chapter 46

42 10 0
                                    

SUMIPA ang lakas ng pakiramdam ni Vladimyr. Ramdam niya ang biglang pagbabago ng galaw ng hangin mula sa kinatatayuan ni Gazali na tila nabalisa ang kalamadong hangin. Tila isang payapang tubig na nabulabog matapos ang biglaang pagkilos.

Awtomatikong pumihit ang kaniyang katawan sa swabe at sanay nang galaw.

Gumawa si Vladimyr ng ilang hakbang pabalik, upang makakuha ng sapat na espasyo para maiwasan ang tilamsik ng tubig mula sa bote. Iniunat niya ang kanyang braso, sapat sa distansiya ni Gazali at kinuha ang bote mula sa kamay ng babae.  Habang ang kanyang kabilang kamay ay humawak sa pulso ng babae na may tamang higpit at sa isang kisap-mata, ang mga braso ni Gazali ay pumulupot sa kanyang likod sa mahigpit na pagkakahawak ni Vladimyr.

Sinipa ni Vlad ang likod binti ni Gazali at pwersahang mapaluhod ito.  Napasigaw si Gazali habang dinadama ang matinding sakit ng kanyang braso at balat.

"Ah! B*tch! Let go of me!" Gigil na daing nito. Hindi maipinta ang mukha  at hindi napigilan ang mapangiwi habang nagtatagis ang ngipin.

Hindi makapaniwala ang mga tao sa nasasaksihan. Parang silang manonood lang ng isang scene sa drama at naging kapana-panabik na kaganapan, nang umikot si Vladimyr.  Sa isang iglap, ganoon na ang sitwasyon ng babae habang nagpapalipat-lipat ang mga tingin ng mga ito kay Vladimyr at kay Gazali.

"I warned you already, Gazali. Hindi sa lahat oras kaya kitang pagpasensyahan." Mas hinigpitan pa ni Vladimyr ang kapit sa braso ni Gazali kaya napaingit lalo ito.

"Kung ngayon ganito pa lang ang kaya kong gawing sa'yo, sa mga susunod na insultunin mo pa ako, puputulin ko na yang dila mo at ireregalo ko sa mga magulang mong hindi marunong magturo ng tamang asal. At sa susunod na subukan mong kantiin ako, I will ripped that arms of yours fed it to my kittens, naiintidihan mo?" Mahina pero mariing banta ni Vladimyr sa babae bago ito marahas na itinulak para pinakawalan.

Tila nahulasan ng dugo sa buong katawan si Gazali matapos ang babalang iyon no Vladimyr. Ang babaeng buo ang tapang at lakas ng loob kanina lang ay napalitan hindi maipaliwanag na takot.

"H-how dare you threaten me like this, bitch!" Lakas loob na singhal ni Gazali at binalingan ng matalim na tingin si Vladimyr.

"I dare, Gazali. Because I can..." madilim at malamig na tingin ang iginawad ni Vladimyr sa huli.

Tumayo si Vladimyr, at humakbang ng ilang beses palayo kay Gazali saka pinagmasdan ito na bakas ang takot at paghihimagsik sa galit ang mga matang nakatitig sa kaniya pero walang magawa.

"Alam mo bilib ako kay Ethan." She paused.

"Sa Lahat ng ginagawa mo'ng eskandalo at kahihiyan, hindi ka pa rin niya iniiwan." Napalatak siya ng ilang ulit.

"Bakit 'di ka na lang mag-tiwala sa asawa mo? Ako ang lagi mong pinag-iinitan? Napaka-isip bata mo Gazali, alam mo ba 'yon? Ethan is undeniably handsome, hot and a very woman magnet. Kahit saan siya magpunta, women will throw themselves to such hunk man to have a piece of him even if he is married."

She shook her head in disappointment.

"How sure are you na ako lang ang lumalapit sa asawa mo every possible minute na wala siya sa tabi mo? The fact na iba' ang case namin dalawa kaya kailangan naming mag-usap? Open your eyes Gazali. Don't let you husband leave you because of your childish deeds. And this is the last time I will warn you."

Yumuko si Vladimyr para magpantay sila ni Gazali na noon ay mangiyak-ngiyak na sa galit at pagkapahiya. Sumilay ang tusong ngiti ni Vlad sa kaniyang labi at maingat na tinapik ang baba ni Gazali habang nakangisi.

"Hindi mo alam kung ano pa ang mga kaya kong gawin, Gazali. Subukan mong ubusin ang ang pasensya ko..." Mahinang wika ni Vladimyr mapalit sa tainga ni Gazali habang nakatutok ang tingin sa dalawang kasama ng babae.

The Crazy, Rich Madame Where stories live. Discover now