Chapter 1

2.1K 28 2
                                    

✿♡ TRIDA ♡✿

"Nasa'n ka?" bungad ko kay Zee nang sa wakas ay sagutin niya ang tawag ko. Kaibigan ko siya simula pa noong high school ako. Nagkakilala kami noong minsan na pinagtanggol niya ako sa mga nambu-bully sa 'kin. Siya rin ang pumigil sa 'kin noong oras na tatalon dapat ako sa rooftop ng school dahil sa matinding depresyon, dulot ng pambu-bully sa 'kin ng mga kaklase ko at iba pang mga estudyante.

"Bakit? Miss mo na 'ko?" Tinawanan niya 'ko mula sa kabilang linya.

"Oo. Miss na kita. Pahiram muna 'kong pera. Tinatamad akong mag-withdraw," sagot ko sa kaniya. May pera naman ako sa savings account ko dahil pinapadalhan ako ni kuya. Kaso nga lang, sinaniban ako ni Master Katam. Katamaran.

"Bakit na naman? Ano'ng tingin mo sa 'kin? ATM mo na basta na lang magluluwa ng pera 'pag kailangan—magkano ba?" Iniba niya agad ang usapan no'ng pabagsak kong binaba ang baso sa sink, at kamuntikan na 'yon mabasag. Alam kong dinig niya 'yon kahit na sa phone lang kami magkausap.

"Five lang. Kailangan ko lang mag-grocery 'tsaka magpa-laundry."

"Five pesos lang pala, sure!"

"G*go ka ba!" Nag-init na naman ang ulo ko. "Ano'ng gagawin ko sa five pesos mo! Baka gusto mong ipako ko pa 'yan sa noo mo!"

"Ikaw ang nagsabi na five lang, 'di ba? Labo mo kausap! Lukutin ko mukha mo d'yan, eh!"

"Five thousand, tukmol! Kung five pesos lang ibibigay mo sa 'kin, salamat na lang sa lahat. Mag-iingat ka palag—"

"Oo na, Trida! May dagdag pang wan-key kung gusto mo!" Narinig ko siyang natawa at agad naman akong napangiti ro'n sa wan-key na binanggit niya. "Hintayin mo na lang ako sa dorm. Sabay na tayo mag-grocery. Last subject ko naman na. Baka mamaya kung saan-saan ka lang pala pumunta. Mahirap na kapag napahamak ka. Malaking gastos magpalibing ngayon," biro niya sabay tawa.

Sinabayan ko naman ang biro niya. "Ngayon pa lang sinasabi ko na sa'yo, kung ipalilibing mo 'ko, gusto kong kabaong 'yong tig-isang milyon ang halaga. 'Yong may aircon sa loob para fresh pa rin kahit kalansay na. 'Yong hindi huhulos ang foundation ko. Tapos 'yong kape, starbucks dapat. Cakeland naman ang tinapay. 'Wag na 'wag kang magpapakape ng black at 'wag ka rin bibili ng nakabaldeng tinapay, utang na loob! Gusto ko sosyal. 'Yong mga hindi naman magbibigay ng abuloy, kahit dunkin' donuts na lang at 3 in 1. Tapos lahat ng maiipon mong abuloy, sa'yo na."

Hindi ko na siya hinintay makasagot at agad binabaan. Mabuti na lang may kaibigan akong yayamanin. Sa edad niyang nineteen ay may sarili na siyang sasakyan, villa at condo. Bukod sa g'wapo na ay galing pa siya sa mayamang pamilya. Kaya nga kahit hindi ko nababayaran ang mga hinihiram kong pera, nakakatulog pa rin siya nang mahimbing with hilik pa.

Pero kahit may sarili siyang condo, nagdo-dorm pa rin siya. Ayaw niya raw kasing ma-hassle sa biyahe kapag papasok. Magkasama rin kami sa isang dorm. Sa DS Dorm. Pero sa 4th floor silang mga lalaki. Ang first to third floor naman ay para lamang sa aming mga babaeng estudyante. Ang fourth at fifth floor naman ay para sa mga unggoy na tulad niya. Mga lalaki.

Halos thirty minutes akong naghintay bago siya dumating sa dorm. Nasa lobby lang naman ako at nanonood ng TV kaya agad niya akong nakita.

"Akala ko ba mag-grocery tayo? Bakit hindi ka pa nakagayak?" sita niya sa 'kin pag-upo sa tabi ko. Nakasuot lang kasi ako ng shorts na kulay itim at big size shirt na kulay gray. Tapos naka nike na slippers lang ako. Pambahay lang ba.

Finding Supremo (Undergoing Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon