Chapter 14. Kidnapped

290 9 2
                                    

THIRD PERSON POV

Tahimik na binabasa ni Supremo ang ipinadalang impormasyon sa kaniya ni Vincent patungkol sa dalawang pina-imbestigahan niya.

Si Ivy, nagmula ito sa isang malayong probinsya, may simpleng pamumuhay at simpleng pamilya. May isang kapatid din ito, nasa Thailand. Bukod do'n ay wala ng nakuhang importanteng impormasyon si Vincent tungkol sa kaniya.

Pero si Trida, napag-alaman niyang anak ito ni Mr. Nicholas Montana—kilalang Chief Prosecutor. Asawa naman nito si Mrs. Sabina Montana, ina ni Trida na siyang Director ng News Daily. Natuklasan din niyang naglayas si Trida sa kanila pagkatapos nitong maka-graduate ng hayskul. Ang kuya nito na nasa Canada ang tanging sumusuporta sa financial needs niya dahil pinutol ng kanilang ama ang pagbibigay ng suporta rito simula nang umalis ito sa poder nila.

May gumuhit na pilyong ngiti sa labi niya pagkatapos niyang malaman na anak si Trida ng mga taong malaki ang kontribusyon sa ginagawa niyang misyon.

Dahil ang kaniyang ama na si David ay nakipagnegosasyon sa mga magulang ni Trida para madali niyang maisagawa ang kaniyang misyon. Kinokontrol ng ina ni Trida ang pagkalat ng balita habang gumagawa naman ng paraan ang asawa nito para linisin ang mga kaso.

"In exchange for your parents help...I will protect you," mahina niyang bulong at hinaplos pa ang pang-ibaba nitong labi gamit ang kaniyang daliri.

IVY'S POV

Naglakad kami papunta sa bleachers kung saan nakapatong ang bag namin. Pawis na pawis kami dahil sa paglalaro namin ng volleyball sa P.E subject.

"Uhaw na uhaw na 'ko!" reklamo ni Trida, abot din ang hagod niya ng pawis sa kaniyang noo. Kanina pa kasi namin naubos 'yong binili naming bottled water.

"Tara, bili ulit tayo," aya ko sa kaniya matapos kong damputin ang bag ko. Bitbit din ang bag niya, nagsimula na kaming maglakad palabas ng gym. Nakayuko ako at tutok ang mata sa screen ng hawak kong cell phone, binabasa ang text ni mommy. Nangungumusta siya at tinatanong kung may kailangan daw ba ako.

Magta-type na sana ako para mag-reply nang maramdaman kong huminto si Trida sa paglalakad at nilingon ang mga estudyanteng nakaupo sa bleachers. Huminto rin ako at pasimpleng nakinig sa kanilang marites session.

"Naniniwala ka ba na holdap lang ang dahilan sa pagkamatay ng apat na estudyante?" student 1.

"Not sure. Pero 'yon ang sabi sa imbestigasyon." Student 2.

"At saka alam n'yo ba? Mayro'n na naman daw nakitang katawan kaninang umaga, estudyante rin, dalawa. Nakita raw 'yong katawan sa west gate at ang usapan kagabi pa raw patay. Pero kaninang umaga lang natagpuan ang bangkay." Student 3.

"Tapos ang nakakapagtaka pa, walang lumalabas na balita tungkol sa nangyayari. Pansin n'yo rin ba?" Student 2.

Napilitan na akong hilahin si Trida palabas ng gym dahil natatakot na ako sa pinag-uusapan nila. Pansin ko rin kasi na bahagya na siyang tulala dahil sa mga naririnig niya.

"Ibig sabihin, bukod kay Sir Rodriguez, mayro'n na naman?" tanong ko sabay angat ng tingin sa kaniya. Pero sa malayo siya nakatanaw, tulala na naman at mukhang malalim ang iniisip.

"Hindi na tama 'to..." bumaling siya sa 'kin, bakas ang matinding pag-aalala sa mukha niya. Kaya sa halip na bumili ng tubig ay nag-aya na lamang siyang umuwi sa dorm. Alas-sais ng hapon ang tapos ng P.E namin kaya medyo dumidilim na.

Finding Supremo (Undergoing Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon