play room ng mga bata. Sigurado na siyang alam na ng mga kasamahan ng lalaki ang putok ng baril at naka-alarma na ang mga ito sa pagdating niya.

‘Di mapigilan ni Vladimyr ang pag-init ng ulo niya.

Pati bata dinamay talaga?

Wag lang silang magkakamaling saktan ang mga batang ‘yon kundi ipapakain ko sila kina Buttercup, Bubbles at Blossom!

Ang tatlong tigreng alaga ni Vladimyr.

Dahan-dahan na umakyat si Vladimyr sa second floor. Kita na niya ang play room dahil sa mga cute na animal drawings sa pinto.

Lalo siyang nag-aalala para sa mga bata sa loob ng kwarto. Pakiramdam niya ay kaya niyang durugin agad ang mga lalaking iyon nang walang awa dahil sa pananatili sa loob ng mga inosenteng bata!

Ngunit, kailangan niyang maging mahinahon at maingat sa kanyang mga galaw. Hinding-hindi niya mapapatawad ang sarili niya kapag may nangyaring masama sa mga batang iyon!

Matapos huminga para pigilan ang sarili sa pagngangalit. Tatlong katok ang ginawa niya sa pinto at mahinang nagtanong.

"Gusto ko lang i-check ang mga bata, pwede mo ba akong papasukin?"

Aniya habang pigil ang hiningang kinakalma ang sarili.
There is three kids inside which is a five year old kid, a 3 yr old. Ang an 18 months old baby.

She can't be imagine how much exhausting trepidation this people caused for the parents of this kids. Though, the kids seems behaving better.

For a few seconds, the door opened and the man inside tried to peak.

The Crazy, Rich Madame Where stories live. Discover now