Chapter 26. Ivy's Home

198 9 8
                                    

IVY'S POV

Pauwi na kami ni Trida sa dorm dahil tapos na ang huli naming klase. Ngunit simula pa kanina ay hindi niya ako kinikibo. Pansin ko rin na medyo mugto ang kaniyang mga mata.

Saan kaya s'ya galing kagabi? Kahit isang reply kasi ay wala man lang akong natanggap mula sa kaniya. Pati ang oras nga ng pag-uwi niya ay hindi ko na rin namalayan. Basta nagulat na lang ako na kaninang umaga ay naroon na siya sa bed niya.

Pag-akyat namin sa kwarto ay agad siyang nahiga at pumikit. Matutulog ba s'ya? Hindi ako sanay na ganito siya katahimik. Pakiramdam ko ay wala akong kasama sa kwarto.

"Trida?" Lumapit ako at naupo sa gilid ng kaniyang kama. "Saan ka nagpunta kagabi?" Naglakas-loob na akong magtanong dahil kung hindi ako kikibo ay siguradong mabibingi kami pareho sa katahimikan.

"Kay daddy."

Daddy?

"Ah. Dinalaw mo?"

"Hindi," sagot niya habang nakapikit pa rin. "Kinausap ko s'ya tungkol sa nangyari sa pamilya ni Meghan at Danica."

"Bakit s'ya 'yung kinausap mo?" Nagsalubong ang mga kilay ko sa pagtataka.

Bigla naman siyang dumilat. Tinitigan niya ako saglit bago siya nagdesisyong umupo at nagsimula na rin magkuwento.

TRIDA's POV

Kinwento ko kay Ivy ang lahat. Lahat-lahat. Pati ang nangyari sa akin noon. Ang pambu-bully sa akin at ang issue ni daddy na naging dahilan ng paglayas ko sa amin.

"Ibig sabihin nagpunta ka sa daddy mo para sabihin 'yung nangyari kay Meghan at Danica nu'ng nakita natin sila sa lumang karenderya?" usisa niya.

Tumango ako. "Oo. At ang sabi n'ya, hindi raw murder ang nangyari. Suicide raw. Pero kahit na ano'ng sabihin n'ya, hindi pa rin ako naniniwala. Pakiramdam ko may mali na naman sa nangyayari."

"Kaya nga, e. Kahit ako hindi rin naniniwalang nagpakamatay sila. Baka si Supremo na naman ang nag-utos no'n dahil s'ya rin naman ang nag-utos na dukutin sila."

Bumuntong-hininga ako at yumuko. Hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko. Naaawa ako sa nangyari sa pamilya ni Meghan at Danica, ngunit wala akong magawa.

Gusto kong hanapin si Supremo para pagbayarin sa lahat ng ginagawa niya. Gusto kong mabigyan ng hustisya ang—

"Trida?" Nag-angat ako ng tingin kay Ivy nang tawagin niya ako. "Gusto mo ba talagang hanapin si Supremo?"

"Oo," walang alinlangan kong sagot.

"O, sige. Kung talagang gusto mo..." I furrowed my eyebrows, waiting for her to continue, "...hindi kita pipigilan. I support you. Fighting!" She squealed.

Nawala bigla ang gana kong mag-emote dahil sa kaniya. Parang ang sarap manapak ngayon, ah? Sabagay, why did I expect her to say something nice?

I sighed. "Salamat sa support. Magpatatak ka na rin sana ng t-shirt, tapos may nakalagay na I Support Trida, para damang-dama ko naman!" I said sarcastically.

"Old fashion naman 'yon masyado. Pero sige, kung gusto mo, magpapa-print ako!" she said happily.

Napailing na lamang ako. Ewan ko talaga rito kay Ivy. Wala yata talaga akong aasahan na maayos sa kaniya.

Finding Supremo (Undergoing Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon