IVY's POV
MONDAY. 12:30 pm. Pagkatapos ng huling klase namin ay nagmadali agad kaming umuwi ni Trida sa dorm.
Nakuha na niya kagabi kay Ate Mildred ang list ng mga lalaki sa 3rd at 4th floor at ngayon pa lang kami magsisimula sa misyon namin. Ang paghahanap kay Supremo.
Pagpasok namin sa kwarto, dali-dali kong ini-lock ang pinto at kinuha naman niya ang kaniyang laptop. Binuksan niya 'yon habang nakaupo siya sa sariling kama.
"Magsimula na tayong mag-search. Nasaan 'yung list? Dali! Dali!" apura niya sa akin. Agad naman akong tumungo sa kama ko at nilusot ko ang kamay ko sa ilalim ng unan dahil doon ko tinago ang listahan.
*FLASHBACK*
(Sunday night after Trida's presentation)
Bumaba kami sa lobby at hinanap namin si Ate Mildred. Naabutan namin siyang nanonood ng tv kaya nilapitan namin siya.
Tumabi kami sa kaniya ni Trida, magkabila kami.
"Ate Mildred," nakangiting sabi ni Trida. "May sasabihin sana 'ko sa'yo."
"Ano 'yon?" tanong naman nito sa amin.
Lumapit si Trida sa tainga niya para bumulong. Para manghingi ng list ng mga naka-dorm na lalaki sa 3rd at 4th floor.
"Ano naman ang gagawin n'yo ro'n?" taka niyang tanong matapos ilayo ni Trida ang kaniyay mukha.
Ako naman ang nagsalita. "Kailangan kasi namin mag-interview ng at least sampong tao para sa research namin. Puro lalaki ang kailangan namin. Mamimili sana kami sa mga naka-dorm sa taas kung sino ang qualified for an interview," isang malaking kasinungalingan kong sabi. Pero mukha namang nakumbinsi namin siya.
"Ah. Sandali." Tumayo siya at nagpunta sa office sa sulok ng lobby. Nagtinginan naman kami ni Trida at maingat na nag-high five para hindi kami nito marinig. Pagbalik ni Ate Mildred, may dala na siyang papel. List 'yon ng mga naka-dorm na lalaki sa taas. "Oh. Ito na."
Si Trida ang umabot no'n. "Thank you, Ate Mildred! Dabest ka talaga!"
"Salamat, Ate Mildred!" Ngumiti rin ako rito at saka na kami nagpaalam para umakyat sa taas. Sa kwarto.
Hindi ko akalaing napakadali lang ng una naming misyon. Halos hindi nga yata kami pinagpawisan sa pagkuha ng mga pangalan nila.
PRESENT
Nakaupo na 'ko sa tabi niya habang nagsisimula na siyang mag-search ng mga pangalan sa internet.
TRIDA's POV
Makalipas ang isang linggo. Pareho kaming puyat at pagod ni Ivy. Buong isang linggo naming tinrabaho ang pagre-research namin sa lahat ng mga estudyanteng lalaki sa dorm.
Tuwing matatapos ang klase namin, uuwi kami agad para gawin ang searching at madalas ay inaabot pa kami ng hating-gabi.
Halos lahat ng mga lalaki sa 3rd floor at 4th floor ay nakilala namin dahil madali namin silang nai-search at lumabas din sila sa whitepages.
Nakatulong din ang social media sa paghahanap namin. Inaral namin ang background ng bawat isa na nakikita namin sa kanilang profile.
But...something seemed off.
Lahat ng estudyante sa list ay na-search namin at nalaman namin ang background, puwera lang sa limang tao na sinadya namin na ihuling hanapin.
Si Kierzyuwi Yanzon.
BINABASA MO ANG
Finding Supremo (Undergoing Editing)
Ficção AdolescenteIvy moved to a different city and a new school. She wants only a quiet, anonymous life but she became friends with the popular and outgoing Trida. They became really close together with the five good-looking male students who lives in the dorm as we...