TRIDA POV
"Now, the decision is yours. Will you trust me or not?"
Natahimik ako saglit. I studied his face and I know for sure na puwede ko siyang pagkatiwalaan. I leaned forward and rest my forearm in the table.
"Come closer," bulong ko sa kaniya. Ngumiti naman siya. Mukhang pabor na pabor sa kaniyang maging malapit sa akn. Nirest niya rin ang forearm niya sa mesa at inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Luminga-linga muna ako sa paligid just to make sure na kami lang dalawa ang tao sa rooftop at walang ibang makakarinig sa sasabihin ko. Binalik ko na ulit ang tingin ko sa kaniya pero inilayo ko nang bahagya ang mukha ko dahil sobrang lapit na namin. "Ganito 'yon," I started. "Di ba aware naman kayo sa mga nangyayari sa school natin. 'Yung mga namatay na estudyante?"
Tumango siya. "Oo. Bakit?"
"Alam namin kung sino ang nasa likod ng bagay na 'yon at kung ano'ng dahilan ng pagpatay."
He furrowed his eyebrows. "Sino?" he asked, confused.
"Si Supremo," I whispered. Lalong kumunot ang kaniyang noo.
"Supremo?"
Tumango naman ako. "Oo. Si Supremo. Hindi ko alam kung ano'ng tunay n'yang pangalan. Pero s'ya ang nag-utos para patayin ang mga estudyante. At ito pa...alam mo bang narito s'ya sa dorm natin? Pumapasok din s'ya sa university na pinapasukan natin." I stated quietly. Pero 'yung reaksyon ng mukha niya, halatang hindi naniniwala.
"You know what? Kakabasa mo ng mga novels 'yan, e." Bigla siyang umurong palayo, sasandal sana ulit siya sa upuan niya pero hinila ko agad ang kamay niya.
"Hindi pa 'ko tapos! Makinig ka muna," bulong ko ulit.
Bumuntong hininga naman siya. "Okay, continue."
Sumeryoso na ulit ako. "Alam mo ba kung ano'ng dahilan ng pagpatay?"
"Ano?"
"Ginto."
"Ginto?"
"Oo. At alam mo ba kung nasaan ang ginto?"
"Nasaan?"
"Narito sa dorm natin. Dito nakatago 'yon kaya narito rin si Supremo. At pansin ko, lahat ng mga pinapapatay n'ya—'yun ang mga nakakaalam o may idea na about sa ginto na nakatago rito sa dorm." Kumunot ulit ang kaniyang noo. Mukha talaga siyang hindi naniniwala. Bigla niyang dinampi ang palad niya sa noo ko.
"May lagnat ka ba?" tanong niya.
Tinampal ko naman ang kamay niya. "Wala akong lagnat!"
"Eh, bakit parang wala ka sa sarili mo?" Natawa pa siya nang bahagya.
"Haze, hindi ako nakikipagbiruan, p'wede ba!" mahina kong saway sa kaniya, pinipigilan kong huwag mainis nang todo.
Bigla nanan siyang umayos sa pagkakaupo. "Okay. So, ang sinasabi mo ay, kasama lang natin dito sa dorm si Supremo?" I nodded. "Sino siya?"
"Si..." Tumigil ako saglit.
"Sino?"
"Si Kierzyuwi." Naningkit ang mga mata niya sa sinabi ko.
"Si Kierz?" He doesn't seem to believe me.
"Oo."
"Parang imposible nama—" He paused, seeming to be thinking. Nagsalita naman ulit ako para ikuwento sa kaniya ang mga napansin ko kay Yuwi simula noong nangyari ang mga krimen.
"Nu'ng nawalan ako ng malay, nu'ng araw na nakita namin 'yung unang biktima, that time, naro'n si Yuwi sa lugar na 'yon. Ang sabi ni Ivy nu’ng nagkamalay ako, napadaan daw si Yuwi ro'n at binuhat n'ya ako pauwi sa dorm. But come to think of it, was that really a coincidence?" Hindi siya kumibo, nag-iisip pa rin siya. "At nu'ng time na dinukot kami ni Ivy ng naka-van. Tandang-tanda ko na may tumawag sa cell phone ng lalaki na babaril sana sa 'min. At after n'ya makausap 'yon, bigla na lang nagbago ang isip n'ya at hindi na kami pinatay. Tapos biglang dumating si Yuwi sa lugar na 'yon para sunduin kami."
BINABASA MO ANG
Finding Supremo (Undergoing Editing)
Ficção AdolescenteIvy moved to a different city and a new school. She wants only a quiet, anonymous life but she became friends with the popular and outgoing Trida. They became really close together with the five good-looking male students who lives in the dorm as we...