Chapter 55 - Club Pt.2

179 5 3
                                    

IVY PIÑAFLORIDA

Nakatayo ako sa harap ng full length mirror sa kwarto ko habang hawak ang baril. Nakatitig ako ro'n. Nakasuot naman sa hita ko ang leg gun holster.

Hindi kasi p'wede na sa clutch bag ko lang 'to ilagay dahil makikita 'yon bago kami pumasok sa club kapag nag-check ang security.

Ayoko naman sana talaga magdala ng baril. Kaso naisip ko, paano kung may mangyari sa 'kin? Paano kung may gawin na masama si Supremo 'pag nagkaharap na kami? Lalo na at pinapupunta niya akong mag-isa. Kailangan ko ng pang-self defense kung sakali. Mahirap na.

Sinuksok ko na ang baril sa leg gun holster na nasa hita ko at saka ko na sinuot ang spaghetti strap kong dress ko na kulay black. Pinagmasdan ko ang repleksyon ko sa salamin.

Perfect! Hindi rin halata na may dala akong de@dly weapon.

Dinampot ko na ang clutch bag ko pati na rin ang cell phone kong nasa kama. Paglabas ko sa kwarto, nakaabang agad sa akin si mommy.

"Anak, sigurado ka bang hindi mo kailangan ng kasama?" Bakas sa mukha niya ang pag-aalala.

Dumating naman si daddy at sinabing, "Nasa labas na 'yung driver ko. Ipahahatid kita."

Walang bakas ng pag-aalala sa mukha niya, hindi katulad ni mommy. Kampante raw kasi siya na walang mangyayari sa akin since apo naman ni Mr. David ang ime-meet ko na magiging soon-to-be husband ko raw. Duh.

Bumaling ulit ako kay mommy and I smiled at her lightly. "Tatawag ako kapag na-meet ko na s'ya para hindi kayo mag-alala."

☆゚.*・。゚

Inabot ko sa security ang ID na ibinigay sa akin ni Atty. Morris. Iba ang taon ng kapanganakan ko ro'n kaya hindi na nila kinwestyon ang edad ko.

Buti nga sinabi sa 'kin ni Atty. Morris na club pala ang meeting place namin ni Supremo. Ang inexpect ko talaga ay café since 'yon ang sinend sa akin. Pero na-gets ko na kung bakit Magic Café ang pangalan ng café. Kasi nga pagdating ng 7 pm, nag-oopen na ang club doon.

Binalik ng security amg clutch bag ko after niya 'yon i-check. Good thing na naisip kong itago ang baril sa hita ko.

Habang paakyat ako sa hagdan, naramdaman kong nag-vibrate ang cell phone kong nasa clutch bag. Kinuha ko 'yon para basahin ang text na mula kay Atty. Morris.

"2nd floor. VIP Room 1."

"Copy," I replied quickly.

Nang maibalik ko clutch bag ang phone ko, tumuloy na ako sa pag-akyat sa taas. Sobrang daming taong nagsasayawan sa dance floor at medyo madilim ang paligid dahil disco light lang ang nakasindi at sobrang likot pa. Nakakahilo.

Inikot ko ang paningin ko sa loob. Right side. Left side. Back. Left side ulit. Front. At pagbaling ko ulit sa right side, may pamilyar na mukha akong nahagip. Hindi ko sure kung si Zee o baka kamukha niya lang.

Ano naman gagawin no'n dito?

Nakakita ako ng hagdan at may led lights na kulay purple ang bawat baitang. Umakyat ako ro'n para hanapin ang tineks ni Atty. Morris na VIP room.

Pag-akyat ko sa hagdan, dumako agad ang tingin ko sa gawing kanan at sa dulo no'n ay may lalaking naka-black suit at nakatayo sa tabi ng pinto. May signage sa taas ng pinto.

VIP.

Tiningnan ko ulit ang lalaki at mukhang siya ang security roon kaya naglakad na ako palapit sa direksyon niya.

"Contact person, miss?" tanong niya agad sa akin paglapit ko.

"Atty. Morris," sagot ko. "Vincent Morris," I repeat.

Finding Supremo (Undergoing Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon