Chapter 34. Truth and a lie

179 7 9
                                    

IVY POV

"Thank you, Zee!" pahabol ni Trida habang paakyat na ang dalawa sa hagdan papunta sa floor nila. At hindi na namin sila narinig pang sumagot dahil abala si Matthew sa pagbungisngis. Hindi raw kasi nila alam kung paano gagawin ang kanilang project.

"Let's start," baling ko kay Trida nang makapasok na rin kami sa kwarto, nakasara na ang pinto.

"Set muna natin 'yung code," sagot niya naman. Naupo siya sa gilid ng kama niya. Ibinaba ko naman ang bag ko at saka ko inilabas ang diary ko. Sa gilid ng bed ko rin ako naupo. Magkatapat lamang kami at parehong abala sa pagse-set ng passcode. "Sabihin mo sa 'kin ang code mo, ha? Sasabihin ko rin sa'yo kung ano'ng sa 'kin," dagdag niya.

"Oo naman. Alangan naman maglihiman pa tayo!" sagot ko kahit na hindi siya nililingon. At dahil makakalimutin ako, sinet ko ang sa akin sa apat na zero (0000). "Ano'ng code ng sa'yo?"

"1234. 'Yung sa'yo?"

Kumunot ang noo ko sabay angat ng tingin sa kaniya. "1234? Napakadaling hulaan n'yan! Ano ka, bata? Baligtarin mo gawin mong 4321."

"Gano'n ba? Sige." Agad niya akong sinunod at sinet ng panibago. "Ayan, okay na. Eh, 'yung sa'yo, ano'ng code?" Siya naman ang nag-angat ng tingin sa akin.

Ngumiti naman ako. "Zero, zero, zero, zero."

"Mas madaling hulaan 'yan! Bobo ang potek," ganti niya sa akin sabay tawa.

"Talaga? Edi babaligtarin ko na lang din."

Bigla siyang natigilan sa pagtawa at seryoso akong tiningnan. "Alam mo Ivy, minsan gamit-gamit din ng utak. 'Wag puro ganda. Walang nakakaligtas sa purong ganda, dapat may utak ka! Hindi mo 'ko gayahin. Beauty and brains!" sermon niya sa akin.

Oo nga pala. Paanong babaligtarin kung puro zero? Edi gano'n din 'yon.

Nag-pout ako at hindi na lamang kumibo.

TRIDA's POV

Nakadapa ako sa kama habang ang mga daliri ko ay patuloy sa pag-strum sa page ng diary na hanggang ngayon ay hindi ko masulat-sulatan.

"Ano? May naisip ka na ba?" tanong ni Ivy sa akin nang balingan niya ako. Nakadapa na rin siya sa bed niya. Binabalikan kasi namin ang mga pangyayari simula noong nangyari ang mga pagpatay.

Iniisip namin kung may kakaiba o kahina-hinalang kilos ang lima noong panahon na 'yon. Ang kaso, wala akong maalala.

"Wala pa 'kong maisip," mahina kong sagot, sa pahina pa rin ako nakatitig.

"Pilitin mong mag-isip. Simula doon sa unang biktima. 'Yung taga department nila Kierzyuwi."

"Bakit ako lang ang dapat mag-isip? Dapat ikaw-" I stopped, turning my gaze to her.

"Bakit?" tanong niya habang tinitingnan ako nang may pagtataka.

"Si Kierzyuwi..." halos pabulong kong sabi. Bigla ko kasi itong naalala nang banggitin niya.

"Oh, bakit? Ano'ng mayro'n sa kan'ya?"

"Nu'ng nakita natin ang dalawang babae sa kalsada noon at nawalan ako ng malay...hindi ba sabi mo, s'ya ang bumuhat sa akin para iuwi ako sa dorm?"

Finding Supremo (Undergoing Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon