Chapter 28. Strange Dream

196 10 4
                                    

THIRD PERSON POV

Magkakaharap sina Mr. David Ferrari, Supremo at Vincent sa balcony. Ini-report ni Vincent sa matanda na hindi niya naabutan sa dorm ang may-ari at caretaker lamang ang kaniyang nakausap kaninang umaga.

"Ang sabi ng caretaker, nasa South Korea raw po ang may-ari ng building. Si Mrs. Kate Min. Simula noong nakaraang taon hindi pa s'ya umuuwi rito sa bansa dahil sa business n'yang naka-base roon sa Gangnam-gu, Korea," paliwanag ni Vincent.

"Wala bang sinabi kung kailan ang uwi n'ya? Kung paano natin s'ya p'wedeng makausap o ma-contact man lang?" usisa ni Mr. David, ang lolo ni Supremo.

"May ibinigay na email address ang caretaker. P'wede po tayong magpadala ng email kay Mrs. Min, pero sa tingin ko ay mas maganda pa rin kung makakausap natin s'ya nang personal."

Humigop ng tsaa si Mr. David matapos iyon sabihin ni Vincent. Kasunod ang malalim nitong buntong-hininga, tila nag-iisip.

Tahimik namang sumulyap si Supremo sa katabi—kay Vincent. Kanina pa niya kasi ito gustong makausap nang sarilinan dahil may mahalaga silang tatalakayin. Kaya lang, hanggang ngayon ay hindi pa rin umaalis ang kaniyang lolo.

"JT," tawag ng kaniyang lolo kaya agad siyang lumingon dito. "Nasisiguro n'yo ba na walang nakakaalam ng tungkol sa sikreto ng DS dorm?"

"Mmm." He hummed, nodding his head. "Prosecutor Montana is a big help to us," dagdag pa niya.

"Kapag nakuha na natin ang lahat ng nakatago sa dorm—ibibigay natin sa kan'ya ang ten percent," saad ni Mr. David, dahilan upang mapasulyap si Vincent kay Supremo at ganoon din ito sa kaniya. Wala kasing kaalam-alam ang matanda sa contract agreement na kanilang natuklasan. Sila lamang ang nakakaalam nito. Hindi alam ng kaniyang lolo na hindi mapupunta sa kanila ang lahat ng nakatagong yaman doon dahil hahatiin iyon kapag naikasal na siya sa taong tinutukoy rin sa kasulatan. "Aalis muna 'ko." Tumayo ang matanda sa kaniyang upuan kaya't naiwan ang dalawa sa balcony.

Humigop naman ng kape si JT at hinintay munang makalayo ang kaniyang lolo. Nang matiyak nila na wala na ito ay saka niya hinarap si Vincent.

"Nahanap mo?" tanong niya agad dito. Ang tinutukoy niya ay panganay na anak ni Don Felipe—si Tony Montelava. Kailangan nilang alamin kung sino ang panganay nitong anak dahil ang bunsong apo niya rito ang nakatakda niyang pakasalan ayon sa kasunduan.

"Wala na s'ya. Inatake s'ya sa puso, ten years ago. Pero nahanap ko ang panganay n'yang anak. Si Karina."

"Karina?" Kumunot ang kaniyang noo.

"Oo. Karina Montelava-Piñaflorida na s'ya ngayon. Nagpunta 'ko sa kanila last week. Nagpakilala akong attoney ng lolo mo," mahinang tugon ni Vincent. Halos pabulong lamang sila mag-usap.

"Ano'ng balita? Nakilala mo ba ang bunso n'yang anak?"

"Hindi pa. Noong nagpunta ako ro'n, wala akong napansin na kasama nila sa bahay maliban sa sampong katulong. Tinanong ko sila kung may anak sila at ang sabi nila mayro'n—dalawa—but they refused to tell me their names. Kaya napilitan na 'kong i-discuss sa kanila ang tungkol sa kontrata. Baka sakaling ibigay nila sa 'kin ang pangalan ng bunso nilang anak nila. Pero hindi pa rin nila sinabi," mahabang litanya nito.

"Ano'ng sabi nila tungkol sa kontrata?"

"Matagal na nilang alam ang tungkol sa pagpapakasal mo sa bunso nilang anak. Ang sabi ni Karina, noong nabubuhay pa raw ang ama n'yang si Mr. Tony, sinabi na nito sa kan'ya ang tungkol do'n..." Saglit na tumigil si Vincent para humigop muli sa kaniyang kape bago ituloy ang sasabihin. "Pero hindi pala ipinaalam sa kanila ang tungkol sa natatagong yaman na p'wede nilang makuha."

Finding Supremo (Undergoing Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon