THIRD PERSON's POV
[MATAPOS ANG INSIDENTE NA PAGDUKOT KAY TRIDA AT IVY]
Friday, midnight, 1:30 AM.
While everyone was asleep, Supremo took the opportunity to go to the basement. Pinilit niyang i-angat ang kwadradong semento gamit ang kaniyang lakas. At nang matanggal niya ito ay bumungad sa kaniya ang kwadradong pinto pababa sa secret room.
Ngunit napansin niya na bukod sa iris biometric ay may isang maliit na device pa ang nakakabit sa pinto nito at mayroong numero na magsisimula sa zero hanggang nine.
Napailing siya pero hindi na niya 'yon pinagtuunan ng pansin. Imbes ay agad niyang kinuha ang recognition device na nasa kaniyang bulsa at itinapat 'yon sa iris biometric, ngunit...nagulat siya nang hindi ito gumana.
"What's wrong?" tanong niya sa sarili at muling sinubukan na itapat ang recognition device ngunit wala pa rin nangyari. "Aish!"
Agad niyang ibinalik sa bulsa ang bagay na 'yon at kinuha ang kaniyang cell phone para kuhanan ng larawan ang pinto ng secret room—iyong may mga numero.
Pagkatapos ay muli niyang ibinalik ang kwadradong semento para takpan ang pinto ng secret room na halos hindi nalalayo sa itsura ng isang vault.
Hinanap niya ang pangalan ni Vincent sa kaniyang contacts at agad itong tinawagan.
"The recognition device didn't work!" mahina ngunit madiin niyang bungad dito.
"Imposible. Ano'ng nangyari?" takang tugon ni Vincent.
"I should be the one to ask that."
"Kakausapin ko muna ang lolo mo. Hindi ko rin alam kung ano'ng problema ng device."
"Okay, do that. May ise-send din pala ako sa'yo. Ipakita mo agad kay lolo." Matapos ang pag-uusap nila ay pinutol na niya ang linya. Kasunod ay isinend niya rito ang pinityuran niyang maliit na device na mayroong number na 0-9.
Muli siyang bumalik nang tahimik sa kwarto at nahiga habang hinihintay ang reply ni Vincent.
Ilang minuto pa ay naramdaman na niyang nag-vibrate ang kaniyang cell phone at binasa ang reply na mula rito.
"'Yung device na may
number ay emergency
passcode. Kung hindi
gumana ang iris ni
Don Sarmiento na nasa
recognition device,
wala tayong choice kun'di
alamin ang passcode para
mabuksan ang pinto.""Figure out the code."
IVY's POV
Linggo ng umaga. Isang oras na mahigit simula nang magising ako, pero hindi pa ako bumabangon. Si Trida naman ay tulog pa hanggang ngayon.
Binaling ko ang tingin ko sa kaniya at bigla akong napaisip dahil sa text sa akin ng ex niya kahapon. Si Haze.
Kinuha ko ulit ang cell phone ko at binasa ang naging conversation namin kagabi.
"Gising ka pa?"
"Sino 'to?"
"Haze."
BINABASA MO ANG
Finding Supremo (Undergoing Editing)
Roman pour AdolescentsIvy moved to a different city and a new school. She wants only a quiet, anonymous life but she became friends with the popular and outgoing Trida. They became really close together with the five good-looking male students who lives in the dorm as we...