Chapter 45. Arrested

152 4 1
                                    

IVY's POV

"Ano ba'ng kalokohan 'to?" Iginala ko ang aking paningin habang nag-iisip. 'Patay na si Racquel? At kami ang pumatay? Paano?' "AH! Prank 'to, 'no? Sigurado ako, prank 'to!" baling ko kay Trida na hanggang ngayon ay tulala pa rin.

"Hindi 'to prank," sagot ng isang pulis na nasa gilid.

"Utot mo kuya, blue! Alam ko na mga gan'yang galawan! Hahaha!" Humalakhak pa ako sabay hampas sa balikat ng pulis na nasa gitna, gamit ang mga kamay kong nakaposas. Pero natigilan din ako agad sa seryoso nilang tingin sa amin. Mukhang hindi nga prank. Bumaling ako kay Trida para tanungin siya. "Trida, ano ba'ng nangyari kagabi? Bakit tayo aarestuhin?"

"Wala akong maalala," halos pabulong niyang sabi.

"Wala kaming ginawang masama!" protesta ko nang harapin muli ang tatlong pulis.

"Wala kayong ebidensya!" dagdag pa ni Trida na tila nagising na ang diwa.

Humakbang ang isang pulis papasok sa kwarto namin, nakatanaw kami sa kaniya. At paglabas niya, may bitbit na siyang kutsilyo na may bahid ng dugo. Kinuha niya 'yon sa ibabaw ng side table na nakapagitan sa kama namin ni Trida. 'Bakit ngayon lang namin 'yon napansin?'

Nakasuot ng gloves ang pulis at iniligay niya 'yon sa ziplock na plastic, dahilan para muli kaming matahimik. Kumakabog din ang dibdib ko sa kaba habang pinagmamasdan 'yon.

'Bakit may kutsilyo sa kwarto namin? At may dugo pa?'

"Namatay ang biktima dahil sa saksak," litanya ng pulis na siyang may hawak ng ebidensya. Nanginig bigla ang tuhod ko pati na rin ang mga kamay ko. Para 'kong nawalan ng lakas.

'Ano ba talaga'ng nangyari kagabi?'

"Wait lang! Wala kaming kasalanan!" sigaw ni Trida habang inaakay na kami ng pulis pababa sa hagdan.

Ako naman, hindi na nakakibo pa. Tumahimik na ako dahil wala na akong lakas umapila dahil sa kaba na aking nararamdaman.

Pilit kong inalala kung ano'ng nangyari kagabi. Pero ang natatandaan ko lang ay...

Nagkukwentuhan kami ni Trida habang umiinom ng juice nang makaramdam ako ng hilo. Si Trida naman inantok. Ang sabi namin pupunta na kami sa kwarto pagkatapos ng pangalawang baso pero hindi namin nagawa dahil nakailang refill pa ulit kami hanggang sa para na kaming nalasing at...

Naki-join kami kina Matthew, Zee, Haze, Kayden at Kierzyuwi. Nagbiruan pa nga kami at kumanta pa ako habang isa-isa silang itinuturo.

"Mini mini maynimo, sino sa inyo si Supremo?" Tapos tumapat kay Kierzyuwi ang daliri ko. Pero pagkatapos no'n, hindi ko na maalala kung ano'ng nangyari.

Pagbaba namin sa lobby, nakaabang agad sa amin si Ate Mildred, ang dalawang receptionist, si Precious at ang limang lalaki.

"Ate Mildred! Ate Mildred! Wala kaming kasalanan!" Huminto ako sa tapat niya at hinawakan ko ang kamay niya kahit na nakaposas ako. "Ate Mildred, tulungan mo kami! Wala kaming ginawa!" pagmamakaawa ko pa. Pero hindi siya nakakibo at niyakap lang ako, sunod si Trida. Bakas sa mukha niya ang awa at pag-aalala.

Pansin ko namang tahimik lang si Trida at nakapako ang malamig niyang tingin kay Kierzyuwi.

THIRD PERSON POV

Magkakaharap sa mesa ang lima, tahimik at tila lahat ay may kaniya-kaniyang iniisip.

"Nag-aalala 'ko sa dalawa," ani Matthew habang kumukuyakoy pa ang paa.

"Kung nag-aalala ka, bakit hindi ka umapila sa pulis?" tugon naman ni Kayden nang balingan niya ito.

"Pa'no 'kong aapila? Hindi ko naman alam kung sino totoong may gawa." Matthew.

Finding Supremo (Undergoing Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon