IVY POV
Two weeks later...
Nakalabas na sa ospital si Trida, pero si Haze ay hindi pa. Ang balita ko kay Matthew baka bukas pa raw o sa isang araw madi-discharged si Haze dahil mas grabe ang mga sugat na tinamo niya kaysa kay Trida. Himala na nga lang daw na nabuhay pa sila pagkatapos bumaligtad ng sasakyan. At buti na lang hindi sila nasabugan.
Si Trida naman ay pansamantalang inuwi ng mommy at daddy niya sa kanila nang dalawang araw bago umuwi rito sa dorm—para raw maalagaan at mamonitor siya roon. At kitang-kita ko kung paano siya tumutol noong araw na 'yon dahil ayaw niyang umuwi sa kanila. Ang kaso ay wala siyang nagawa sa desisyon ng parents niya.
At sa dalawang gabi na wala akong kasama sa kwarto, halos hindi ako nakakatulog dahil naiisip ko na paano kung biglang may pumasok sa kwarto namin at patayin ako? WAAAAH!
Ngunit kahit nakabalik na siya sa dorm ngayon ay hindi pa rin siya pinapayagang pumasok sa school para sa mas mabilis niyang recovery. Kailangan muna niyang magpalakas nang husto. At pansin ko rin na simula noong naaksidente siya, noong makalabas siya sa ospital ay parang naging tahimik siya.
Hindi siya masyadong nakikipag-usap at parang laging malalim ang kaniyang iniisip. There were times na makikita ko na lang na tumutulo ang luha niya habang nakatulala. Ang weird, pero kapag tinatanong ko naman siya kung ano'ng problema, lagi niyang sinasabi na wala raw.
Hanggang ngayon nga hindi ko pa rin alam kung bakit sila naaksidente ni Haze. Basta ang alam ko lang, tumaob ang sasakyan. Hindi ko siya magawang tanungin dahil lagi siyang tahimik. Nakakatakot magtanong dahil feeling ko ay ang laki ng ipinagbago niya.
"Si Trida nasaan?" tanong ni Zee pagpunta ko sa kusina. Kumakain na sila ng almusal at mga nakagayak na rin, papasok sa school.
"Nasa kwarto," I said and pulled a chair for myself at saka ako naupo. "Dadalhan ko na lang s'ya ng pagkain mamaya pagkatapos ko. Tutal tulog pa naman s'ya," I added. Nagsimula na kaming kumain. Tahimik lang kami at walang nagsasalita. Nabibingi na nga ako sa katahimikan ni Trida, nakikiisa pa sila. Is being silent a new trend? "Sa tingin n'yo, bakit magkasama si Haze at Trida noong araw na naaksidente sila?" I broke the silence. Hindi ko na kasi kaya.
Nag-angat naman sila ng tingin sa akin.
"Ewan ko. Baka nag-date sila," sagot ni Zee pagkatapos ay itinuloy ulit ang pagkain.
Medyo napaisip ako sa comment niya. Naalala ko kasi ang araw na umalis si Trida sa school at sinabi niyang may pupuntahan siya. Wala siyang nabanggit sa akin noon na kasama niya si Haze.
"Noong araw na naaksidente sila, papunta kami no'n sa cafeteria ni Haze. Pero nagpaalam s'yang pupunta lang saglit sa cr kaya pinauna n'ya 'ko. Kaso hindi naman na s'ya sumunod sa 'kin," litanya naman ni Kayden.
Nag-angat ulit ng tingin si Zee at saglit na nag-isip. "Ibig sabihin, baka nga plano talaga nilang magkita nu'ng araw na 'yon. Baka magda-date nga sila."
Bumaling naman ako kay Kierzyuwi na kanina pa tahimik. "Eh ikaw Kierz? Nasaan ka no'n?" I asked curiously.
He raised his head and looked me in the eye. Hindi kaya may kinalaman siya sa aksidente ng dalawa? Ayokong magbintang pero iba kasi talaga ang kutob ko.
"I met a friend that day, kaya maaga akong umalis sa school," he said in a very cold voice.
Bumaling naman sa kaniya si Kayden at sinermonan siya. "Kaya naman pala bigla ka ring nawala no'n. Di ka man lang nagsabi!"
Natahimik na ulit ako at napaisip habang ipinagpapatuloy ang pagnguya sa pagkaing nasa bibig ko.
Umalis si Trida sa school noong araw na 'yon. Umalis rin si Kierz. Umalis rin si Haze. Then Trida and Haze met and ended up in a car accident.
BINABASA MO ANG
Finding Supremo (Undergoing Editing)
Teen FictionIvy moved to a different city and a new school. She wants only a quiet, anonymous life but she became friends with the popular and outgoing Trida. They became really close together with the five good-looking male students who lives in the dorm as we...