Chapter 36. Restricted Number

167 6 6
                                    

TRIDA POV

"Saan ka ba kasi pupunta?" paulit-ulit na tanong sa 'kin ni Ivy. Kanina niya pa ako kinukulit simula nang magising ako hanggang ngayon sa paggayak ko ay hindi niya pa rin ako tinatantanan.

"Basta. 'Wag ka muna magtanong. Pag-uwi ko na lang at saka ko sasabihin sa'yo," tanging sagot ko sa kaniya sabay dampot sa bag ko at saka na ako nagpaalam. "Aalis na 'ko." Sumunod siya sa paglabas ko sa pinto at hinatid niya pa ako sa lobby habang nakasimangot. "Magte-text ako sa'yo kapag nakausap ko na 'yung tao." Muli ko siyang binalingan bago ako tuluyang tumungo palabas sa gate.

Naabutan ko na rin doon ang taxi na ipinasuyo ko kay Ate Mildred kanina habang gumagayak ako. Naghihintay na ito sa akin kaya agad na akong sumakay roon at sinabi na ang address na aking pupuntahan.

Ilang oras ang nakalipas. Sinalubong ako ni Tita Lyn pagpasok ko sa kanilang bahay nila. Kilala naman ako ng maid nila kaya agad akong pinapasok nito at hindi na nagtanong pa.

"Hi tita." Nakipagbeso ako at ngumiti sa kaniya.

"Bakit ngayon ka lang pumasyal dito?" nakangiti din niyang tanong sa akin.

"Uhm, tita...may kailangan sana 'ko kay Tito Jovanne," nahihiya kong sabi. Oh, 'di ba? Nahihiya pero direct agad. Walang kumu-kumusta.

Kapatid kasi ni daddy si Tito Jovanne at alam kong matutulungan niya ako pagdating sa background ng lima. Marami kasi siyang kakilaka sa detective agency dahil dati siyang detective. Nag-resign lamang siya due to his health condition.

"Wala ang tito mo, may pinuntahan. Kung gusto mo, hintayin mo na lang s'ya para makapag-usap kayo."

IVY's POV

Saturday, 9:00 am. Pagkatapos namin kumain ni Ate Mildred, nagpunta naman kami sa sala para manood ng tv.

"Umalis ba 'yung lima, Ate Mildred?" baling ko sa kaniya. Parang hindi ko pa kasi nakitang bumaba ang isa man sa mga ito.

"Si Kierz, Haze at Kayden umuwi yata. Pero si Matthew at Zee may pinuntahan lang. Babalik din daw mamaya." Sa tv screen nakatutok ang mga mata niya nang sagutin ako.

"Magkasama si Matthew at Zee?" kunot-noo kong tanong.

"Hindi. Mas naunang umalis si Zee kaysa kay Matthew. Pero si Zee, nakasuot lang ng pambahay. Makikipaglaro na naman yata ang batang 'yon." Napailing pa siya nang saglit akong sulyapan.

Napatango naman ako nang bahagya. Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko kaya kinuha ko iyon sa aking bulsa.

["Umuwi ka ngayon."] Nagsalubong ang mga kilay ko nang mabasa ang text ni daddy. Napaisip ako saglit. Noong tinawagan ako ni mommy, ang sabi niya pupunta ro'n ngayon ang attorney ni Mr. David kaya sinabihan niya ako na huwag munang uuwi. Eh, bakit ngayon pinapauwi ako ni daddy?

Naisipan kong nag-reply. "Why dad?"

["Nasaan ang kwintas na ibinigay sa'yo ng lolo mo?"]

"Nasa akin."

["Bring it here. Now."]

Muli akong natigilan. Every time na magte-text sa akin si dad, feeling ko ay naririnig ko ang boses niya kapag binabasa ko ang message niya. Pero ngayon bakit parang may kakaiba?

"Okay, dad. I'll go home. 'Wag ka na magpaluto kay yaya. Bibili na lang ako ng seafood for lunch."

["Sounds good. Hurry up my daughter."] Natigilan muli ako sa naging reply niya sa akin. Pero pinilit kong mag-type ulit kahit nanginginig ang mga kamay ko. I wanted to know kung si daddy nga ang kausap ko o ibang tao.

Finding Supremo (Undergoing Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon