Chapter 3

553 14 0
                                    

✿♡ IVY ♡✿

NAUNANG umakyat si Trida sa kuwarto. Ako naman ang naiwan para maghugas ng pinagkainan namin. Wala na rin sa kusina 'yong apat na lalaki dahil umakyat na rin sila kanina.

Medyo nagsisi ako na tinanong ko pa siya kung bakit siya nag-do-dorm. Na-curious lang naman kasi ako, dahil kaninang tanghali noong nakaidlip siya, sinamantala ko ang pagkakataon na 'yon para i-search siya sa social media. Nakita ko kasi ang apelyido niya sa suot niyang ID no'ng nasa classroom kami kaya sinubukan kong i-search ang pangalan niya. At agad ko naman 'yon nakita.

Trida Montana.

Marami siyang followers sa social media at active rin siya sa pag-posting. Habang ini-stalk ko ang profile niya, may nakita akong family picture nila. Pero 'yong date ay two years ago pa. Apat sila sa picture at sa tingin ko kapatid niya 'yong isang lalaki na mukhang mas matanda sa kaniya. Napansin ko rin sa mga pictures niyang naka-post na halatang anak mayaman siya. Kaya siguro maraming nakakakilala sa kaniya sa school. Kaya sobra akongt na-curious kung bakit kailangan niya pang mag-dorm kung mayaman naman ang family niya.

Pagkatapos kong maghugas, agad na rin bumalik sa taas, sa kuwarto namin ni Trida. Pagpasok ko sa loob, naabutan siyang gumagawa ng assignment. "Patapos na 'ko. Kopyahin mo na lang 'tong sa 'kin," sabi niya habang nilalabas ko ang notebook ko sa bag. Gagawa na rin kasi sana ako.

"Baka mahalata ni ma'am na nagkopyahan tayo kapag magkamukha ang sagot natin," sagot ko naman sa kaniya.

"Hindi 'yan! 'Tsaka, kung gusto ni ma'am nang magkakaibang sagot, sana nagbigay siya nang magkakaibang tanong!" Napaisip naman ako ro'n. May point din siya tumango na lang ako. 

Pagkatapos niyang gawin ang assignment niya, ipinasa niya sa 'kin ang notebook at kinopya ko naman 'yon without reviewing her answers. Mukha naman siyang matalino kaya tiwala ako sa sagot niya.

☆゚⁠.⁠*⁠・⁠。゚

Pareho na kaming nakapantulog ni Trida. Pero bago ako mahiga, bigla niya akong hinamon maglaro ng bato-bato-pick. "Para saan?" taka kong tanong sa kaniya.

"Kung sino ang matatalo, matutulog dapat nang naka-tape ang bibig," nakangiti niyang sabi. Nagsalubong naman ang kilay ko dahil do'n. "Sige na kasi! Dali na!"

"Kailangan pa ba 'yon?" alangan kong tanong. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit kailangan i-tape pa ang bibig.

"Sige na, dali na!" Pinilit niyang itaas ang kamay ko kaya wala na rin akong nagawa kun'di ang sakyan ang trip niya sa buhay. Umayos na kami at pumosisyon. "Bato-bato-pick!" Sabay kaming nagbitaw ng kamay at agad kong kinuha ang packaging tape na nasa bed niya.

"T-Teka, Ivy..." Umatras siya sa 'kin habang nakatitig sa tape na hawak ko. Nagbato kasi siya at nagpapel naman ako kaya siya ang talo.

"Hindi ba sabi mo kailangan teypan ang bibig nang matatalo?" natatawa kong sabi sa kaniya.

"Oo nga. Pero . . . just let this slide! Pinakopya naman kita sa assignment, eh!"

✿♡ TRIDA ♡✿

Pareho na kaming nakahiga ni Ivy. Buti na lang talaga pumayag siyang huwag na lang teypan ang bibig ko. Naisip ko kasi na tape ang sagot sa paghihilik niya. Akala ko rin matatalo ko siya kaya ang lakas ng loob kong maghamon. I underestimated her.

Hindi pa 'ko inaantok kaya bumaling ako sa kaniya. "Ikaw? Bakit ka nga pala nag-dorm? Malayo rin ba 'yong bahay niyo?" tanong ko habang busy siya sa hawak niyang cell phone.

"Oo."

"May family ka ba rito? Or any relatives?" tanong ko ulit, pero umiling siya. "Pareho pala tayo.

Finding Supremo (Undergoing Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon